Chapter 32: Ground

4.7K 138 0
                                    








~*~

















(Cashmere's POV)















"PROCEED TO THE BATTLE FIELD!" Bulyaw sa amin ng nag-aalburoto naming teacher sa Combat Battling. "FASTER!" Dugtong pa nito dahilan para mapatakbo ako.

Wah! Pagkatapos naming mag-Thesis kanina na nakakadugo sa utak, now this?

Combat Battling? Seriously? Hanggang sipa at sampal nga lang alam ko eh. I'm weak. Di ko alam yan.

Pagkatapos ng mahaba-habang takbuhan, ibinaling ko ang aking paningin ko kina Vanessa na parang walang nangyareng pagtakbo sa kanila.

Aba! Shems! Di man lang sila hiningal? Ako nga halos di na makatayo sa pagod? Duh~~ang layo ng North Wing sa pwesto namin ngayon! Urgh!

"Kinulang ka ata sa tulog at pati stamina ng katawan mo naapektuhan."

"Ah!" Sigaw ko sa gulat. "Pwede ba Carlos, magsabi ka naman kung malapit ka na. Katulad mo lang si Vanessa eh."

"Sorry naman. Ikaw kasi, bat para kang zombie ah?" Pagsisita nya sa akin.

Magsasalita pa lang sana ako ng magsalita na sa harap ang teacher namin for this class.

"Okay White Magicians!" Palakpak nyang sabi upang maagaw ang atensyon ng lahat. "Ayoko ng tatanga-tanga sa klase ko. Now, FIND A PARTNER!" sigaw nito.

Agad akong tumalima. Nilibot ko ang paningin ko. Ganun na lamang ang pagkatuyo ng lalamunan ko ng makitang lahat sila may kapareha na.

Patrick and Mich
Carlos and Carl
Jayden and Vanessa
Ferresa and Rosby
Darlene and Andrei

Pati ang iba kong classmates. Wait! Meron pa isa!

"Hinahanap mo ko?" Mapang-akit na sabi ng isang tinig sa aking likuran.

"Hindi ah!" Pagdedepensa ko.

"Good. Ayoko pa naman makipaglaban sa lampa." Saad nya.

"Rence and Frank." Tawag ng teacher namin.

"Tss. Kainis!" Inis na naglakad palayo sa kinaroroonan ko si Rence.

"Kayo ang magkapartner." Saad ng masungit naming teacher. "And you!" Baling naman nya sa gawi ko. "Ikaw ang kapartner ni Donnesa."

Inilibot ko naman ang paningin ko. Saan yung si Donnesa?

"Looking for me?" Bulong sa akin ni Donnesa. "Hi!"

Bahagya naman akong nagulat ng sumulpot sya sa aking harapan.

Invisibility.

"H-Hello." Kinakabahan kong sabi sa kanya na sinuklian lamang nya ng isang tipid na ngiti.

"Since Combat Battling tayo ngayon." Pambibitin ni Ma'am bago nya kami tinignan isa-isa hanggang mapadako iyon sa akin saka nya ako binigyan ng isang ngisi. Grr. What the heck?!

"Lakas ang gagamitin natin. Yan ang kailangan nyong paigtihin." Sabi nya bago naglakad lakad at nilibot ang paningin. "Magkakaroon tayo ng isang game kung saan iikutin nyo itong Battlefield, kasama nyo ang partner nyo. Pagnahuli ang isa sa inyo, dalawa kayong babagsak sa subject ko. Ang unang makarating sa finish line na magkapartner, asahan nyo nang malaki ang puntos na matatanggap nyo mula sa akin. At kapag malaki ang puntos, malaki ang?"

"Allowance!" Excited na dugtong ng karamihan.

"A-Allowance?" Takang tanong ko.

"Yep. Kaya kailangan nating manalo." Seryosong saad ni Donnesa.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon