Chapter 33: Undrello

3.6K 130 0
                                    









~*~














(Cashmere's POV)







"H-Headmaster." Utal kong saad sa garalgal na boses.

"Halika rito iha. Hawakan mo ang kamay ko." Sabi ni Headmaster habang pilit akong inaabot.

Masyado syang mataas. Hindi ko kaya. Mahina ako. Wala akong kwenta. Hindi ko nailigtas ang kaibigan ko. Hindi ko kaya.

"Kakayanin mo yan Cashmere!" Sigaw ng isa kong kaklase.

Lahat nag-aabang at umaasa na lamang. Wala ni isa sa amin ang makagamit ng aming mga mahika o kapangyarihan. Wala ni isa sa amin.

"C-Cash! Hawakan mo ang kamay ko!" Pilit ring pag-aabot sa akin ni Frank.

Naramdaman ko naman ang pwersang humihila sa akin pababa kaya wala akong ibang nagawa kundi humiyaw sa sakit na nadarama.

Nilibot ko ang aking paningin.

Sira na ang kapaligiran, bitak bitak ang lupa dahil sa bomba at pagyanig ng lupa.

"ANO PO BANG NANGYAYARI?!" sigaw ni Andrei dala ng frustration.

Inawat naman sya ng iba at pinahinahon.

"Aaah!" Daing kong muli ng maramdaman na parang hinihigop ako ng lupa pailalim.

Masyadong masikip. Hindi ako makahinga.

Pinilit kong iangat ang sarili mula sa bitak ngunit nabigo ako dahil sa pagyanig muli ng paligid.

Nanatili sa itaas sina Vanessa, Tamix at iba ko pang mga kaklase. Walang nakakababa ni isa, maraming sumubok ngunit nabigo, at kahit na si Vanessa na Earth Manipulator ay hindi kayang gamitin ito sa dalawang paraan. Masyadong delikado.

Unti-unti na akong nanghihina. Eto ba ang naramdaman ni Patrick kanina bago sya sakmalin ng lupa?

Ano nga ba talagang nangyayari?

"Cashmere."

Ang boses na iyon! Pamilyar sya sa aking pandinig.

Hindi na ako nakasagot pa sa tinig na iyon ng mawalan na ako ng hininga dahil sa paglunok sa akin ng lupa.

Ito na ba ang katapusan?













**















(Someone's POV)










Hinayaan ko sya? Hinayaan ko syang sakmalin na lamang ng lupa paibaba kasama ni Patrick Rudolf?

Wala pa rin pala akong kwenta! Hinayaan ko na naman syang mawala sa aking harapan.

Inis kong tinitigan ang Headmaster na kasalukuyang nakaupo sa lupa na pinapalipad gamit ang isip ni Jayden at Vanessa.

Nilapitan ko sya at kinuwelyuhan.

Naramdaman ko namang inaawat ako ng karamihan dahil sa aking ginawa at wala akong pakiaalam roon.

Dahil ito sa kanya. Kung hindi sana sya nagpapatumpik-tumpik pa at isinuko na nya ang hinahanap ng kalaban dapat ginawa na nya, ibinigay na nya!

"Kasalanan mo tong lahat!" Bulyaw ko sa kanya ngunit imbes na sagutin nya ako, nginisihan nya lamang ako at kinuryente gamit ang kanyang abilidad.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyWhere stories live. Discover now