Chapter 71: Alay

2.2K 80 2
                                    










~*~






(Third Person POV)









Nakatulala at hindi makapaniwalang nakatingin lahat sa bagong dating. Lahat ay hindi inaasahan ang pagbisita ng isa sa mga hinahangaan nilang mahikero.

Bahagyang kinurot ni Vanessa ang sarili. Hanggang ngayon ay nauumid nya ang kanyang dila at halos hindi makahinga.

'Totoo ba talaga?' Bulong nya sa sarili na ikinangiti ng headmaster.

"Matthew, maligayang pagbabalik sa akademya. Ano ang maipaglilingkod ko sa'yo? May pinapahatid bang balita si Felipe at pinatawag mo ako upang hayaan kang makapasok?" Nakangiting tanong ni headmdater Russel.

Hindi nagpakita ng kahit na anong emosyon ang binata sa matanda. Hindi nya nagugustuhan ang presensyang kanyang nararamdaman. Tahimik nyang inilibot ang paningin at napailing na lamang.

"Walang pinahatid si Sir Felipe, Russel Dumbledore. Nagtungo ako dito dahil sa presensyang hindi ko ninanais na maramdaman at mukha ngang tama ako na rito ako pumaroon." Casual na sagot ni Matthew.

"Ngunit labas na kayo sa problemang kinakaharap ng aking akademya."

"Alam ko, ngunit hindi ako labas sa problemang ito. Ayon sa mga papeles noon, ako ang tagapag-alaga ng babaeng nakakulong ngayon sa iyong mahika. Masamang gawain naman kung aalis na lamang ako rito gayun pa man na may nangyayari at may mangyayaring hindi kanais nais sa aking alaga, hindi ba?"

Lalong nanlaki ang mga mata ng mga nakarinig. Hindi sila makapaniwala na si Matthew ay ang guardian ng babaeng may itim na salamangka.

Napangiti ang matanda sa narinig. Ramdam nyang iba ang pakay ng lalaki ngunit hinayaan na lamang iyon at nagsimula nang maglakad palayo.

"Headmaster!" Tawag ni Rence sa matanda na syang ikinatigil nito.

"Bakit?"


"Totoo po ba lahat ng kanyang sinabi?"

"Narinig mo ba akong tumutol Kapitan?" Pagbabalik tanong nang matanda na ikinailing ni Rence. "Kung gayon ay totoo ngang sya'y nagsasabi ng katotohanan."

Bago pa man makapagsalita si Rence ay biglaang sumulpot na lamang si Allen na nakaanyo bilang tao dahilan upang maputol ang kanyang sasabihin.

"Sa tingin ko kailangan nyo na talagang umalis."

Napalingon muli si Rence sa headmaster na nakangiti na sa kanya. Ngunit isa itong ngiti na parang may nalalaman.

Nag-iwas ng tingin si Rence bago yumuko bilang pagbigay galang at bumalik na muli sa mga kasamahan.

"Marami ka pa talagang hindi alam." Bulong ni Russel sa sarili bago tumuloy sa paglalakad at tinulungan ang mga nararapat na tulungan.

"Matthew." Tawag ni Allen sa lalaki.


"Allen."


"Anong ginagawa mo rito? At anong nangyari?"

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa iyo nyan? Naparito ako dahil sa naramdaman ko ang malakas na itim na presensya.....and it turns out na galing pala sa kanya."

"Tumuloy na tayo." Pagsingit ni Rence sa usapan bago gumawa ng lubid na gawa sa apoy at ikinabit ito sa mga kadena.


"Saan nyo sya dadalhin?" Nagtatakang tanong ni Matthew.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon