Chapter 27: Frank and Rence

4K 164 2
                                    










~*~















(Cashmere's POV)












Natahimik kaming lahat pagkatapos magsalita ni Rence.

Prinsesa? Sino ba talaga ang Prinsesa? Ano nga ba talagang nangyari noong digmaan?

Ilang sandali pa tumikhim na si Ma'am dahilan upang maibalik kami sa reyalidad.

"Ah. Malapit na palang tumunog ang kampana. Hanggang dito na muna ang ating pag-aaralan. Mabuting gumawa na lang kayo ng essay ito'y magsisilbing inyong takdang aralin. Ipasa nyo ito sa akin sa susunod na linggo." Pag-iwas ni Ma'am Salapare sa topic saka nagmamadaling umalis.

Buong maghapon naging tahimik ang aming klase. Bakit ba napakabig-deal sa kanila nung nangyari sa digmaan? Kailangan ko na talaga ng research ukol dito.

Napahilot na lamang ako ng sintido ko bago tumunog ang kampana. Inayos ko na ang aking sarili bago naglakad papunta kina Carlos na natahimik rin.

"Hi Cash." Bati sa akin ni Carl habang nag-iinat inat pa ng katawan.

Magsasalita pa lang sana ako ng may umakbay na sa akin.

"Kain na tayo. Gutom na ako eh." Nakangusong sabi ni Andrei.

Inalis ko naman ang pagkakaakbay nya sa akin bago ko sya siniko ng malakas sa tyan dahilan para mapasimangot ito.

"Ang bad mo. Kawawa naman mga abs ko neto." Reklamo nya na ikinatawa ni Carlos at Mich.

"Tara na." Seryosong saad ni Jayden.

Susunod pa lang sana kami sa kanya ng daanan nya si Vanessa na nakatulala lamang. Hinawakan nya ang kamay nito at hinila palabas ng classroom.

Lahat naman kami napangisi sa nakita. Oopsy. May naamoy akong sardinas!











**













"Nakakapanibago si Rence no? Hindi nya ugaling magsalita pero ganun na lamang ang pagsabat nya kanina. Ano kayang nangyari kay Captain?" Tanong sa amin ni Vanessa habang nilalamutak ang cheeseburger.

Sabay sabay naman kami nagkibit-balikat bilang sagot sa kanya. Wala naman kase akong alam dyan eh. Tss.

"May sasabihin daw si Captain mamaya sa atin." Biglaang sabi ni Carlos habang nakapikit.

Baka ginagamit nya ngayon yung hangin. Ang astig ng ability nya. Kainis.

"Sasama ka daw Cash." Dugtong pa ni Carlos na ikinakunot ng noo ko.

"Pisti. Wala akong alam sa kung ano man yan. Inosente ako at maganda lang." Sabi ko ng nakataas pa ang dalawang kamay.

"Damang-dama ang hangin." Pambabara ni Carl.

"Unti na lang talaga Cash pupuluputan na kita ng putik. Last mo na yan." Sabat naman ni Vanessa.

"Urgh! Ngayon na daw, doon tayo sa may Middle Wing. Detention Room." Bagot na sabi ni Carlos.

"WHAT?!" Sabay-sabay nilang sigaw kasama na rin doon si Gray at Allen, ang guardian fairies namin ni Tamix Jayden.

Detention Room. Hmm. Sound interesting. Wait what?!

"Sabi ko na eh! Inosente ako at maganda la---,!"

"Cashmere Villacrusis! Malapit ka na!" Pagputol agad sa akin ni Vanessa.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon