Chapter 9: Saan Daw?

5.2K 171 0
                                    



~*~







(Cashmere's POV)











Pumasok ang isang gwapong binata na may kasamang isang matanda na lalaki. Kulay puti at ginto ang kapa nitong matandang lalaki at animo'y para syang anghel na papalapit sa akin.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo Cashmere?" Tanong nya sa akin.

Paano nya ako nakilala? Teka nga nasaan ba ako? Baka hinahanap na ako nila Lola, patay ako dun.

"Sino po kayo? Ano pong ginagawa ko dito?" Tanong ko.

Wala talaga akong maalala.

Teka..

"Si Tamix po nasaan?" Tanong ko pa.

Nagkatinginan ang dalawa.

"Naaalala mo ang lahat?" Takang tanong ng matanda.

Parang naaalala ko na sya. Pinakilala sya sa akin eh. Sya ba yung nasa palabas na Lord Of The Rings? O yung pari doon sa The Last Witch Hunter? Hmm. Ay! Takte! Sya yung humalukay kagabi sa kalooblooban ko. Si Sir Felipe! It's all make sense now.

"Opo." Tanging sagot ko.

"Nakakamangha ang iyong kakayahan. Kaya mong harangin ang mga ritwal na ginawa ko sa iyo kagabi para lamang wala kang maalala sa mga nakita mong ginawa ni Tamix. Isa ka nga sa amin."

Tamango tango yung gwapong lalaki. Teka, makikigaya din ba ako ng pagtango?

"Sumunod ka sa akin Cashmere, may ipapakita ako sa iyo." Dagdag pa ni Sir Felipe.

Tumayo na lang ako doon sa malambot na kama na yun saka sumunod sa kanila.

Huminto kami sa isang hardin.
Amazing. Nakakarelax naman dito. Hehehehe.

"Sa ngayon Cashmere, kinakailangan mong lumayo dito sa mortal na mundo, kakaiba ang iyong kapangyarihan. Sadyang pili lamang ang nagkakaroon ng ganyan, hindi ko pa alam kung ano pa ang kaya mong gawin. Ngunit ang mahalaga ngayon, kailangan mong lumayo at tumira sa kung saan ka nababagay." Mahabang paliwanag ni Sir Felipe at tumango tango ulit yung gwapo na kasama nya. Mukhang kailangan ko na ring makitango.

"H-Huh? Naguguluhan na po ako. Ano pong kapangyarihan? Yung magic po na ginagawa nyo? Nako po. Hahaha. Di pa nga po ako nakakaget over dun eh." Di ba di ba author diba? Feeling genius. "Saka po anong lalayo? Titira? Saan naman po? Kung sa impyerno, okay na po ako sa bahay ni Lola." Dagdag ko pa. Impyerno na dun eh, 101 pa. Saka para feeling wais.

Napabuntong hininga na lang si Sir Felipe.

"May tiwala ka sa sarili mo?" Tanong nya na ikinakunot ng noo ko.

"Opo!" Walang atubiling sagot ko.

"May tiwala ka sa akin? Sa amin?" Tanong nya pa.

"Ah. O-Opo?" Sagot ko? Eh?

"Magaling, ngayon. Tumayo ka ng tuwid at ipikit ang iyong mga mata. Wag kang didilat at kumapit ka kay Matthew ng mahigpit. Dadalhin ka nya sa dapat mong ikalagyan." Naguguluhan man, sinunod ko na lamang si Sir Felipe.

Naramdaman ko ang malambot na kamay ni Matthew sa kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit. Wah! Kinikilig ako!

Pumikit na ako. Ilang sandali pa'y nakaramdam ako ng malakas na hangin.

Didilat na sana ako ng makaramdam ako ng hilo, dun lamang natigil ang hangin. Agad akong napadilat ng maramdaman kong lalabas na..

"Bwak-ehe-wak!"

Yung kinain ko pa to na tinapay nung isang araw ah. So it means. Di pa pala ako kumain, ang galing ko ah! Di pa nadidigest yung tinapay na sinuka ko. Hahahaha! Kaloka.

"Okay ka lang?" Hinaplos haplos nya ang likod ko.

Wew. Ambaeyt ni koye. Wag kang ganyan baka asawahin kita!

"O-Okay na ako-wow!" Napanganga ako sa nakita sa paligid.

Nganga ang beauty ko dito. Just wow.

Totoo ba tong mga nakikita ko? Mga nakalutang na mga bayan sa mga ulap? Totoo ba?

"Wow! A-Ang ganda, ang laking tren tren chuchu caterpillar! Gagawa ba kayo ng pelikula? Ang galing ng imagination nyo! Pwede ko bang makilala yung mga nasa loob ng mga costume ng mga yun? Teka. Pwede rin akong maging extra Mat!" Manghang sigaw ko. I love it !

Naiiling syang napatingin sa akin.

"Mali ang iniisip mo miss Cashmere, nandito na tayo. Dito sa ating mundo at kung saan tayo nababagay."

Huh? Ano? Nako. Sabi ko na nga ba dapat di na ako sumama sa mga to. Ang gulo na nga ng buhay ko. Pati ba naman nilalaman ng utak ko? Grabe ah. Ano ba tong pinasok ko? Yung kagabi yung k-kay Tamix, yung lutang lutang, totoo ba yun? Tapos, paano kami nakapunta dito? Argh! Nakakatorture sa utak! Wait, meron ba ako nun?

"Mukhang marami ka pang tanong sa iyong isip miss Cashmere, isan-tabi mo muna iyan. Masasagot yan sa mga susunod na araw. Sa ngayon, Welcome to the Moon Village."

Ano daw? Moon Village? May village sa moon? Nasaan yung moon? Asan ang village? Ano ba, wag nyo akong pinaglololoko. Ang gulo na ng kwento mo author ha. Asan ba ako?

"Moon?" Ngiwi kong pag-ulit.

"Village, yes. Nasa Moon ka, sa itaas kung saan walang mga mortal. Kung saan tayo nababagay. Kung saan.. Ang mahika ay buhay." Paliwanag nya.

"Moon?" Hindi ko maiwasang mapatawa. "Nasa mansion lang tayo kanina Mat, tapos humangin lang napunta na tayo sa moon? Come on! Kung sino ka mang director dito sa pelikula na eklabu na to. Labas na. You got me!"

"............."

"Labas na. Mag-aaply ako." They can't resist di ba?

".................."

"Miss Cashmere. Ako po'y nagsasabi ng pawang katotohanan. Nandito po tayo sa Moon Village, totoong nasa taas po talaga tayo."

"Gega! Hahaha. Pinapatawa mo ako eh, ewan ko talaga sayo. Wuy naman bes, pano tayo nakakahinga aber?"

"It's because, hindi tayo kagaya nila. Hindi ka human o mortal miss Cashmere. Hindi tayo ordinaryo. Tayo'y mga nilalang na kayang gumamit ng mahika, dahil kung hindi ka isa sa amin ay kanina pa lumobo ang ulo mo at lumutang sa kalawakan bago sumabog ang iyong katawan."

Nganga, oo. Hindi sa mahika thingy, kundi dahil sa magiging kapalaran ng ulo't katawan ko kung totoo man ang sinasabi nya sa script.

"Weh?" Panglunok na hamon ko.

"Opo." Pagtango-tango nya. "Tara na miss Cashmere. Kailangang makapasok ka na bukas sa Academy."

"Academy?" Talaga? Mag aaral ako sa academy? Wait. Ano nga bang ginagawa sa academy? Gega. Nag aaral. "Edi mag aaral talaga ako?"

"Opo, tama po kayo. Simula ngayon, doon ka na rin po titira miss Cashmere."

"Titira? What do you mean Mat?"

"Doon na rin po kayo titira miss Cashmere. May mga dorm kayo roon. Hay. Napakarami nyo pong tanong. Haha. So, pwede na po ba tayong umalis?" Sabay abot ng kamay nya sa akin. "Kanina pa po naghihintay si Laxus." Natatawa nyang saad.

Napatingin ako sa tinuturo nya. Seriously? Am I dreaming? Isang kabayong may pakpak at halata mong napakalakas. Kulay? Color white. Tiningnan ko ang kamay ni Matthew at tumingin rin ako sa kabayo na si Lexi? Lexis? Ano? Basta yun.

Sasama ba ako? Sasama ba ako sa kanya papunta sa isang lugar kung saan di ko alam kung totoo ba? May academy na, may dorm pa.

"Libre ba pagkain doon sa academy na yun?" Tanong ko, last na to.

Malay ko ba kung wala. Eh wala naman na akong pera di ba?

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon