Chapter 38: Brothers

3.4K 123 2
                                    











~*~

(Cashmere's POV)

"Eh nasan mga magulang mo?"

"Di ko alam."

"Ahh. Oh I see, kailan ka pumasok sa Academy?"

"Nung nakaraang dalawang linggo lamang."

"Ilan na kaibigan mo?"

"Sampu." hindi kasama si Captain Rence noh. Duh~~

"Wow! Andami naman ata! Eh sino sino sila?" Tanong muli ni Dennis habang nagniningning ang mga mata.

"The Moon Ten, sama mo na rin si Carl na pang-eleven."

"Are you deadly serious?! They are high ranking students!"

"Yep I know."

"Pssssshh. Change topic. Paano ka ba napadpad sa lugar namin Cashmere?" Nagtatakang tanong sa akin ni Dennis na nakapangalumbaba sa aking harapan.

Alam na nya? Alam na kaya nyang galing akong Mortal World?!

"Paano ka ba napadpad dito? Hmm? Dito sa Undrello?"

Napabuga naman ako sa hangin dahil doon. Kala ko alam na nya. Muntik na.

"Nilamon ako ng lupa noong panahong lumindol sa Academy."

"Lumindol?" Nagtataka nyang tanong na nagpakunot sa aking noo.

"Oo."

"Pero paano namang lilindol sa Academy kung mayroong barrier na nakapalibot doon na nag-iiwas sa ganyang mga insidente?"

Lalo namang napakunota ang aking noo. Barrier?

"Hindi kaya, mula sa loob nanggaling ang lindol na likha ng isang naroroon?" Magkasalubong na kilay nya muling tanong.

Barrier, Lindol.

Napaisip ako bigla. Ibig sabihin ginawa ang paglindol upang malunok ako ng lupa na portal?

Wait! Portal!

"Ibang dimension ba etong Undrello kaya ganyan ka na lamang magtaka?" Tanong ko kay Dennis na bahagya pang nagulat mula sa malalim na pag-iisip.

"Oo, eto'y nasa ilalim o nasa ibaba ng mga sambahayan Cashmere. Kailangan mo munang gumawa ng portal para makapasok sa aming lugar." Seryoso nyang saad. "Ginawan ito ng ganitong dimension upang ang mga halimaw na naririto ang hindi makagulo sa itaas."

So ginawa nila iyon para maiwasan ang pagkagulo sa itaas? Eh paano ngayon ang mga naririto sa Undrello? Hinahayaan nilang magdusa sa mga halimaw? Bat ba kase sinumpa ito ni Total huh!

Saka teka, kailangang gumawa muna ng portal patungo rito sa Undrello, paanong nangyareng simpleng paglunok lamang ng lupa sa akin eh dito na ako napadpad? Di ba may portal pa yun?

Hmm. Isa lang ang kilala kong gumagawa ng portal. Si Matthew.

Pero hinde eh! Nasa Mortal World na sya, paano naman sya masasangkot dito?

Kung ganun, sino ang may gawa ng portal?

Hindi kaya hindi lang ako nag-iisang freak dito na may "something called na pareho ng magic ng iba"?

Weird ah.

"Nakakastress mag-isip!" Hiyaw ni Dennis na nag-uunat unat ng katawan. "Tatanda tayo ng maaga nito eh."

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon