Chapter 90: Her Son

1.2K 26 0
                                    





~*~






(Third Person POV)






"At saan kayo nanggaling?"

Napatigil ang dalawa sa pag-aayos nang marinig nila ang boses ni Rence na naglalakad na papunta sa kanila, galing ito sa loob ng palasyo at malamig pa rin ang mga titig nito.

Walang nagsalita sa kanila. Dalawa man ay kinakabahan, at kasalukuyang nag-iisip ng palusot nang mauna nang magsalita si Ice na ginaya ang lamig ng pakikitungo ni Rence.

"Naglibot lamang kami."

"Naglibot sa oras dapat ng ensayo?" Taas kilay nang tanong ni Rence, alam naman nya kung saan muling nagtungo ang dalawa sa araw na ito ngunit hindi nya maaaring sabihin sa pagkakabahalang magulo nya ang daloy ng hinaharap.

"Nahuli lamang kami ng tatlumpung segundo."

"Malaking bagay iyon. Saka bakit kayo maglilibot kung gayong kayo'y nakatira rito?"

"D-Dahil iyon sa..teka nga! Bakit ba kami nagpapaliwanag eh taga-ensayo ka lamang?" Busangot na singit ni Cashmere sa usapan.

Kinakabahan na ito at gusto na nyang ilihis ang usaping ito.

"Nahuli kayo sa klase ko kaya may karapatan ako."

Napanguso na lamang si Cashmere, gayundin si Ice.

Napailing na lang si Rence at winagayway ang kanyang kamay.

"Walang patutunguhan 'to. Mag-ensayo na tayo."

Agad nabunutan ng tinik ang dalawa sa narinig at sinimulan na ang ensayong palagi nilang ginagawa. Ang pag-upo at pagdama ng kapangyarihan sa loob ng kanilang mga katawan.

Hindi nila nakikita ay may isang kalaban ang nagmamasid lamang sa kanilang mga gawain. Hindi nito maiwasang mapangisi sa mga nakikita. Ilang panahon na lamang at mapapasakamay na nila ang kapangyarihan.

Ilang panahon na lamang..








~*~









(Michelle's POV)









Nakayuko lamang ako habang pinagmamasdan ang mga kamay ko, ngunit alam kong wala roon ang aking atensyon, kundi nasa lalaking nasa aking harapan habang naglalakad ito ng pabalik-balik.

"Frank."

Hindi na ako nakapagpigil at tinawag ko na sya. He's so damn worried, and I'm jealous about it.

"Frank, please tumigil ka na."

Tumigil naman ito sa paglalakad at hindi nya ako nilingon.

"Frank, pakiusap naman oh. Pwedeng kahit ngayon lang ako naman?"

Hindi ko alam pero parang dinudurog ang puso ko. Ganito ba pagnagmahal? Bakit kasi mas importante pa sa kanya si Cashmere ah? Kaya ko nga sya pinaubaya noon kay Amanda upang matigil na ang kahibangan ni Frank at sa akin na lamang ngunit parang lalo pa yata syang nawala sa katinuan!

"You don't know anything." Wala sa sarili nyang sabi.

"Yes, I don't know anything. Pero hindi ko alam kung ano ba ang sumapi sayo at mas pinapaboran mo sya! Mahal kita at alam kong may nararamdaman ka rin sa akin, pero ayoko ng ganito. Mas lamang si Cash sa akin ng ilang daang kilometro."

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon