Chapter 59: Embrace

2.7K 106 1
                                    





~*~





(Cashmere's POV)




Kasalukuyan akong namimili ng maaari kong suotin papunta sa tagpuan namin mamaya. Masyado na akong naglabas ng maraming damit at pagod na akong isukat ang mga ito. Bakit ba ako nababahala sa maaari kong isuot? Dala ba to ng ugali ko noong bata pa ako? Tss. Nonsense. Hindi ako ganito noon at hanggang ngayon. Pero bat nga ba ako nako-conscious sa sarili ko ah? Nababaliw ka na Cash, mag aaral lang kayo ni Rence.........at magde-date.

Date. Waaaaaahh! Iisipin ko pa lang nagwawala na ako. Bakit ba o bakit ba? Huhuhuhuhu. No no no no. Mag-isip ka nga ng maayos. Friendly date lang yun okies? Aja!

Sa huli, nagpasya na lang ako na magsuot ng Jaggers na color creamy brown and v-neck black shirt. Sinuot ko rin yung cap na kasama kong binili noon sa Pink Market kulay itim rin ito. Nagsuot rin ako ng Nike na 0.46 color black. I'm a girl addicted to black. Hahahahahaha. Attracted eh. Samantalang, nilugay ko ang mahaba kong buhok na umaabot hanggang bewang ko, at bahagya kong kinulot ang dulo nito. Yes! Perfect. Tss. Nagkalat lang talaga ako sa kwarto ko. Di bale, tatawagin ko na lang si Allen para maglinis nito. Hahahaha.

Anong oras na ba? Hmm. Alas kwatro y media pa lamang eh. Tsk. Lumabas na muna ako sa aking silid. Natagpuan ko sa aming sala sina Vanessa at Michelle na seryoso sa kanilang pinag uusapan. Hindi ko na lamang pinansin at nagtungo na sa kusina upang uminom ng tubig. Bat ba kasi nagmadali ako kanina na umalis sa silid aralan? Excited much.

Pagkaubos ko ng tubig sa baso, agad akong pumunta sa likod nila Vanessa na hindi man lang napansin ang aking presensya. Gulatin ko kaya sila? Hahahahahaha. Not bad. Maglapabas pa lang sana ako ng boltahe ng kuryente nang mapatigil ako sa narinig.

"Anong kompetisyon?" Tanong ko sa kanila na nagpatigil sa kanila sa pag uusap.


Narinig ko namang napamura ng mahina si Michelle bago ilang na tumingin sa aking gawi. Tinaasan ko sila ng kilay na ikinalunok nila.

"Ano Cash. W-Wala lang y-yun. Hehehe." Kakamot kamot sa batok na sambit ni Vanessa.


Ayaw nilang magsabi ah. Napangisi ako sa naisip. Walang alinlangang naglabas ako ng apoy sa aking kamay at nilaro laro iyon bago sila tignan ng may ngisi sa mga labi.

"To naman. Tara na dito neneng." Nakangusong sambit ni Vanessa.


Umupo naman ako kaagad. Nagkatinginan muna sila bago magsikuhan na ikinailing ko.

"Magsasabi kayo o susunugin ko yang mga buhok nyong kulay chocolate at bubble gum?"

Tumikhim naman si Michelle bago umayos ng upo at biglang nagseryoso. Tinitigan nya ako sa mga mata ng ilang segundo, nang akala kong sasabihin na nya ang narinig ko tungkol sa kompetisyon thingy, nagkamali ako.

"Hindi ko kaya Van." Pagsuko nito bago tinulak tulak si Vanessa.


Napabuntong hininga na lamang kami bago batukan si Michelle na ngumuso agad, at eww yun.

"Bilang mga nakakataas na estudyante rito sa Akademya, magkakaroon kami ng kompetisyon upang malaman kung sino na ang nakalalakas sa amin at maiayos na muli ang pwesto. Lahat ng may kakaibang kapangyarihan na maaaring makalaban sa bawat isa ay maaaring sumali sa paligsahan na ito. Dito malalaman kung ano na ang rank namin, bumaba ba dahil natalo o tumaas dahil nanalo? Parang ganun." Paliwanag ni Vanessa.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon