Chapter 65: Competition

2.3K 75 4
                                    




~*~







(Cashmere's POV)







Ngayon na ang ikatlong araw ng kompetisyon. At kasalukuyan na akong naghahanda dahil malapit na akong tawagin na lalaban. Isinama nila ako sa bilang ng mga matataas na estudyante. Ang ranks na 11-20th. Oo kasama ko si Carl rito. Makakalaban na muna namin yung mga nanalo nung nakaraang dalawang araw at pagnanalo kami, makakalaban na namin ang Moon Ten. Bat kaya ganun no? Lagi na lang Ten, hindi ba pwedeng lima na lang? Nakakatamad din kasi yung lalaban ka muna sa 10th ranker tas pagnanalo ka proceed ka to the next ranker, kung hanggang saan ka mananalo yun ang magiging rank mo. But I doubt. Kaibigan ko na sila right? Kailangan ko pa bang gawin to? Nakita ko na naman si Jane at alam kong babalik din naman si Andrew, sana. Hindi ko na kailangan ng titulo.

'No I need to find my father and Andrew, may hindi tama.'

Kahit ngayong alam ko nang hindi ako basta bastang mage o mahikera, kailangan ko pa ring bumalik sa mundo ng mga mortal na upang makasama sila. Nangako ako at kailangan kong panindigan iyon. Tinignan ko sina Andrei na masayang nagkukwentuhan sa upuang inilaan para sa kanila.

"Makakaya ko ba na agawin ang titulo ng isa sa kanila?"

"Mahirap pero kailangan."

Napapitlag naman ako nang may marinig akong nagsalita sa aking tabi. Iniadjust ko ang aking senses at doon ko lang sya napansin.

"Donessa tama?" Pagkukumpirma ko.

Agad naman syang tumango at iniabot ang kanyang kamay sa aking harapan na tinanggap ko rin naman.

"Cashmere." Pagpapakilala ko.

"I know. We all know." Sambit nya bago ngumiti ng maliit.

Oo nga pala, invisibility ang ability nya. Sya yung nakapartner ko noon sa Combat Battling na iniwan ako. Hmp.

Ginaya ko rin ang kanyang ginagawa. Ginaya ko ang kanyang abilidad kaya dalawa na kaming invisible ngayon.

"Walang kaibi-kaibigan pagdating sa ganitong mga bagay. Titigan mo ang dalawang nilalang na nasa stage ngayon. Si Mike at Kimberly, sobrang magkalapit ang dalawang yan na tipong para na silang magkapatid pero ano ngayon? Naglalaban sila sa abot ng makakaya nila."

"Paano mo nasasabi yan?"

"Napatay ko ang aking kaibigan noon sa kompetisyon." Naluluha nyang sabi.

Nagulat naman ako sa sinabi nya at hindi agad nakapagsalita.

"Pero alam mo ba ano ang sinabi nya sa huling hininga nya? Ang sabi nya proud na proud sya sa akin at nandito lang sya sa tabi ko habang buhay gagabayan ako sa lahat ng kompetisyon para maging malakas. Sa kompetisyon Cashmere, sa gitna ng labanan, walang kaibi-kaibigan. Paano, una na ako hindi naman kasi ako isa sa mga nanalo nung nakaraang dalawang araw eh." Natatawa nyang saad bago ako tapikin sa aking balikat at naglakad na palayo.

Vinisible ko na ang aking sarili at napayuko. Behind those smiles, may malagim pa lang nangyari sa kanya dahil lang sa isang kompetisyon, ganito ba ito kahalaga na pati buhay ng isa naisusugal? Just what the f*ck!

"Walang kaibi-kaibigan sa gitna ng kompetisyon at labanan."

I guess kailangan ko talaga itong gawin. Kailangan kong manalo. Kahit ano naman kasi ang piliin kong desisyon may masasaktan eh. Kung hindi ko gagawin paano na lang sina Jane? Si ama na ibinihag, eto na lamang ang tanging paraan para makasama pa ako sa ibang mga misyon at mahanap sya.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon