Chapter 52: Partner

2.9K 114 0
                                    

~*~

(Cashmere's POV)

"Seryoso?!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Ferresa at Vanessa sa akin na ikinabuntong hininga ko na lamang.

Bat ba kasi sikat yung damuhong na yun dito ah? I don't get it.

"He's my idol." Nakangusong sambit ni Carlos.

"Me too pero mas gwapo ako." Pagsang-ayon naman ni Andrei ngunit may halong kalokohan na naman. Ano pa bang aasahan mo diba?

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ng milky chickey na pinauwi na sa akin ni Ginoong Benhar kanina. Nakabalik na rin kami sa Akademya at kasalukuyang nagmemeryenda sa Cafeteria.

Kanya-kanyang usapan na tungkol kay Matthew at Sir Felipe na nasa Mortal World pa rin hanggang ngayon ang naganap. And as usual, nakikinig lang si Captain Rence sa mga usapan. Kelan kaya magiging matino to? Ni minsan kasi hindi pa sya dumadaldal sa grupo eh. I wonder why. Baka trip nya?

Bat ko nga ba sya pinapasok sa isip ko ah? Urgh! Nababaliw ka na Cashmere!

"Hey Cash." Pagtawag pansin sa akin ni Jayden kaya napalingon ako sa gawi nya. "Nakikinig ka ba sa usapan?"

Napakunot noo naman ako sa sinabi nya. Usapan? Eh may sari-sarili kaya silang mundo. Haler~~ di naman ako chismosa. Wala akong pake dyan basta ba't hanggang kapiling ko si Milky Chickey, I'm okay! <3

"Huh?"

"Sa tingin ko hindi nga." Natatawang sambit ni Vanessa. "Okay ganito yun huh Cashmere, magkakaroon tayo ng camping this saturday pagkatapos ng ball para naman makapag-bonding tayo at makapagrelax. Pwede ka bang sumama?"

Agad akong tumango sa kanya na ikinagiti nila. Nagsibalikan na ulit sila sa pag-uusap at nakinig na lang ako.

Camping? Saan naman? Kung forest yan ang creepy huh. For sure maraming monsters ang nandun at mapapagyera na naman kami. Tss.

"Pumayag ka agad."

Napaigtad naman ako sa biglaang pagsulpot sa gilid ko ni Rence. Wala pa ring emosyon ang mga mata nya na ikinabuntong hininga ko, kung boses nga kanina malamig edi asahan mo na rin pati ang mukha diba?

"Oo naman. Wala namang masama doon eh." Walang alinlangan kong sagot sa kanya.

Lumingon sya sa direksyon ng mga kasama namin bago nagsalita.

"Kung gayo'y ihanda mo na ngayon ang iyong sarili."

Nagtaka naman ako sa sinabi nya at napatingin sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"

"That camping is creepier and scarier than you thought."

Natulala naman ako sa sinabi nya at napalunok. Tama nga ako 50%, nakakatakot at mapapasabak nga talaga ako sa gyera nito.

"By the way, you will be my partner tomorrow night, wear something formal."

Mas lalo akong napalunok sa huling sinabi nya bago umalis dito sa loob ng cafeteria. Just watdapak! (O___O)

**

"Bilisan mo Cashmere! Naghihintay sa akin si baby loves ko!" Sigaw ni Vanessa sa tapat ng pintuan ng kwarto ko.

"Papunta na!" Sigaw ko sa kanya pabalik bago muling tinignan ang itsura ko sa salamin.

Kitang-kita ang likod ko sa dress at pati na rin ang legs ko. I'm showing too much skin, grr. Ang isa pang ikinaiirita ko eh yung pagkahapit nito sa katawan ko, feeling ko ang sikip-sikip. Napabuntong hininga na lamang ako. Pinusod ko paitaas ang aking buhok at naglagay ng kaunting foundation sa mukha, maskara at lipstick na kulay light brown. Perfect! The thing is, nauna pa ang damit na isuot bago ang paglagay ng kolorete sa mukha, napaghahalataan talaga ako na first time ko sa mga ganitong mga bagay-bagay. Sigh.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon