Chapter 41: Cross

3.1K 105 3
                                    









~*~









(Cashmere's POV)


Parang nahiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko nung kusang gumalaw ang napakalaking apoy papunta sa kinaroroonan namin ni Roma.

Shocks to mga bes! Muntikan na kami doon. Feel ko pa rin hanggang ngayon na nanlalaki pa rin yung mga mata ko. Buti na lang talaga nawala agad.

"A-Ate ayos k-ka lang?" Tanong sa akin ni Roma na nag-aalala ang itsura.

Tammo tong batang to, ako pa ang tatanungin kung okay lang ako.

Tumango naman ako sa kanya ng mabilis at pilit na ngumiti. Eh naman, nagugulat pa rin ako.

Malay mo baka mamaya lahat na ng yan umatake sa amin diba? Sa laki nyan? Ay nako bestfriend! Sinong kolokoy ang hindi matatakot?

"Cashmere!"

Napaigtad naman ako ng may humawak sa balikat ko, kala ko apoy na.

Duh~~Cash naman! Mahahawakan ka ng apoy? Mahahawakan ka? Baka naman susunugin ka eh noh? Napapraning ka na.

Tumingin naman ako sa may-ari ng kamay na nakahawak sa balikat ko at doon bumungad ang nag-aalalang mukha ng mga kasama ko, hindi ko maiwasang mapangiti sa kanila. Tong mga to talaga. Ahihihihihi.

Pabebe much huh Cash?

"Muntikan na kayo doon! Buti naman nawala agad. Ayoko pa namang makakita ng inihaw na Cashmere, tyak ang laswa ng itsura damay mo pa lasa." Masuka sukang sambit ni Andrei kaya agad syang nakatanggap ng hampas mula kay Rosby na nakapameywang sa likuran nya.

Napatawa na lamang ako sa kanilang dalawa. Buti na lang hindi ako pikunin ngayon. Haha.

"Ayos lang kaya si Captain roon?" Natahimik naman kami kaagad sa tanong ni Jayden habang nakatanaw sa isang gusali na nilalamon ng apoy.

Naihaw na kayo yun? Balita ko pa naman kay Andrei kanina, ang laswa rin daw ng itsura ng mga nasunog na katawan. Hindi na naman kase bago yun kay Andrei, lalo na healing ang sideline na ability nya.

Napaisip naman ako doon. Napakatagal na ni Rence sa gusali na iyon. Ano kayang ginagawa nya roon? Pinapatay nya kaya ang apoy?

Bigla akong nakaramdam ng isang malamig na hangin na dumapo sa aking balikat.

"Mag-iingat ka sa kanya."

Pakiramdam ko bahagyang huminto ang mga nasa paligid. Isang malamig na boses ang aking narinig na bumulong sa akin, napakalamig nito, katulad ng lamig ng hangin na dumapo sa aking balikat kanina lamang.

Mag-iingat? Diba dapat naman lahat ikaingat ko, lalo na't wala ako sa mundo ng mga tao at hindi ako sanay rito. Saka sino yung sa kanya? Sino ang tinutukoy nya?

Ugh! Baliw ka na Cashmere, hindi nagsasalita ang hangin. Pero teka, walang imposible sa mundo na ito, sa mundo ng mahika. Geez. Ang creepy huh? Kulang nga talaga ako sa tulog. Namimiss ko na ang milky chickey. Gosh!

"A-Ang ap-apoy." Utal na sambit ni Vanessa habang nakatitig sa kawalan.

Kumunot naman ang aking noo sa sinabi nya. Ang apoy? Apoy? Ayun nilalamon ang mga gusa----

"Nasaan na?!" Napanganga ako sa gulat nang inilibot ko ang aking mga mata sa paligid.

Nasaan na ang apoy na lumalamon rito kanina?! What the hell! Bat nawala? Bat wala man lang naging bakas na nasunog to kanina? Seriously? Nananaginip ba kami?























~*~












(Rence POV)



Isang malakas na hangin ang bumalot sa buong Undrello. Pagkawala ng hangin, ay ang kasabay na pagkawala ng napakalaking apoy ni Cross. Walang bakas na makikita sa Undrello, walang bakas na nasunog ito kanina lamang. Lahat bumalik sa dati, ngunit ang mga buhay na nawala ay nananatiling nawala.

Tinitigan ko ang lalaking nasa sahig at duguan, wala na itong buhay. Nakahiwalay ang puso nya sa katawan. Hawak hawak ko ang puso nya na syang dinukot ko kanina lamang. Brutal ba? Hinde. Hindi ako kailanman naging brutal sa sarili kong kaibigan.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng maalala ang huling sinabi ni Cross sa akin.


"Ang propesiya."


Propesiya? Kala ko ba hindi iyon totoo at haka haka lamang ng aming mga magulang?


Umupo na muna ako sa isa sa mga upuan at mariing ipinikit ang aking mga mata. Saan ba kami magsisimula tungkol sa aming misyon?















~*~

















(Author's POV)







Time check: 12:16am (December 25, 2016) hohohohoho
Merry christmas ebrebodey! Pantey pantey! Short update lang para ituloy lang. Ahihihihi.

Thanks for reading.
Napaaga update ko <3
Lab ya all.



ApriljoyceMjarcos

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon