Chapter 93: Her Husband

1.4K 35 6
                                    







~*~









(Cashmere's POV)









Natawa ako sa naging tanong ni Ice sa akin. Sya dapat ang dapat kong tanungin kung bakit sya naririto sa aming kapanahunan.

"Matanda na talaga ako Ice, ilang daang taon na rin ang nakalilipas!"

"Ilang daang taon?"

Napailing na lang ako at tinulungan ko syang makatayo, nakita ko ang medyo mamula-mula nyang mga mata na nakapagpailing sa akin.

"Umiyak ka ano?"

Napaiwas sya ng tingin. "H-Hindi ah!"

"De-deny mo pa sa akin, lol! Utot mo bulok!" Natatawa kong saad.

"Utot ko bulok? Amoy lang yun."

Natawa na lang kami pareho pero bigla kong naalarma nang maalala kung bakit nga pala sya nandito.

"Ano pa lang ginagawa mo dito at nagtime travel ka ata sa pagkakaalam ko?"

"C-Cash." Nanginginig ang boses nito at ramdam mo ang pagkaseryoso. "Anong nangyari noong nag-aaral ka pa lang sa akademya?"

Nagulat ako sa naging tanong nya. Kaya ba sya pumunta rito dahil roon? Napangiti ako ng mapakla.

"Tara muna sa bahay namin." Pag-aaya ko sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo pero sumunod rin naman sya.

Naglakad kami sa masukal na bahagi ng dark forest, ang nagsisilbing tahanan ko ilang dekada na rin ang nakalilipas. Mabuti na lamang pala at napagpasyahan kong mangahoy, kung hindi iba ang napuntahang tahanan ni Ice.

"Anong nangyari rito?"

Napatingin ako sa kanyang gawi at napangiti ako, isang malungkot na ngiti.

"Heto ang nangyari matapos ng pagsalakay na iyon."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Marami nang nagbago Ice, ilang taon na rin. Tumanda na ako pero hanggang ngayon hindi pa rin namamatay."

Napansin kong natigilan sya sa paglalakad kaya tumigil rin ako. Nakita ko kung paano gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata, marahil may hinala na sya.

"Tara na?"

Tumango lang sya at naglakad na kaming muli. Sira na ang buong lugar na ito, halos lahat patapon na sa mundong ito.

Natanaw ko na ang bahay ko sa di kalayuan, isa lamang itong maliit na kubo kung saan kakasya kaming dalawang mag-asawa.

"Tara pasok ka. Pasensya na kung maliit lamang ito ah? Hindi kasi kami pwedeng magtayo ng medyo malaki dahil baka mapansin na ito ng mga halimaw sa paligid."













~*~










(Ice POV)







Nilibot ko ang paningin sa buong bahay kubo. Dito na sya naninirahan kasama si Rence? Ang liit naman ata para sa prinsesa at prinsipe.

Umupo ako sa upuan na nakita ko, gawa ito sa kahoy at malapit na yatang magiba sa sobrang pagkaluma.

Dumiretso muna sandali si Cash sa kusina at may tinimpla na kung ano roon.

"Malamig o mainit?"

"Mainit na lang Cash."

Tumango naman ito at bumalik na. Umupo ito sa upuan na nasa aking harapan at iniabot ang isang tasa na wari ko'y tsaa.

Pinagmadan kong muli si Cashmere. Tama lamang ang kanyang pangangatawan pero ang mga mata nya ay hindi. Malungkot ito at---.

"Magtanong ka na at wag mo na akong titigan dyan." Nakangiti nitong saad dahilan upang lumabas ang ilan sa kulubot nya sa kanyang mukha. "Mamaya pa pala darating ang asawa ko, nangaso pa kasi ata iyon para sa aming hapunan."

Simpleng buhay. Pero bakit hindi sya masaya na nakabalik na sya mula rito?

"Kamusta ka na?"

Napataas ito ng kilay sa naging tanong ko pero pagdaka'y ngumiti rin.

"Still alive and kicking. Ikaw ba?"

Ngumiti rin ako pabalik bago nagthumbs up.

Nangunot saglit ang kanyang noo bago napatango at alam kong naintindihan na nya ang pinapahiwatig ko.

Humugot ito ng malalim na hininga. "Ang dami kong pagkukulang noon."

"Anong pagkukulang?" Taka kong tanong.

Uumpisahan na ba nya ang pagkukwento?

"Kagaya ng sinabi ko kanina marami nang nagbago. Nagmula ka sa nakaraan kaya alam mo na siguro ang nangyayari noon sa kapanahunan nyo. Kinuha ako ni Andrew para ipakasal sa kanya at ilayo sa kaguluhan. Hindi ako pumayag dahilan upang sirain nya ang aking pag-iisip at ibigay kay Lunar upang tanggalin ang kalahating buhay ko na si Catherine. Ginamit nya si Catherine upang mapasunod ang ilang sandatahan na hindi nakikianib sa kahit anong palasyo, ginamit nila iyon para pabagsakin ang liwanag."

Huminga muli ito ng malalim at napakuyom ng mga kamao.

"N-Namatay ang mga kaibigan ko, n-namatay kayong lahat."

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Ibig sabihin hindi ko sya naligtas kay Andrew noon?

"N-Namatay ang mga mahahalaga sa akin at namatay r-rin ang pinakamamahal kong lalaki, si Rence, namatay sya dahil pinatay ko sya."

Gulat. Yun ang tanging reaksyon kong naibigay. Habang sya ay patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Kung ganun, sino ang kanyang asawa sa ngayon? Jusko. Wag naman ho sanang si Andrew.

"Mahal?"

Napalingon ako sa may pintuan nang may marinig na boses.

Pamilyar..

Teka, mahal?

Wag mong sabihing, naryan na ang asawa nya..

"Makulimlim ang pinagkuhanan ko ng usa, mabuti na lamang at, oh! May bisita tayo, sino---F-Frank?"

Mas lalo akong nagulat sa nakitang lalaki.

S-Shit!

"P-Patrick?!"

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon