Chapter 42: Gandang Nilalang

3.8K 128 8
                                    


**



Andrei 😍😍 (multimedia)
*ABILITY: "Photokinesis"
- the ability that can manipulate Light.





~*~














(Cashmere's POV)



"Ina naman! Alam mong delikado para sa aming nakakabunsong kapatid na sumama sa aming misyon ngayon! Pwede namang ipadala nyo na sya sa Akademya at magkikita-kita na lang kami roon pagkatapos ng aming misyon."

Patuloy pa rin sa pagrereklamo si Carl kay tita Simera dahil pinapasama nya sa amin si Dennis. Alam kong malakas si Dennis dahil sa abilidad nito, speed. Oha! Minsan nga nawiweirdohan ako eh, o ako pang ba ang natatanga? Sa sobrang bilis nya mapapansin mo na lang na tapos na sya. Nakakabweset. Meron na nga lang kaming time holder dito eh. Pssssshh. Holder nga ba? Nah ah. Nope Not No.

"Ayaw mo yun kuya? May makakasama kang magandang nilalang?" Ngiting ngiting sabi ni Dennis.

Agad naman akong napakunot noo sa sinasabi nya. Sya magandang nilalang? Aba aba, garapal to ah, sarap hampasin ng isang tipak ng yelo sa peys! Bago pa ako makapagsalita, naunahan na agad ako ni Rosby na nakataas ang kilay.

"Mawalang galang lang ah. Anong tingin mo sa amin na kasama ng mga kuya mo? Hindi magagandang nilalang?" Pagsusungit ni Rosby na ikinangisi ni Dennis.

"Bat ganyan ang iyong reaksyon? Mayroon bang mali sa aking sinabi?"

"Mayroon! Unang una sa lahat, hindi ka ka'y gandang nilalang, at pangalawa hindi ka talaga ka'y gandang nilalang! Gusto mo po bang marinig ang pangatlo?"

Hindi ko naman maiwasang hindi matawa kase may point naman talaga si Rosby eh. Hahahahaha.

Napatigil ako nung makita ko silang lahat na tahimik at nakatitig lamang sa akin. Ano na namang problema ng mga to?

"B-Bakit?" Takang tanong ko sa kanila.

"Kyaaaaaaaahh!"

Napatakip naman ako sa tenga ko ng isang napakatinis na tili ang pinakawalan ni tita Simera sa aking harapan, kasunod naman nun ang isa pang tili ni Mich kaya naman diniinan ko pa ang pagkakatakip sa tenga ko at inis na tumingin kina Michelle.

"Napakaganda mo!"

Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala si tita Simera at hinihimas himas na nya ang mga pisngi ko. Samantalang ako, kinunotan ko lamang sya ng noo.

"Mga anak, nais kong magkaroon ng apo sa kanya! Sino ang magrerepresenta bilang kanyang asawa pag sya'y nasa tamang edad na?"

Literal na napanganga ako sa sinabi nya habang nanlalaki ang aking mga mata. Seryoso ba sya? Tinitigan ko ang kanyang mga mata na nagniningning kaya napalunok na lamang ako ng makita kong seryoso nga sya sa kanyang mga sinasabi. Isang nakakaninging katahimikan ang namayani sa amin. Lahat ata kami gulat na gulat sa sinabi ni Tita Simera. Sino ba naman kase ang matinong magsasabi nun? Nakakasheyt lang eh!

"Aha!" Biglaang sabi nya.

Nabalik naman kami sa reyalidad ng ipinitik nya pa ang kanyang daliri at ang isa nyang kamay ay nakahawak pa rin sa aking pisngi.

Binalingan nya ng tingin si Rence na nakatingin lang sa amin at hindi nagsasalita. Napalunok muli ako ng tinaas taasan ni tita Simera si Rence ng kilay. Mukhang masama ang kutob ko dito.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon