Chapter 46: Them

3.1K 107 0
                                    

~*~

(Cashmere's POV)

Oh yas! I'm finally back! Katamtaman na ang temperatura, ang amoy, ang bilang ng mga tao, ang ganda ng paligid, sigh. Namiss ko rin ang academy! Haha.

"Totoo ba to?" Manghang sambit ni Dennis habang nagniningning ang mga mata na nakatingin kay Headmaster.

Err. Andito na pala tong tanda na to. Tsk. Impernes! Kulay brown ata kapa nya ngayon. Huehue. Pansin ko lang.

"Headmaster Dumbledore." Sabay sabay nilang sabi bago yumuko bilang paggalang kay tanda kaya nakigaya na rin ako.

"Nagagalak akong buhay kayong lahat." Panimulang sabi nito bago ngumiti at pasadahan kami ng tingin, ng magkasalubong ang mga tingin namin, bigla akong kinilabutan, why I got this feeling na may mali?

"Nandito ka pala Dennis. Anong nagtulak sa'yo upang mapadpad kang muli dito sa Akademya?" Sabi ni headmaster Russel bago ilipat ang paningin nya kay Dennis na hindi mapakali.

"W-Wala po akong sapat na d-dahilan." Nauutal na sagot naman ni Dennis bago alangang ngumiti, siniko naman sya ng katabing si Carl kaya napaayos ito. Brothers will always be brothers.

"Uhm. O sige. Ferresa, mag-usap tayo mamaya sa aking opisina, sumama ka na rin Dennis at Vanessa. Oh sya, mauuna na ako. Tambak na ako sa trabaho." Paalam nito sa amin kaya nagpaalam na rin kami pabalik.

Lahat ng madadaanan namin, napapagawi ang tingin sa amin. Habang si Dennis, hindi mabura-bura ang ngisi sa mga labi.

Napailing na lang ako at napabuga ng hangin sa kawalan. Tss. Tuwang-tuwa siguro yan sa atensyon na nakukuha nya sa mga babae dito. Asshole.

Hindi sinasadyang napagawi ang tingin ko kay Vanessa nang mapansing nakatitig sya sa akin. Agad naman syang ngumiti at nag-iwas ng tingin. Okay? What was that?

Ipinagsawalang bahala ko na lang yun, baka naaappreciate masyado ang aking beauty. Lols. Ahahahaha.

Minsan talaga nabubuang na ako eh. Pati ba naman mga tingin kikilabutan ako? Nye. Asa. Hahaha.

Nagkawatak na kami ng boys ng daan, kami sa East Wing at sila sa West Wing.

Naririnig ko ang mga buntong hininga nila kaya napagawi ang tingin ko isa-isa sa kanila habang nakakunot ang noo.

"This is the first time na hindi natin natapos ang mission." Buntong hiningang sambit ni Michelle.

Agad namang tumango-tango sa kanya si Rosby bilang pagsang-ayon ganun na rin si Vanessa.

"Kung hindi lang kasi sumingit ang diwatang iyon eh." Mataray na sabi naman ni Ferresa.

Yun naman pala ang pinoproblema nila. Tsk. Sa bagay, high ranking sila eh, kaya di sila sanay. Hahayts.

Napailing na lamang ako sa kanila at nauna nang naglakad papunta sa dorm namin. Dumiretso ako kaagad sa silid ko at naligo. Kelan ba akong huling naligo? Haha. Nevermind.

Nagbabad lang ako sa bathtub pagkatapos umahon na ako at naligo. Kuskos to ng ubod. Grr.






~*~







(Michelle's POV)

Napapabuntong hininga na lamang kami ng maaalala muli ang pagpapaalis sa amin ni Cristina. Pishting diwata, kapangalan pa talaga ni Lola eh. Tsk. Hindi tuloy magkamayaw si Vanessa at Ferresa kung paano ipapaliwanag kay Headmaster ang pangyayari. Bat ba kasi kami nagpaniwala sa diwata? Takot talaga ata kami kay kamatayan.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon