Chapter 62: Missing

2.5K 89 2
                                    


~*~


(Cashmere's POV)

"Una sa lahat sisikat na ang araw at mayamaya pa'y lalabas na rin ang mga estudyante. Pangalawa, saan ka ba pupunta at kailangang kasama pa ako? At huli sa lahat, bumalik ka sa una. Ano bang problema Rence at bigla bigla ka na lang nanghahatak dyan? Kung natatae ka wag ka nang magpasama sa akin pwede ba? Mahuhuli ka lang ng mga staffs sa gagawin mo eh. At lalong lalo na babae ako at lalaki ka, inosente ako. Purong inosente------aray! Bat ka ba bigla bigla na lang humihinto ah? Di ka ba nainform na masakit ang mauntog sa  bato mong katawan? Pisti."

Tinignan nya lamang ako nang nakangiti at umiling-iling habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Ang daldal mo. Masasagot rin yang mga katanungan mo mamaya Prinsesa."

Napanguso na lamang ako nang hilain nya akong muli sa kung saan mang lupalop. Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa aking katawan. Ninamnam ko na lamang iyon at napapikit. Kakaiba talaga ang mundong ito, ang mundo kung saan ako nararapat.

Napamulat ako nang maramdamang lumalakas ang enerhiya sa paligid ko. Napalingon ako kay Rence na seryosong pinapalitaw ang isa sa mga portal patungo sa kung saan. Saan nya ba ako dadalhin? Watdapak. Sabi na nga ba't may balak to na masama sa isang dyosang kagaya ko eh.

"Walang pera ang ama ko pantubos sa akin. Wala kaming pang-ransom." Nakanguso kong saad sa kanya na ikinahalakhak nya.

"Magugustuhan mo ito."

"Saang part ng mga pangyayari ang mga magugustuhan ko ah?" Nakataas kilay na sagot ko.

Ngumiti naman sya ng nakakaloko bago pa ako hilain papasok sa portal na kanyang ginawa. Jusko may gad! Ayoko na.......eto na naman ang feeling na parang hinihigop ka at sobrang nakakahilo! Sheyt.

Hinigpitan lalo ni Rence ang pagkakahawak sa kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya na nakatitig pala sa akin. Napaiwas agad ako ng tingin at namula ang aking mga pisngi. Walanjo sya.

Mayamaya pa'y natanaw na namin ang isang liwanag na nagpakunot sa aking noo. Parang pamilyar ang aming lalabasan. Ilang segundo pa ang nakakalipas bago ako mapatakip sa aking bibig. Don't tell me........

















~*~







(Rence POV)


Hinagod hagod ko ang kanyang likod dahil patuloy pa rin ang kanyang pagsuka sa gilid ng eskinita malapit sa kanilang dating eskwelahan. Maramirami na rin ang pagbabago ng mundong ito mula nang huli akong makatuntong dito, that was 97 years ago sa mundo ng mga mahikerong kagaya ko.

"Tapos ka na?" Tanong ko sa kanya habang nakaiwas ang tingin.

Hindi ko masikmura ang itsura ng kanyang sinuka. Marahil ay dahil ito sa kanyang mga kinain na iba't ibang putahe kahapon.

"Last------bwak ehek ehem. T-Tapos na. M-May panyo k-ka ba dyan?" Nauutal na sabi nya na may maputlang mukha.

Dali-dali kong kinuha ang panyo ko sa aking bulsa at pinunasan ang kanyang mapupulang labi. Mabilis pa sa hangin ang pagpula ng kanyang mga pisngi na hindi nakaligtas sa aking paningin. Napangiti ako ng nakakaloko ng inagaw nya sa kamay ko ang aking panyo at iwas tinging nagpunas ng kanyang sarili.

"You're cute." Bulalas ko sa kanya na lalong ikinapula ng kanyang mukha.

"Heh!" Pagtataray nya. "I'm beautiful, not cute!"

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon