Chapter 55: Revelations

2.8K 106 0
                                    










~*~



(Third Person's POV)


"Ako si Frank Jefferson Ice, ang naatasan ng Dark King upang protektahan at pangalagaan ang kanyang nag-iisang prinsesa. Bata pa lamang ay sinanay na kami ng husto ng kanyang ama upang balang araw ay maproteksyunan namin sya. At eto na, dumating ang panahon na nalaman ng Akademya at ng iba pang bansa na mayroong isang prinsesa na nagtataglay ng delikadong kapangyarihan, at iyon ang copying magic. Galing sa pinagsamang kapangyarihan ng kanyang kambal na namatay sa sinapupunan ng kanyang Ina noon, ang kanyang kapangyarihang copying magic ay nag-extend pa. Hindi na nya kailangan pang hawakan ang taong gusto nyang gayahin ang kapangyarihan o mahika, gamit lamang ang kanyang mga mata, nagagaya na nya ito."

"So you mean, you are Ice the protector?" Hindi makapaniwalang sabi ni Andrei.

Tango lamang ang sinagot ni Frank sa kanya. Agad namang nagtaas ng kamay si Patrick.

"Is the magic of her twin is Mirror Magic?"

"Yes." Sunod sunod na tango ni Frank bago tignan ang dalagang nakaratay sa kama.

"Her magic is awesome pero mahihinuha mo agad na hindi ito mabuti, galing ang kanyang kapangyarihan bilang isang Dark Magician, samantalang sa kakambal nya ay mirror magic lamang, ngayong naghalo ang kanilang kapangyarihan, mas lalo pa ata itong lumakas. Totally na lumakas." Iiling-iling naman na lintaya ni Jayden.

"She copied your magic." Sambit ni Ferresa. "And mine too."

"Ginaya nya ito noong mga bata kami, pati na rin sa'yo Cap Rence ay ginaya nya noon."

"Sa akin?" Malamig na tanong ni Rence. "Oh! Now I remember. Kayo ang hina-hunting ng akademya noon, nais pala noon ng akademya na mapasakanila ang pinakamalakas na sandata upang hindi magtagumpay ang kasamaan."

"Nagkakamali kayo roon! Walang binabalak ang master sa ganoong mga bagay, nais pa nga nyang magka-isa ang bawat isa dahil sa babaeng minamahal." Pagtanggi ni Frank.

"Ngunit kung sya nga'y mabuti, sino naman ang nagpapadala ng mga halimaw noon sa akademya at mga isla upang lusubin?" Pagsingit naman ni Gray sa usapan.

"Ang Lunar na Eclipse, mukhang nakalimutan nyo na ata ang tungkol sa kanya."

Natahimik ang lahat at walang nakaimik.

"Naguguluhan na ako huh. Paano yun? Ang buong akala ko noon ang Dark ay nag-iisa." Nagtatakang sambit ni Andrei.

"Ang boba mo bes! Lalaki ang Dark King at babae si Lunar, excuse me." Naiinis na lintaya ni Ferresa. "Meaning magkaiba sila."

"So may sari-sarili silang kingdom?"

"Noon." Napatigil ang lahat at napatingin kay Frank na nakayuko. "Hindi pa ako tapos magkwento kaya pakinggan nyo akong mabuti."

"Sabi ko nga. Go!"

"Katulad nga ng sinabi ko kanina, ako nga ang protector ni Cashmere, ang prinsesa ng Dark Moon Kingdom. Ipinadala ako ng Master rito upang tulungan kayo sa pagtatanggol ng Akademya katulad ng nakasaad sa propesiya dahil dito babalik ang prinsesa. Natunghayan ko ang kakayahan ng mga halimaw at masasabi kong malayong-malayo sila sa aming mga halimaw sa palasyo. Wala nang palasyo ang Lunar ngayon, dahil sya na ang namamahala mismo sa Dark Moon Kingdom sa likod ng mga bundok, wala nang pangangalaga ang aman ni Cashmere, sya nga'y isa na lamang sa mga bilanggo roon, tanging ang mga matatapat na alagad na lamang ni Master ang naiwan rito at patuloy na binabantayan ang prinsesa, at isa na roon si Clive, ang propesor ng Dark Moon Academy."

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon