Chapter 11: Milkey Chikey

4.4K 154 6
                                    






~*~













(Cashmere's POV)












Paano na yung mga kaibigan ko? Kahit naman kasi putak ng putak yung mga yun eh mahal ko pa rin sila. What to do? What to do?

"Anong nagyari sayo, bat para kang natatae?"

"Huh?" Inhale exhale. "Wala, may naalala lang. Ano, tara na?"

"Next destination? Hmm."

"Gruuuuum." Tyan ko, babies ko. Gutom na sila.

"Pft. Hahahaha!" Napabulanghit ng tawa si Matthew kaya napabusangot ako. "Sa tingin ko, sa Food Court slash White Market muna tayo pumunta. Ang iingay na ng mga baby mo sa tyan eh. Tsk. Tara na!" Hyper nya pang dagdag na lalong nagpabusangot sa aking mukha.

Ang hyper din pala ng isang to. Winawagayway pa yung kamay nya habang sumisigaw ng 'puyds', kala ko, malalim o makaluma sya na para bang mahinhin at magalang, makulit naman pala. I think. Kailangan ko munang mag-aral ng mabuti para makabalik sa mga kaibigan ko. Sila pala ang pamilya ko.

"Cash! Tara na!"

"Andyan na!" Gutom na sina babies eh. At muli. Ie-enjoy ko na naman tong view na to.









**








"Paalam Laxus!" Paalam ni Matthew dun sa kabayo.

"Bat mo pinaalis? Wala na ba tayong pupuntahan?" Nagtataka kong tanong nang makitang pinalipad na nya ito nang hindi kami sakay.

"Meron pa. Sa Yellow Island tapos doon na sa Academy. Bakit?"

"Edi saan na tayo sasakay papunta sa ibang islands?"

"Sa tren."

"You mean, sa caterpillar kanina? Yung mabilis? Yung nakaka 'aaaaaaaaahh'?" Nakangangang tanong ko. Please. Wag yun. Mas okay na ako sa kabayo.

"Yup. Buti pala alam mo na yun. Tara kain muna tayo bago tayo sumakay dun."

Seryoso? Natulala na lang ako at pakiramdam ko tatakasan na ako ng ulirat in 3, 2, 1....char lang, hindi ako si Althea ni @owwsic no!

"Yuhooo! Cash. Tara na!"

"Oo na. Tara na nga."

Pumunta kami sa isang stall na kulay White na halos puro glass. kitang-kita yung loob.

Naramdaman kong hinawakan ni Mat yung kamay ko kaya hindi ko maiwasang mailang rito.

Pagkapasok sa restaurant na yun. Literal na nanlaki ang mga mata ko at napanganga ang aking bibig. Kala ko ba, normal lang yun. Hindi pala, ang daming tao! Kung tao man sila. Bat sa labas na nakikita sa glass kaunti lang?
Amazing.

"Alam kong gutom ka na. Pero pwede bang wag mo inganga masyado bunganga mo Cash?" Ngiwing saad ni Matthew na ikinangiwi ko rin, akala nya ha.

Napatingin lahat ng kumakain sa gawi namin ni Mat. Ang lakas kasi ng pagsaway eh.

"MATTHEW!" Sigaw ng isang baritong boses.

"BENHAR!" Sigaw rin nitong epal na to.

At.. Nagyakapan ang dalawa. I'm out of here.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon