2

4.3K 124 13
                                    

Coleen's POV

"Namimiss ko agad si sweetheart" nakapangalumbaba kong sabi kaya nakunot ang noo ni Kelly sa tabi ko.

"Agad agad? Te wala pang 5 minutes"

"Ewan ko sayo. Ang tagal naman ng prof? Bakit ganun?"

"Hay nako, ewan ko sayo Coleen. Lagi ka nalang nagmamadali"

"Eh gusto ko nang makita sweetheart ko eh. Namimiss ko na kaya sya"


"Che. Matuto ka kasing maghintay no! Ayan na yung prof shocks" biglaang bulong nya kaya natahimik kaming dalawa.


"Okay stand up"

"Goodmorning miss"


"You, the girl with bangs. A tourism, always standing straight. Wag kang tatamad tamad" napatingin kaming lahat sa likod ko na nakafull bangs.

"Sorry miss"

"Ang isang tourism, umuupo ng maayos. Straight body, close legs, and chin up. Para lang kayong nagC.C.A.T nung highschool kayo. You, with the bangs ulit, kung hindi mo kayang gawin yun sa klase ko which is 3 straight hours, better change your course right now"

"Yes miss"

Tumutok nalang kami sa lesson at buong 3 hours ay nakastraight kami. Nakakakuba! Buti nalang pagtapos nito break agad. Jusko naman kasi, napakahirap pero go lang para sa course ko. Para sa kinabukasan namin ni sweetheart.


"Miss na katabi ni Kelly Yeun... am i right Kelly Yeun?"


" yes miss"

"The girl beside you, what is your course?" Kinakabahan akong unti unting tumayo.


"T-Tourism miss"

"Then bakit ka kinakabahan? Ang tourism ba kinakabahan? Ang tourism ba pag pinatayo dahan dahan?"

"Hindi po miss"

"Then what is tourism?" Teka.. teka nabasa ko to sa libro naman eh.

"Tourism is travel for pleasure; also the theory and practice of touring, the business of attracting, accommodating, and entertaining tourists, and the business of operating tours."

Tumango tango lang sa at nagsulat na sa board. Ako naman umupo na saka nginitian ako ni Kelly. Bakit ako? Anong ginawa ko? T.T

Pagkatapos ng 3 hours namin, nagmadali akong lumabas kasama si Kelly saka pumunta ng canteen dahil baka nandun na sila.

"Gaga bakit ka nagmamadali?"

"Para makita ko na si Kai? Duh"

"Gaga ka ba? Mamaya pa kaya break nila. Ang kasabay nila si Angeli hindi tayo" napahinto ako sa sinabi ni Kelly. Shoot! Oo nga pala hindi nga pala ngayon break nila!

"Kainis ka naman, Coleen. Pinagod mo ko"

"Kumain na nga lang tayo" sabi ko saka sya tumango. Pumila kami ng pagkatagal tagal dahil sa haba ng pila at iisa lang ang nagseserve. Gusto ko tuloy tulungan si ate.

"Ay ano ba yan!" Nagulat akong napatingin kay Kelly na basa ang damit.

"Surry po surry" sabi nung lalaking nagbobow habang nagsosorry. Kumuha sya ng panyo saka pinunasan yung basang damit kaya umiwas si Kelly.

"Wag na kuya ako na" umalis pa din yung lalaking bisaya siguro kaya ganun magsalita.

"Dali na order na tayo"

Pagkatapos naming umorder, naghanap na kami ng bakanteng upuan saka kumain. Nagulat ako nang biglang may tumakip sa mata ko. Teka.. wala pa sila Kai ngayon. Sino to?

Binitawan nya yung pagtakip sa mata ko saka umupo sa tabi ko.

"Hans?"

"Naks, ganda mo na ngayon ah" nakangiti nyang sabi.

"Ganda talaga? Dati pa ako maganda Hans"

Bigla nyang pinisil yung pisngi ko kaya napa aray ako at pinalo sya.
"Awwww"

"Pashare ako ng table ha. Wala akong kasama eh"

"E si Kaya?"

"May klase pa." Hindi ko na sya sinagot saka nagpatuloy na kami ni Kelly sa pagkain. Pagkatapos naming kumain, hinintay nalang namin yun first bell bago kami umalis.

"Sana wag muna magbell. Another 3 hours nanaman tayo sa nihongo" nakapangalumbaba na sabi ni Kelly.

"Ayaw mo pa nun?"

"Hindi naman. Nakakatamad lang kasi dahil sa prof. Terror nanaman"

"Hindi pa naman tayo sure. Malay mo iba na yung prof natin sa nihongo" sabi ko nalang.

"Una na ako. Nanjan na prince charming nyo" sabi ni Hans saka tumayo at pinat yung buhok ko. Lumingon ako para tingnan kung sinong "prince charming yun" at silang apat nga. Sabay sabay na naglalakad nang mabagal. Madaming nakatingin sa kanilang apat at parang may mga glow na nakapaligid sa kanila samahan mo pa ng hangin effects.

"Oh, naglalaway ka nanaman" bulong ni Kelly kaya nasira imagination ko. Bwisit to.

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now