11

2.5K 83 0
                                    

Sorry for the late update!! 4 chapters naman so bawi!!! Dedicated to MargarethMislan thank you!!! 💖💕

Kai

"Sweetheart, kain na tayo" yaya ko kay Coleen habang ginagawa namin mga assignments nya. Buti nalang madali lang to kaya madaling natapos.

Bumaba na kami sa dining area at nandun na sila nakaupo.

"Si Third?" Tanong ko kay Nadz.

"Ewan ko dun"

"Nagaway sila" pagbuka ng bibig ni Kelly pero di niya nilakasan. Wow, nag away sila? Nakakagulat yun ha. Once in a blue moon.

Sino naman kaya pinagselosan? Etong Renji na to? Sineryoso yung mga sinabi namin sa canteen.

"Sweetheart kasi ikaw eh. Napraning tuloy si Third" bulong sakin ni Coleen.

"Mas okay na yun. Kesa naman parang wala syang pakelam sa girlfriend niya" halos suntukin na ako ni Coleen ng malakasan ko yung sinabi ko. Lahat lang naman sila nagtinginan sakin.

"Oo nga naman" -Troy

Natahimik nalang si Nadz bigla saka yumuko.

Kumain lang kami ng tahimik pagkatapos ay si Kiefer na ang nagligpit ng mga pinagkainan.

"Uhm, uuwi na po ako. Salamat po sa pagkain" sabi niya at nagbow. Oo nga pala, koryano daw to sabi ni Kiefer.


"Ihatid na kita sa labas Renji" sabi ni Nadz at lumabas na sila. Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Third.


"Oh?" Sagot niya sa kabilang linya.

"Anong oh? Nasan ka?"

"Bakit?"

"Anong bakit?! Ikaw nga pumunta ka dito! Ang laki laki nyo na"


"Psh oo na oo na!" Pinatay nya na yung tawag at pagtingin ko sa tabi ko wala na si Coleen. Ano ba yan nasan na yung sweetheart ko?

"San sila?" Tanong ko kay Troy na nakaupo pa din.

"Dun lang daw sila sa kwarto ni Nadz" -Troy

"Tara puntahan natin" -Kie

"Wag ka nga. Hayaan mo silang magusap babae sa babae" sagot ni Troy. Napatingin kami sa sala ng pumasok si Third na may bouquet of roses aba puta gumaganon.

"Ang baduy pre" -Kiefer

"Inggit ka lang no. Ang haba ng pinila ko tapos sasabihin mo baduy? Tch"


Naghintay lang kami dito dahil sinabi namin kay Third na nag-gi-girls talk silang apat dun sa taas. Pagbukas ng pinto, bumaba na yung tatlo at naiwan ata si Nadz dun kaya umakyat na si Third.

"Bhie! Bili ka din ng flowers!" Nagtawanan kami sa sinabi ni Kelly kay Kiefer. Aba, nagrequest pa.

"Mali Kels. Dapat magaway muna kayo ni Kiefer." Sabi naman ni Angeli.

"Ibig sabihin ba pag nagaway tayo ibig sabihin nun gusto mo ng flowers? Hmm.." -Troy

"Hindi! Pagnag-away tayo, away talaga yun."

"Psh. Kayo talaga. Ako nga araw araw kong binibigyan ng bouquet si Sweetheart ko eh"

"Sinong niloko mo dito?" Sabi ni Coleen.

"Bouquet of love yun sweetheart" sabi ko saka hinawakan yung kamay niya. Halos di naman maipinta yung mukha nitong mga tong inggit ng inggit. Haha!

"Ahhh.. edi wow"

"Sweetheart di pa ba kayo uuwi? Anong oras na"

"Ah pinapauwi mo na ko ganon? Pano kung sabihin kong dito ako matutulog?"

"Hindi naman. Kasi syempre para makapagpahinga na kayo"

"Oo nga. Baby ihatid na kita" tumango si Angeli sa sinabi ni Troy at nagbeso sila nila Coleen at umalis na.

"Ikaw, Be? Uwi kana?"

"Wag muna. Gusto pa nga kitang makasama bhie" sabi ni Kelly at sumandal kay Kiefer.

"Tapos ka na ba sa assignment Kelly?"

"Yeah. Kanina pa"

Sumandal lang din sakin si Coleen at alam kong nakaidlip na sya. Tingnan mo to, ayaw magpahatid pero inaantok na.

"Ang tagal magsabado. Gusto ko nang mamasyal kasama si be." Oo nga pala, wala nga pala kaming pasok tuwing sabado.

"Saan nyo ba balak mamasyal?"

"Kahit saan. Basta yung memorable" sabi niya pagtingin ko kay Kelly, tulog na rin pala.

Tinry kong buhatin si Coleen paakyat ng kwarto nila Nadz para dun nalang muna patulugin. 8pm na rin at maaga ang pasok nila.

Pagpasok ko sa kwarto, nandun lang si Third at Nadz nakaupo sa kama nila tapos nakasandal si Nadz kay Third at magkahawak ang kamay. Si Nadz pa ba? Basta si Third papatawarin nya agad.


"Dito mo nalang lagay si Coleen kuya" sabi ni Nadz at tumabi sila. Bumaba na ako at sumakay sa sasakyan para kumuha nalang ng uniform ni Coleen sa bahay nila. Pagdating ko sa bahay nila, nandun lang sila tita.

"Oh, Kai?"

"Tita kukuha lang po ako ng damit ni Coleen. Natutulog na po kasi sya sa kwarto ni Nadz. Ayoko na pong gisingin"

"Ah.. sige ako na kukuha" sabi ni Tita.

"Bilib talaga ako sayo, Kai. Perfect ka para sa anak namin" sabi ni tito.

"Syempre tito, perfect rin naman sya para sakin. Mahal na mahal ko po yun"

"Good" sabi ni tito at dumating na si tita na kasama na yung bag at nandito na daw yung damit niya.

Habang nagmamaneho ako, may biglang sumalubong sa akin kaya agad akong lumiko at nagpreno.


Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now