54

1.8K 57 0
                                    

Kelly

"Kiefer.. ako to, si Kelly. Kelly Yeun.." sabi ko kaya napatingin sya sakin. Naaalala nya na ba ko?


"Oh tapos? Wala akong pake kung sino ka"


"...hindi mo na talaga ako naaalala? Si Kai? Si Troy? Si Third? Hindi mo sila naaalala? Kaibigan mo sila Kiefer.. ako. Ako si Kelly.. yung girlfriend mo"


"Shut the fuck up miss. Irereklamo kita ng stalker talaga."


"Hindi mo na talaga ako naaalala? Ako kasi, hindi kita nakalimutan. Kahit anong gawin ko.. hindi kita makalimutan. Wag kang mag-alala, pag naalala mo na ako, nandyan lang ako. Ito, kung sakali, puntahan mo yung mga kaibigan mo sa bahay nila. Anjan yung address. Don't worry Kiefer, hindi muna na kita guguluhin. Nakita na kita eh. I love you bhie"


sabi ko at umalis ng nakangiti sa kanya. Pero nakita ko yung pagtapon nya ng papel sa basurahan.

Nilagay ko ulit yung mask ko at nagpasya nalang na umuwi. Hindi ko mapigilang umiyak habang nagmomotor. Namimiss ko na sya. At lalo ko syang namiss nang makita ko sya. Gusto ko syang yakapin. Gusto ko syang kausapin ng maayos.




Bago ako makauwi ay nadaan ako sa NAIA. Nasa Korea na dapat ako ngayon at hindi ganito ang buhay ko. Maaalala kaya ako ni Kiefer, o mali talaga ang inakala ko?




Paguwi ko sa bahay, nakita ko ang pagiimpake ni mommy ng mga gamit nila kaya napatanong ako.

"My? Anong meron?"


"Ang halmeoni mo. Inatake. Kailangan nating umuwi agad sa korea."


"Kayo nalang my. Dito nalang ako sa bahay"



"Magpakita ka naman ng pagrespeto kelly. 1 week lang tayo dun wag kang mag-alala"


"Mommy ayoko po talaga. May ginagawa pa po ako dito"



"Alin? Ang paghahanap kay Kiefer? Wala nang patutunguhan yan Kelly. Sige na, magimpake ka na. Mauuna kami ng daddy mo dahil alam kong matagal ka pang magpapaalam sa mga kaibigan mo. "



What? Papaalam pa eh 1 week nga lang naman kami dun.


"Mauna na kami ha. Ipapahatid kita kay Yong sa NAIA. 4pm yung flight mo." Sabi ni mommy at nagkiss sakin. Badtrip naman.




Wala na akong nagawa at sinunod ko si mommy sa kadahilanang 1 week lang naman kami dun at hindi magtatagal. Naghintay ako hanggang 3 at dumating na si Yong.



"Papigil pigil pa ako, aalis ka pa din pala" sabi niya paglabas ko ng gate.

"Kunin mo nalang yung maleta ko sa loob. Mabigat eh" sabi ko naman at pumasok na sa kotse nya.



Nang ready na ang lahat, umalis na rin kami at nakatingin lang ako sa bintana.



"Kamusta na yung paghahanap mo kay Kiefer?" Tanong nya.

"Sinet up ba kami?"

"Sinet up? What do you mean?"



"Coincidence lang ba na magkatunog kami ng pangalan ng kapatid mo kaya mas naaalala ni Kiefer yung kapatid mo kesa sakin?"



"Nagkita na kayo?"



"Hindi lang kami nagkita. Nagkausap pa." Sabi ko habang inaayos yung earphones at nakinig nalang sa music. Aalalahanin ko pa ba yung nangyari sakin kanina? Alam ko dapat hindi ko sinukuan si Kiefer eh.


"May gusto ka bang kainin?"


"Magdrive thru nalang tayo. Tinatamad na akong lumabas ng sasakyan"



Napilitan syang magdrive thru nalang kami at dumaan sa likod.

"Wait, ccr muna ako. Ikaw nalang umorder oh ito yung pera" sabi ni Yong at inabot sakin yung wallet nya.


"Wag na, ako na." Bumaba sya ng sasakyan at ako na yung umorder. Wala ako sa mood ngayon makipagusap.




"Kelly!" Napalingon ako ng makita ko syang nagmamadali kaya binuksan ko yung pinto.

"Bakit?" Nagulat ako ng sampalin nya ako at may lumabas sa likod nyang lalaki at nilagyan ako ng panyo sa ilong kaya unti unti na akong nahilo.

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon