47

2K 56 0
                                    

Kelly


Naglalakad ako sa corridor ng school namin at pinipicturan yung magagandang views. Mamimiss ko din to no! Kaso lang, naguguluhan pa ako.





"Kelly"

"Aalis na ako mamayang 1am, Yong. Wag mong sirain yung araw ko at baka mapaalis ako ng wala sa oras" sabi ko habang busy pa din sa pagkuha ng litrato.





"Pagbigyan mo ko ngayong araw. Hinding hindi masisira araw mo" napatingin ako sa kanya sa sinabi niya.



"Ha?"


"One day lang naman. One day lang hihiramin ko sayo please!! One day lang at sinisigurado kong mapipigilan kitang umalis" sabi niya kaya napangisi ako. Mapipigilan?



"Hinahamon mo ba ko?"


"Sige, ganito. Pag hindi ka sumaya kasama ako sa loob ng isang araw, hindi na ako susunod sayo sa korea. Pero pag sumaya ka, hindi ka na tutuloy"



Puta eto nanaman eh. Ang gulo nanaman ng choices. Parang si Kiefer.. oo, para syang si Kiefer.



"Bahala na. Tska anong susunod sa korea!? Wag na wag kang susunod sakin sa korea dahil ipapapulis kita dun! Stalker!"



"Stalker na mahal na mahal ka" hindi ko nalang sya pinansin at kinuhaan yung last shot.


"Tara na" naglakad sya papalayo at aba! Sya pa ang nauna ah!


××

"Ayan, kumain ka lang ng kumain! Dali!" Sabi niya at nagbigay pa ng kanin sa plato ko kaya tiningnan ko sya ng masama pero tumawa lang sya.


"Mukha ba akong natutuwa sayo?"



"Sorry na boss" boss..


"Tigilan na nga natin to. Kanina pa tayo kain ng kain eh" tumayo ako at sumunod naman sya. Naka dalawang rice ako sa kfc at sya ay nakatingin lang. Loko loko.





"Arcade tayo!"



"Ayoko. Sa iba nalang"


"Ay! Alam ko na!" Sabi ko at hinila sya sa department store. Dinala ko sya sa mga makeup stall na pwedeng itry lahat ng make up at sya ang minake upan ko.




"Ano ka ba naman Kelly. Wala sa usapan natin yan"



"Ah ganon? Dito ako sasaya eh! Anong magagawa mo?"



"Hays. Sige na nga!" Pumikit sya at nilapit ang mukha nya sakin. Okay... awkward..




"Layo ka naman ng konti. Hindi ako makapagconcentrate" sabi ko at ngumiti naman sya. Lumabas yung mga dimples nya sa pisngi.




"Ikaw ha.. nagagwapuhan ka na ba sakin?"


"In your face. Dali, pikit"


Una kong nilagyan eh yung mukha nya ng bb cream, liquid foundation, concealer, at pang contour na kulay.



"Woaah.. mas mukha ka pang babae sa akin" sabi ko kaya napadilat sya at titingin sana sa salamin.




"Wait lang! Di pa nga tapos eh" sabi ko at pinagpatuloy na. Nilagyan ko sya ng black eyeshadow(smokey eyes), liquid eye at lipstick. My goodness. Ang kinis ng mukha nya. Pero mas makinis kay Kie.





"Ayan.. Yong is that you?" Tanong ko kaya tumingin na sya sa salamin. Yung ibang sales lady nagulat din.



"Bakla ka nga" sabi ko kaya natawa ako.


"Miss kukunin ko lahat ng katulad sa ginamit kong brand ha" sabi ko kaya kumilos na sila.




"Mas maganda na ba ako sayo gurl?" Tanong nya na parang bakla bakla.


"Bakla ka talaga"




"Mas maganda na ako gurl. Hanap na tayong papabells!" Aba, kuhang kuha nya pa! What's the meaning of this?!




"Tara na nga, tanggalin na natin yang makeup mo. Madami pang lalaking magkagusto sa kabaklaan mo eh"



"Kanina ka pa bakla ng bakla ah. Halikan kaya kita" sabi niya at lumapit nanaman sa mukha ko kaya napa-atras ako. Awkward!





"Ano ba, tara na dali maghanap pa tayo. Sayang yung 3 days sale" hinila ko naman sya papunta sa mga sapatosan at namili ng sapatos malamang




"Gusto ko ng sapatos na to" sabi niya sakin at tinuro yung gusto ko ding sapatos.


"Eh gusto ko yan eh"



"Edi mas maganda. Dalawa tayo. Tara bayaran na natin" sabi niya at hinila ako pero pinigilan ko sya.



"Ako na mag-aadjust! Kaloka ka naman eh ayoko nga! Mapagkamalan pa tayong couple" sabi ko sa kanya kaya nagkibit balikat nalang sya.





"Yhellie? Yhellie!" Sigaw ko ng makita ko yung kaibigan ni Nadz. Namimili din sya ng sapatos.



Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon