28

2.1K 70 2
                                    

Coleen

"Stable na ang lagay nang anak nyo. Ngunit hindi nyo pa sya pwedeng bisitahin sa loob. Bukas lang kayo pwedeng makapasok" sabi ng doktor. May part sakin na natuwa sa binalita nya pero hindi ko parin matanggap yung nangyari sa kanila.


Lahat kami umiiyak. Walang tigil na iyak. Halos kalahating araw ang hinintay. Walang may ganang umalis bukas. Walang may ganang pumasok sa lunes. Lahat wala.


"Babalik nalang kami bukas, mare.. siguro naman matatanggap ni Kelly ang lahat ng nangyari."



"Salamat mare...condolence." sa huling pagkakataon, nagyakapan sila. Niyakap din namin si tita at si tito. Nagyakapan kaming lahat.


"Tita, kami nalang po magbabantay dito sa labas kay Kelly. Magpahinga na po kayo" sabi ko kay tita. Umupo sya at umiling.



"Kailangan pa ako ng anak ko, Coleen. Kayo ang magpahinga muna. Siguradong pagod na kayo. Alas tres na ng madaling araw"

Niyakap namin si tita at bumaba muna kami ng hospital.

"Gusto nyo bang kumain?" Walang ganang sabi ni Kai pero umiling ako.


"Sa rooftop nalang siguro muna tayo?" Sabi ni Nadz at tumango kami. Dun kami tumambay habang naghihintay magumaga. Nakasandal lang ako kay Kai at ganun din sila.



"Bakit kailangang mangyari to? Bakit sa lahat ng pwedeng problemang dumating satin, ito pa?" Tanong ni Angeli.



"Matulog ka na muna, sweetheart. Magbabantay pa tayo bukas." Sabi ni Kai. Alam kong umiyak sya. Oo, halata sa kanya. Lahat sila umiyak nang maabutan naming abo na si Kiefer. Abo na dahil halos hindi na sya makilala sa pagkabangga ng truck sa kanila.



"Ikaw din. Matulog ka muna" sabi ko. Tumango lang sya at pinagmasdan ko yung ibang kaibigan ko. Kahit na ilang beses naming sabihin na matulog na, hindi pa rin namin kaya. Mahirap. Mahirap tanggapin.


"Excuse me." Tiningnan ko nalang si Troy na papaalis at sinundan ni Angeli.

×××


"Sweetheart, gising ka na" sabi ko kay Kai. Dumilat sya agad at tumayo saka ginising na din sila Nadz. 9a.m na ng umaga at 6 hours lang kaming nakatulog.


"Okay na daw ba si Kelly?"


"Wala pa, pero si tita nakapasok na kaya baka pwede na din tayo" tumango lang sya at bumaba na kami papunta sa kwarto ni Kelly. Bago kami makapasok, pinagsuot kami ng mask, patient gown at hair cap.



"Tita..kami na po magbabantay" sabi ko.

"Sige. Kukuha lang ako ng damit sa bahay. Tawagan nyo lang ako kung gising na sya ha? At kung may mangyari man." Napahawak si tita sa balikat ko at tiningnan ako sa mata saka ako tumango.


"Third, Kuya, Troy, anong gusto nyong pagkain?" Tanong ni Nadz.



"Wag na Nadz, okay lang kami. Kayo ba? Hindi kayo nagugutom?" Sabi ni Third na tanong sa amin at umiling lang din kami.



After 4 hours, nakabalik na si tita, hindi pa din nagigising si Kelly at may mass sa chapel dahil sunday ngayon kaya nagpasya muna kaming magsimba.



"Bago magtapos ang misa, ipagdarasal natin ang kaluluwa ng mga namayapa nating kapatid na si Paolo Cruz, Antonnete Reyes at Kiefer Gonzales. Nawa ay nasa mabuti na silang kalagayan at masaya na sila ngayon"




Tahimik kaming yumuko at umiyak. Wala nang katapusang iyak lalo na kung kaibigan mo pa ang mawala sayo. Ngayon, hindi na talaga kami mabubuo.





"Babalik nako dun" sumunod ako kay Kai na umalis na sa chapel at pumasok na ulit sa kwarto ni Kelly. Umupo si Kai sa sofa at ako naman nagpunta kay Kelly. Kinalkal ko yung bag na dala ko at umupo nalang saka tiningnan yung camera ko.





Bakit nga ba nagpipicture pa ko? Remembrance? Remembrance saan? Sign ba to ni Lord? Sign ba to na may mawawala samin kaya naisip kong picturan lahat ng nangyayari samin? Lord, alam kong lahat ng bagay may dahilan. Pero bakit naman ganun, bakit may nawala pa?





"Ang saya pa natin dito" sabi ko kay Kai. Hindi na sya tumingin pa dahil hindi sya matutuwa. Yung picture nilang apat, hindi na nila magagawa pa. Yung picture naming walo, hindi na mauulit pa.





"Kelly!!!!" Nabigla kami dahil sa pagpasok ni Nadz. Nakangiti sya pero halatang pilit. Oo, pinapasaya nya yung atmosphere namin.



"Tsk. Akala ko pa naman magigising sya sa lakas ng boses ko. Huy Kelly gising na!" Sabi niya pa. Nakasunod lang sa kanya sila Third na pinipilit din maging masaya.



"Nadz, bumili ka muna ng makakain natin" sabi ni Kai.



"Bakit ako?! Si Angeli nalang!" Sabi niya sabay tingin kay Angeli.


"Bakit ako?! Si Coleen nalang!" Sabi naman ni Anj saka tumingin sakin.


"Bakit ako?! Si Kel-" napahinto ako at napatingin kay Kelly.


"Paggising ni Kelly, sya ang uutusan natin. Sige girls, bumili tayo ng pagkain" hinila ko silang dalawa at bumaba kami ng hospital para kumain.

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon