41

2K 62 2
                                    

Nadz

Ilang araw na ang nakakalipas simula nang umorder si kuya sa greenwich. Yung tawanan, yung usapan, nawala nalang na parang bula.

Joke. Kahapon lang nangyari yun at papasok nanaman kami ngayon. Ang tagal magweekends. Psh.

"NAAAAADZ!" napatingin ako kay Yhellie pero inalis din agad. May kasalanan pa sya no. Iiwan nya ko? No way.

"Nadz galit ka pa din ba? Eto na nga oh, di na kami tutuloy. May nangyari kasi pero mas maganda yun! Wag kana magalit!!!"

"Talaga?"

"Yep!"

"Yeeey tara na malelate nanaman tayo" sabi ko at pumasok na.

"Di ka na galit? Waaaah!!! Alam mo ba na ginawa ko ang lahat mapilit lang sila?!? Buti naman di kana galit!!!" Sabi niya at yumakap sakin pagdating sa room.

"Kasi naman! Bakit mo ko iiwan? Para kang si Kelly eh. Pupunta daw ng Korea! Ang hilig nyong mangiwan ah. Ay oo nga pala, sanay nakong maiwanan"

"Ay, hugot. Andyan naman kasi si Renji eh."

"Shut up ka na nga. Nakakahiya naman kay Renji."

"Mamaya mall tayo! Samahan mo naman ako. Hindi pa tayo nakakapagbonding sa labas ng school"

"Sure!!"

"Yeeey!" Kailangan ko na sigurong sabihan sila Third ano? Wala naman talaga akong lakad mamaya eh.


××

"Saan uumpisahan natin? Sa mga makeup?"

"ETUDE!!!" Sabay namin sabi at nagpunta na kami dun. Namili lang kami ni lipstick. Hindi naman na kailangan namin ng bb cream or foundation. Maganda na kami.



"May hinahanap ako sa bookstore eh. Pwede mo ba akong samahan?" Tanong nya kaya tumango ako. Naghanap na din ako ng libro na pwedeng basahin pag bored ako.


"Angeli?" Kinalabit ko yung babaeng nakatalikod sakin na nakabangs at di nga ako nagkakamali. Si Angeli nga yun.


"O-Oh, Nadz!"

"Ikaw lang? Si Troy?"

"H-Ha? H-Hindi pumasok eh. Oo, ako lang. Sige una na ako. See you nalang Nadz!" Sabi niya at kumaway pa kaya kumaway din ako.


Pagkabayad namin ng pinamili, nag pizza na kami sa yellowcab. Tinry kong tawagan si Third pero nagriring lang.


"Uy, si Third ba yun?" Tumuro si Yhellie sa malayo kaya tiningnan ko. Oo parang si Third pero hindi sya yan.


"Ahhh! Oo si Third yan! Ayun si Fourth oh. Wait, tawagin ko" sabi ko at lumabas. Kaya naman pala hindi ako sinasagot. Busy ang magkapatid!!




"Third! Fourth!"

"Naaaaaadz!" Sabi ni Fourth at naglahad ng kamay saka ako niyakap. Agad naman syang hinila ni Third at tumabi sakin.



"Wag kang makapal, Fourth. Girlfriend ko yang niyayakap mo"

"Leche. Kala mo naman aagawin ko sya sayo. Sayang, hindi ko kasama si Bea" sabi niya.


"Tara, sa yellowcab tayo. Nandun si Yhellie, kaibigan ko" sumama sila sakin at pumasok na rin sa yellowcab para kumain.



"Yhellie, si Third tska yung kapatid nya, si Fourth"


"Ang ganda mo namang binibini. May boyfriend ka na ba? Nais ko sanang manligaw" sabi ni Fourth na may pagacting pang kala mo eh nabuhay na nung panahon ng hapon.




"Wala eh... fiancè lang" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Wtf?! Fiancè i don't even know that she have a boyfriend!


"Okay lang. May girlfriend din naman ako eh. Tara kain na tayo" sabi niya kaya natawa ako.




"Bwisit! Sino fiancè mo?! Jusko naman wala kang pagkwento eh no! Akala ko nga forever single ka!"



"Yun nga sasabihin ko sana! Kaso nakita natin tong boyfriend mo."

"Sino ba yung fiancè mo? Bwisit to. Kaya ba gusto ng magulang mo na magpunta kayo ng states?"



"Oo dahil dun. Ahh... yung pangalan nya King"

"Ha?! Arrange marriage?!" Tapos King yung pangalan?! Ayos ha.

"Nadz ano ba. Ang ingay mo kanina ka pa sigaw ng sigaw" sabi ni Fourth kaya napairap nalang ako.




"Oo, Arrange marriage. Pumayag na ako. Wala naman akong magagawa kasi mapilit si Daddy eh" sabi niya kaya tumango nalang ako.




"Kaya ayoko talaga ng arrange marriage na yan eh. Ikakasal ako sa di ko kilala? Ano kaya yun?"




"Malay mo sakin ka pala ikakasal. Pero di mo alam na ako yun. So, tatanggihan mo?"




"Ha? Syempre aalamin ko muna!"



"Hindeee sabi mo ayaw mo eh. Wala nang bawian!!!" Pangaasar ni Fourth. Ang epal nya.




"Oo nga pala Kuya, si Nadz ba yung nagpapasundo sayo? Laki na nyan eh!"

Ha?

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now