60

2K 71 0
                                    

Troy

"Gusto ko magkakasama tayo. Syempre tutulungan nyo ko" sabi ni Kiefer habang nasa sasakyan.

"Eh ano yun pano kung palayasin kami ng papa mo?" Sabi ni Kelly

"Edi lalayas din ako" sabi niya habang tumatawa. Tarantado talaga.

Dumating kami sa bahay nila at umupo sa sofa. Maya maya ay bumaba na rin ang nagulat na papa at mama nya.

"King? Bakit kasama mo yan? Kilala mo ba yan?"

"Alam ko na ang totoo mommy" diretsong sabi ni Kiefer kaya halatang naginit ang ulo ni tito. 

"Kilala mo ba yang mga kasama mo?! Hindi mo yan kaibigan! Ginagamit ka lang nyan at sinasagot sagot ako lalo na nyan!" Sabay turo sakin.

"Kaibigan ko sila dad. Wag mong idaan sa init ng ulo kaya nga nandito kami"

"Ngayon palang sinasabi ko na. Wag nyo nang pikutin ang ulo ni King!"

"Hindi ako si King mom! Ako si Kiefer!"

"Kasalanan mo to Kelly!" Sabi ni tita at sasampalin sana si Kelly pero humarang si Coleen.

"Pwede naman tayong magtulungan tita. Wag nyong sirain yung reputasyon ng anak nyo. Pwede naman kayong humingi ng tulong sa iba para may maipangbayad kayo kesa sa binabayad nyo yung anak nyo." Sabi ni Coleen. Halos pumalakpak nga tenga ko sa sinabi niya. Tangina ang korny.

"Hindi nyo kami naiintindihan. Hindi ganun kadali yung sinasabi niyo" mahinahon na sabi ni tita.

"Dad. Please.. umupo ka muna. Nandito kaming lahat para makapagusap tayo"

Umupo si tito para makinig samin.

"Hindi mo ko naiintindihan Kiefer. Ginagawa namin to para sayo. Para sa kinabukasan mo. Gusto ng mga De guzman na asawahin ka ng anak nya para maging magkasama ang company namin at company ni De guzman"

"Kahit anong pagbayad namin ng pera, ayaw nila dahil ikaw ang gusto nila para sa anak nila, Kiefer"

"Dad. Ako nalang po kakausap kay tito. Hindi ako papayag tito. Ayaw po namin ni Yhellie sa isa't isa."

"Kiefer pasensya kana at nagagawa namin to sayo." Sabi ni tita kaya nilapitan sya ni Kelly at niyakap. Ganun din ang ginawa nila Nadz.

"Ako na po kakaㅡ"

"Kelly? Bakit ka natulala jan?" Sabi ni Third kay Kelly kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"nakatakas daw si Krissa. A-Ako daw yung hinahanap sabi ni Yhellie"

"Ha? Bakit? Pano? How!?" -Nadz

"Di ko alam!"

"Hindi maganda to ha. Ano bang ginawa nyo? Magstay lang kayo dito" sabi ni tito at lumabas dala yung phone kaya sinundan ni tita.

××

"Umuwi na kayo dun. Paparating na ang mga De Guzman" sabi ni tita pero walang may gustong umuwi samin. Mas maganda na yung alam namin kung anong paguusapan nila.

"Hindi po. Mas maganda po para mapagusapan po" paliwanag ni Kai at umiling lang si tito.

"Hindi to gaya ng paguusap ng isang magkasintahan Kai. Hindi nyo alam to kaya kung ayaw nyo, umakyat kayo dun pero maiiwan si Kiefer"


Tumango silang lahat kaya sumama na rin ako.

Tumambay lang kami hanggang sa nakarinig na kami ng sigawan sa labas kaya sumilip kami sa pinto.


"Wala nang connection ang company namin sa inyo. Pinuputol ko na!"


"Makakalabas na kayo mr and mrs De Guzman. We love our child more than our company."


"Pagsisisihan nyo ang ginawa nyo, Mr and Mrs Gonzales. Magsisisi kayo" tuluyan ng umalis yung mag asawa kaya lumabas na kami. Umiiyak si tita at yakap sya ni Kiefer. Ganun din si tito.




"Tito, salamat po" sabi ni Kelly at yumakap kay tito. Pinat lang ni tito yung likod ni Kelly at humiwalay na.



"Okay lang, Kelly. May mas magandang ideya kaming naisip kesa ang ipakasal si Kiefer sa iba para lang sa company. Sige, mauna na kami. Magiingat kayo" sabi ni tita at umalis na sila. Nagpaalam din kami.





"BHIE!!!!! NARINIG MO YUN?!?!?!"


"Nakalimot lang ako. Pero di ako nabingi" sabi niya kaya nabatukan sya ni Kelly.


"Ayan ka nanaman sa kakabatok mo Kelly! Itigil mo na nga yan at baka magka amnesia ng wala sa oras yan" sabi ni Angeli kaya nagtawanan lang kami.



"Sorry na po master" sabi ni Kelly kay Kiefer kaya ngiting aso si gago. Nagka amnesia ba talaga to o nagpapanggap lang?





"Ano pang gusto mong maalala?" Tanong ni Coleen kay Kiefer.



"Wait.. gusto ko lang malaman kung pano ako naalala ni bhie"




"Hindi naman talaga kita naalala. Pinilit ko lang. Actually, hindi pa rin kita naaalala hanggang ngayon"



"Weh?"



"Lul" sabi ko nalang kaya napatingin sya sakin.


"Sa sobrang kaadikan nya sa ngiti mo, yun lang naalala nya sayo" sabi ni Third habang nagcecellphone kaya pinagaasar ng mga babae si Kelly.

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now