30

2.2K 70 2
                                    

Angeli

Napatingin kaming lahat sa pinto dahil may kumatok. Tumayo si Troy at pinagbuksan yun at pumasok yung kaibigan ni Kelly. Yung lalaking nakaduet nya.

"Kakatulog lang ni Kelly. Balik ka nalang mamaya" sabi ni Third sa lalaki.

"Sige. Babalik nalang ako" sabi niya at lumabas din. Nagtinginan kaming lahat.

Nakatulog si Kelly dahil sa kakaiyak niya. Hindi namin alam kung ano ang pwedeng epekto ng pagkamatay ng minamahal nya. Magandang epekto ba, o kabaliktaran?

Madaming tumatakbo sa isip ko. Lahat yun ay kung ano ang mangyayari sa susunod na araw, mangyayari kay Kelly at mangyayari samin. Hindi ko na inisip ang nangyayari ngayon.

Anong nararamdaman ni Kelly? Masakit. Pero mas nasasaktan kami dahil nawalan na kami ng kaibigan, feeling ko nararamdaman nyang wala na din kami. Baka sa susunod, wala na kami para sa kanya.

"Baby, uuwi muna ako. Babalik nalang ako bukas paguwi ko galing school" sabi ko. Tumango si Troy at naunang lumabas. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin, pero sya ang naging pinakatahimik saming lahat.

"Coleen, Nadz, Third, Kai, una na ako. Pakisabi nalang kay Kelly na papasok muna ako bukas ha?"

"Sige, ingat" sabi nila at lumabas na ako para sumunod kay Troy. Pagdating ko dun, nakatulala lang sya at di manlang ako napansin na pumasok.

"Baka tayo ang sunod na mabangga ha, wala ka sa sarili mo"

"Pasensya na. Tara na" sabi niya.

Hanggang sa byahe, tahimik lang sya na parang may iniisip. Parang may gumugulo sa kanya.

"Anong problema mo, Troy?"

"Ha?"

"May problema ka ba? Malalim iniisip mo eh"

"Wala, hindi ko lang matanggap" sabi niya. Kinuha ko yung isang kamay nya at hinawakan ko lang yun. Tumingin sya sa ginawa ko at nginitian ako.

"Hindi ka ba nagugutom? Gusto mo bang kumain muna?" Tanong ko sa kanya at umiling lang sya.

"Ikaw?"

"Hindi ka naman nagugutom. Kaya sa bahay nalang ako kakain" sabi ko sa kanya.


Siguro nga inisip nya lang yung nangyari saming aksidente bago sila Kiefer. Bakit may naaaksidente samin? Yun ang tanong.

"Babye baby. Ingat ka pagbalik" sabi ko sabay halik nya sa noo ko.

"Ikaw din. Goodnight"

"Wag mo na kong sunduin bukas ha? Magpahinga ka nalang okay? Wag mong pagurin sarili mo" sabi ko.

"Thank you baby" ngumiti ako sa kanya. Kitang kita naman na pagod na pagod na sya.


××

"Ma para po" huminto yung jeep at bumaba ako sa mismong tapat ng hospital at pumasok.

"Kelly Yeun po? Sign ka nalang po" sabi ng nurse at umakyat nako sa kwarto nya. Malayo palang, nakakarinig na ko ng sigaw nya kaya nagmadali akong pumasok



"Kasalanan mo to! Kasalanan mo lahat! Ikaw ang dahilan bakit sya namatay! Kasalanan mo! Kung hindi dahil sayo... kung hindi dahil sayo hindi kami mag-aaway.. hindi sana sya nawala sakin.."


"Patawarin mo ko Kelly."


"Hinding hindi na kita mapapatawad pa! Lumabas ka dito! Troy!!!!" Sigaw nya. Nakita kong papalapit si Troy at tumatakbo papunta sa kwarto at nakita nya din ako.


"San ka galing? Sino yung nasa loob?"

"Inutusan nya ko na kumuha ng pagkain niya. Tara pumasok na tayo" hinila nya ko papasok sa loob at may tao nga dun na nakaluhod kay Kelly.


"Pre, lumabas kana. Makakasama kay Kelly yang ginagawa mo." Pinatayo ni Troy yung lalaki at pinalabas na. Nakayuko pa din yung lalaki hanggang makalabas sya


"Sino yun Kelly?"



"Si Yong. Sya yung dahilan, Angeli. Hindi ko na kayang makita pa sya. San-"

"Kelly?" Napatingin kami sa pinto nang pumasok yung mama ni Kiefer na may hawak na picture ni Kiefer at isang jar na maliit.



"Sorry, Kelly. Ngayon lang kami nakadalaw"


"T-T-Tita.." niyakap sya ni tita at umiyak nanaman sya. Wala nang tigil na iyak. Para syang batang iniwan na ng mga magulang nya.



"Tita sorry po... tita"

"Kelly tahan na" humiwalay si tita kay Kelly at binigay yung picture ni Kiefer. Tinitigan nya saglit at humagulgol nanaman sya ng iyak.


"Kelly... isipin mo nalang na nasa tabi mo si Kiefer. Hindi nya gustong umiiyak ka"

"Tita hindi ko kaya. Anong gagawin ko? Hindi ko kayang wala sya, tita"


"Kaya mo yan, Kelly. Alam kong kaya mo yan. Pwede kang bumisita sa bahay, bukas pa rin yun para sayo, we love you Kelly." Niyakap ulit ni tita si Kelly at nagpaalam na.


"Ihahatid ko na po kayo, tita" sabi ni Troy at lumabas na silang dalawa.

"Kelly, alam kong nakakasawa marinig to ha, pero nandito lang kami para sayo. Pwede kang umiyak samin."

"Salamat, Angeli. Pero sa ngayon, hindi ko pa kaya. Kailangan ko pa din sya, Angeli. Hindi pa ako nakakahingi ng sorry sa kanya. Hindi pa kami nagkakaayos. Hindi pa kami sumasaya, Angeli"



"Naiintindihan ko, Kelly. Magpahinga ka muna"

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now