50

1.9K 60 0
                                    

Kai

"Nadz? Nanjan ka na ba?" Tanong ko. Lumabas sya sa kwarto nya ng nakataas ang kilay na parang tinatanong kung bakit.


"Wala lang. Akala ko di ka pa nakakauwi. Sige pumasok ka na ulit sa kwarto mo" sabi ko at bumaba na para kumain. Nagulat ako ng biglang nakasunod pala si Nadz sakin na nakakunot ang noo.


"Ano tong mga padala dito? Para sayo ba yun?" Tanong nya kaya kinabahan ako.


"Nanjan ba si Coleen? Wag mo naman lakasan boses mo" sabi ko.


"Hindi na mahalaga yun kuya. So ano nga? Bakit may nagpapadala nyan dito?"


"Hindi ko alam Nadz okay? Baka mali lang sila ng dala or napagtapunan lang talaga yung harap natin. Wala pa naman akong natatanggap na ganyan dito" paliwanag ko.




"Sana lang kuya totoo yan ha." Sabi niya at umakyat na. Problema nun? Porke ba sinabihan ko sya nung nakaraan tungkol kay Third? Tss.



Umakyat na ako sa kwarto ko at naglaptop nalang. Nakakastress na tong project na to. Hindi matapos tapos.


Sinet aside ko yung project namin at nagfacebook nalang nang may lumabas na notification sa isang group namin sa facebook na private.


Third Lopez

Tangina, totoo nga. Nakita ko sya kanina hayop kayo. Maghanda na kayo

2 likes 1 comment share

Troy Bernardo
Bakit pa maghahanda? Kaya naman natin yun.


Bigla akong napakamot. Bwisit tong mga to. Reading ready sa away.



Kai Cabs
Wag na muna. Pagmay dinamay sya satin, dun lang tayo lalaban. Bantayan nalang natin yung dapat nating bantayan.



Pinatay ko na yung laptop ko at humiga nalang saka nilagay yung mga kamay sa ulo at tumingin sa mesanin. Bwisit kasi eh. Dapat kinalimutan nalang namin yun.


"Babalik ako! Gaganti ako sa inyo! Gaganti ako sa pagsira nyo sa pagkatao ko!"



"Papunta ka pa lang, pabalik na kami g*go!" Sigaw ni Kiefer.


"Hahahahahahaha" sabay sabay naming tawa habang pinapanuod siyang nagpupunas ng luha at umalis.



Bully. Mga Bully ang tawag samin dati nung junior high. The bullies. Wala kaming sinasanto kung babae man o lalaki, teacher man o hindi. Pero matagal na naming kinalimutan yun.




"Nagdrop na si mr Gutierrez. Sayang at sya pa naman ang magiging valedictorian sa completion day nyo. Sa ngayon, si Lopez na ang magiging valedictorian nyo" lahat kami pinagpapalo si Third sa sinabi ng teacher namin.




"Naks tangina ikaw pa na-awardan" sabi ni Kiefer




Pano sya gaganti? Eh isa syang malaking nerd. Payatot at walang alam kundi ang mag-aral lang. Malamang hindi sya yung lalaking nagbabanta sakin.




Binuksan ko yung facebook ko ulit at nagcomment. Pagtapos, inopen ko yung wall ni Kiefer at yung wall ng pinsan nyang si Tristan.



"Sweetheart?"

Napatingin ako sa pinto at agad sinara yung laptop ko. Lumapit sya sakin at umupo sa gilid ng kama.



"Bakit ka nagpunta magisa dito? Baka mamaya may mangyaring masama sayo"


"Okay lang"


"Sa susunod sabihin mo ha?" Sabi ko at tumango sya. Napansin ko naman yung pagkatulala nya at pamamawis nya.



"Anong nangyari? Bakit mukha kang kinakabahan? May nangyari ba? Sabihin mo ang totoo" lalo syang pinagpawisan sa sinabi ko at umiling iling.




"WALA! NATATAE LANG AKO!" Sabi niya at tumakbo sa cr kaya natawa ako. Ibang klase talaga tong babae na to.



"Oh ayan, tapos na akong tumae. Nood tayo"

"Namiss mo ba ko? Kanina lang tayo magkasama eh"


"Ayaw mo ba? Hindi kaya tayo magkasama kanina."


"Hindi sa ayaw ko. Tara manuod na tayo. Ano ba papanuorin natin?" Tanong ko sa kanya. Pumunta sya sa lagayan ng cd at dun pumili.



"Itong death bell. Maganda ba to?"


"Baka hindi ka makatulog nyan sweetheart."

"Okay lang. Sabado naman na bukas. Dali na ito nalang" pagpupumilit nya kaya nanuod na kami.



Nasa kalagitnaan ng panonood namin ay bigla syang umiyak kaya nagulat ako at niyakap ko sya.


"Anong nangyayari sayo? Hindi naman nakakaiyak yan eh!"


"Kai.. Kai wag kang aalis sa tabi ko"


"Nako si sweetheart. Bakit, kinilig ka sa babae at lalaki jan no? Pero mas pogi ako jan at mas nakakakilig ako jan." Hindi sya sumagot at patuloy pa rin sa pagiyak nya kaya hindi na ako napakali.



"Ano bang problema? Sabihin mo nga sakin."




"M-M-May nagtangkang sumagasa sakin kanina. Hindi ko alam kung sino yun dahil nakamask sila at nakahelmet."



"Ha?! Baka naman kasi sa gitna ka dumaan?! Totoo bang pinagtangkaan ka?"


"Oo. Nasa gilid lang ako naglalakad papunta dito sa bahay nyo. H-hinawakan ng lalaki yung damit ko. Sinabi niyang.. hindi daw sya titigil at madadamay ang pamilya mo paghindi mo ginawa yung pinapagawa nya."




T*ngina. Anong pinapagawa?! Hindi ko nga kilala yun! T*ngina mamamatay muna sya.

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now