69

1.9K 83 0
                                    

Kelly

"Hoy Coleen. Busy ka nanaman jan. Akala ko ba labas natin to? Bakit busy ka jan?" Sabi ni Angeli at tumango tango naman ako.

"Teka lang. Tara iwan na natin yan. Mukhang kasama nya si Kai eh no kahit mga babae lang" sabi ko.

"Ha? Asan si Kai?"

"Gaga. Kako magkasama pa din kayo ni Kai kahit sa text lang"

"Hindi kami magkatext ni Kai"

"Eh sino yang katext mo?" Tanong ni Nadz.

"H-ha? Wala naman akong katext! Nagfefacebook lang ako. Tara na mag shopping na tayo" sabi niya at hinila kami sa department store.

"San kayo magpapasko? Kasi kami pupunta daw kami sa province. Bibisita sa mga lolo at lola ko tapos nagpupumilit si Troy na sumama sya. Ipapaalam ko pa sya kay tita" sabi ni Angeli.

"Hindi ko pa alam samin eh. Baka sa Korea pero ayoko ng hindi ko kasama si Kie no. Ipapakilala ko pa sya dun sa mga kaibigan ko" sabi ko naman.

"Naks, protected na protected. Ayaw na mawala?" -nadz

"Oo naman. Ikaw Nadz?"

"Macau"

"Ikaw Coleen?"

"Sa Macau kayo Nadz? Hala baka sumama si Kai sa inyo eh. Ako nalang sasama sa inyo."

"Ha? Di ko alam kung sasama yun si Kuya. Hindi kami nagusap kahapon kasi buong araw nasa office ako"

"Wow, himala." Sabi ni Angeli kaya natahimik si Nadz. Pagdating namin sa dept store..

"Ang ganda nito asdfghjkl!!!!" Sabi ni Coleen habang hawak yung Damit na black at cross yung likod.

"Ang sexy naman nyan. Parang mangaakit ka hahahaha" sabi ni Nadz na tumatawa pa pero pilit na labas sa pinakailalim ng tyan nya.


Yeah, she really can force her smile.

"Aakitin mo si Kai?"

"Kung pwede. Para hindi na sya makuha pa ng iba" sabi niya na nakatingin sa iba kaya sinundan namin yung tingin nya at nakita yung isa sa pinsan ni Third.



"Psh, sapilitan na pala ngayon para mahalin ka. Let's go Gail, baka mamaya makakita pa tayo na mangakit ng salesman" parinig nung isa.





"Putangina" -Coleen

"Hayop" -Angeli

"Aadfgjklo" lahat ng mura nasabi ko na.

"..." - si nadz na walang pake at namimili ng damit.



"Hoy Nadz. Mahal pa rin naman ako nang kuya mo diba?" Tanong nya kaya napatingin si Nadz sa kanya at ngumiti.


"Oo, siguro, pwede"


"Ha? What do you mean?" -Angeli

"Oo kasi pinili nyang magsinungaling wag lang kayo mag-away, siguro kasi hindi ka naman nya hiniwalayan at pwede kasi hindi ako sure lalo na kung INAAHAS SYA NG IBA." sabi niya at nilakas yung part na "INAAHAS SYA NG IBA" kaya narinig nung nasa likod na namimili at hinila yung buhok nya.

"Nadz!" Sigaw naming tatlo


"Anong sinabi mo?!" -Claire


"Inaahas mo. Mukha naman kasi kayong ahas eh. Diba Gail?" Matapang nyang sabi.


"Tangina." Napamura nalang ako ng maisip lahat. Yung pananahimik nya, yung pilit nyang tawa at yung hindi nila paguusap ni Kai. Malamang nagaway nanaman sila ni Kai o ni Third at mas pa dito, eh naghiwalay sila ni Third dahil sa Gail na yan.





"For your information, Miss Nadine CABS, ANG MAY PINAKAMALAKING KUMPANYA NA SIKAT SA IBANG BANSA, nauna ako kay Third. Hindi nya ba nakwento sayo? Sad. Iba magmahal si Third. Kahit sabihin mong mahal ka nya, hindi pa din nya nakakalimutan yung past nya. Mas mahal nya pa din yung past nya. Kaya nga pinili nya ako diba? Wag ka ngang pakampante na ikaw yung mahal ni Third. Kasi nagmumukha ka lang cheap" sabi nun kaya pinagtulungan namin ni Angeli yung Gail at si Coleen tska si Claire.





"Mga hampas lupa kayo! At ikaw din Coleen ha, mas nauna din ako kay Kai. Hindi pa kayo nagkakilala, pinakilala na ako ni Third sa kanya kaya wag kang maging assumera jan. Kayong magkakaibigan, extra lang kayo. Hindi nyo alam yung buong kwento at wag nyo nang alamin.. baka masaktan lang kayo" sabi nun at umalis pero pinigilan ni Coleen at sinampal.






"Ang past, ay past. Kumbaga sa pagkain, expired ka nalang at tinatapon saka pupulutin ng mga basurero. Yun ka Claire!"



"Sad naman, basurero pala si Kai? Kasi tinapon nya na ako, kinuha pa din dahil nanghihinayang sya samin. Sa past namin"





"That's the point. Nanghihinayang lang sya but the truth is, napipilitan lang sya kasi NAAAWA SYA. Matuto kang lumugar Claire. Baka hindi mo gusto ang mangyari sayo paginahas mo boyfriend ko!"




"Psh. Baka ikaw, baka hindi mo magustuhan yung mangyari sayo pag isang araw kami na ng boyfriend mo"



"Bitch!" Sigaw ni Coleen at umalis na kaya sinundan namin habang akbay akbay si Nadz na naluluha na at dinala sa restaurant.




A/N: hi guys! Nagupdate ako ng 10 chapters tutal tapos na rin naman sya. Wag nyong kalimutang bumoto ha? Thank you and enjoy reading queens!💖

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now