15

2.2K 83 3
                                    

Coleen

Habang pinapanuod kong nagpipicture yung kaklase ko, biglang nahagip ng mata ko si Nadz na tumatakbo at umiiyak. Hinabol sya nung kaibigan nya at ni Troy pero sumenyas sya na huminto tapos tumakbo ulit sya pero sila Troy, huminto na kaya tumakbo din ako kung saan sila galing. SA MARRIAGE BOOTH.

Nakaneck tie si Third at may suot na belo si Angeli. Nakahinto sila pareho at parehong nanginginig at patingin tingin kung saan tumakbo si Nadz.

"Teka guys... mali kasi to" sabi ni Third.

"Ituloy nyo na! Pumayag kayo sa rules!" Sigaw ng iba nilang kaklase kaya tinuloy lang nila. Alam kong nasasaktan din si Troy at may hawak syang papel kaya tiningnan ko.

"The fuck Troy?! Sinong nagsulat dito?!"

"H-Hindi ko din alam, Coleen" ako,nakapartner kay Kiefer?! Fuck.

"Sigurado ako, pinag-aaway tayo ng nagsulat dito" sabi ko.

"Mamaya na natin pagusapan, sa bahay nila Kai" nakita ko naman si Kai na nagpapari sa kanila. Tumakbo ako at pinuntahan si Nadz sa stall nila. Kausap nya si Renji at iyak sya ng iyak.

"Hindi mo ako naiintindihan Renji. May past sila. Mahal ni Third si Angeli dati. Mahal na mahal to the point na kaya nyang magpakatanga kahit na sila na ni Troy. Hindi nya ako nakikita Renji. Bakit kailangang sila pa? Ang sakit... lalo na't ngayon na magkakasama kami, lagi nyang binabanggit, "nasaan si Angeli?" "


Halos mapapikit ako sa sinasabi ni Nadz. Hindi niya pa to nasasabi samin nung kinausap nya kami pero hindi ko manlang napansin yung pinagdadaanan nya.


"Shh... ngayon, magiging kayo ba kung hindi ka nya mahal? Magiging kayo ba kung si Angeli mahal nya?"


"Oo. Baka napilitan lang sya, Renji. Kasi kami nalang yung naiiwan sa grupo. Kami nalang yung walang commitment. Wala na syang choice kundi ako."


"No. Kahit kelan, hindi ka dapat ginagawang choice"

"Renji... anong gagawin ko?"

"Nadz" lumingon sya sakin saka pinunasan yung luha niya.

"Cols. n-narinig mo?"

"Bakit di mo sinabi?"

"Sorry Coleen. Hindi ko naman dapat binig-deal yun. Nadala lang ako" sabi niya at ngumiti ulit.

"Okay lang. Mas naiintindihan na kita ngayon. Wag kang mag-alala, nandito lang ako lagi" sabi ko sa kanya at niyakap sya.

"Coleen, tara"

"Ha? Sino ka?" Sabi ko sa humihila sakin pero syempre di ako nagpapadala. Kahit si Nadz naguguluhan na kung sino to.

"Tapos na si Third at Angeli. Ikaw na at si Kiefer"

"Eh kung ayoko?"

"Grades naman ng boyfriend mo ang mawawala eh. Ikaw bahala" pakshet.. bakit nasama yung grade?!! Ano to, lokohan?!

Biglang dumalawa yung kumapit sakin at pinilit akong hilain kaya nadala nila ako sa marriage booth. Nakikita ko lang si Kai na nababadtrip.


Para mawala yung badtrip niya, niyakap ko nalang sya at kiniss. Para din naman sa grade nya to.

"Ayokong patagalin tong pesteng marriage booth. Do you, Kiefer gonzales, take Coleen Mendoza as your wife?"

"No.." tumingin sya sa likod ko kaya napatingin din ako at masama ang tingin ng mga kaklase nya. Tungunu, BLACKMAILING TO.

".. yes, i do"

"Pasuntok mamaya pagtapos nito Kie. Do you, Coleen Mendoza, take Kiefer Gonzales as your husband?"

"Yes"

"You can now kiss the bride" sabi niya kaya tiningnan ko si Kiefer na parang nandidiri sakin. Kapal ng mukha nito. Pero hinawakan ko yung pisngi ni Kai at sya yung hinalikan ko sa labi pero smack lang.

"Okay na. Kasal na tayo" sabi ni Kai na natatawa.

"I love you sweetheart. Pinagkiss mo din ba si Angeli at Third?"

"Oo. Kaso nagbeso lang sila. Tangina kasi nitong mga kaklase ko, kailangan may picture. Kahit nasasaktan na yung sa paligid nila"

"Hala, e hindi ko kiniss si Kiefer. Pano yan?"

"Kiss mo na Kie. Kahit sa ilong lang. Pero aalcohol-an ko yan mamaya. Hihiludin ko pa" sabi ni Kai kaya natawa kami. Takenote, nagbubulungan lang kami.

Ayun nga, kiniss ako ni Kie sa ilong at umalis na kami. Sakto namang hila hila nila si kelly at Troy.

"Tangina nang nagsulat nito. Papatayin ko" bulong ni Kie kaya tumango lang ako.

"Asan si Third?" Tanong ko.

"Ayun oh, nababaliw na" sabi niya kaya tiningnan ko. Nakaupo lang sya tapos nakasandal yung ulo nya sa dalawang kamay nya. Basta nakahawak sya sa ulo nya ganun.


"Ano to? Coleen ano to?" Sabi ni Kelly na sapilitang sinusuotan ng belo.


"Makigo with the flow ka nalang. Mamaya natin paguusapan" sabi ko kaya tumango sya. Feeling ko talaga pinagtitripan kami ng nagsulat dito eh. Pero magpapagulo ba kami?

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now