special chapter

2.7K 73 2
                                    

Angeli

"May nahanap na nga pala akong school para sa anak natin."

"Elementary school lang o nah?" -Nadz

"University. Pwede na nilang ipagpatuloy dun hanggang college. Diba sabi nyo gusto nyo ng school of performing arts? Yun ang school na yun." sagot ko.

"Where?" -Kelly

"Starfield University. Madaming nakukuhang artista dun or singer or dancer na napupunta sa ibang bansa. Nung kinausap ko kasi si Travis, aba ayaw mag-aral! Kaya nga binibilhan ko ng libro eh. Tapos ayun pa, edi performing arts nalang sya!"


"Tama. Malaki ang potential ng mga anak natin pagdating sa mga ganyan. Nung pre-school palang sila nakitaan na natin sila ng talent. Lalo na si Renz. Nagmana sa papa at mama nya na talented. Si Star naman, hindi ko alam kung pano nya nagagawa na ang isang 5 years old na bata, nanunuod ng mga kpop!"


"Baka napapanuod nya sa TV?"

"Siguro nga. Kasi yung pinsan nya eh laging pumupunta sa bahay tapos manunuod sila nang kpop. Minsan din si Karen pinapanuod ng kpop kaya ayun. Hindi ko naman sya pinipigilan pero i know na pagtanda nya eh gugustuhin nyang maging katulad ng ganun" paliwanag ni Nadz.



"Si Unice? Okay lang naman. Nakikitaan ko naman sya ng leadership sa kanilang anim. Pwede na din"


"Mas gusto ni Renji yung ganun since galing sya sa korea. Sabi niya nga sakin dapat magaartist sya sa korea pero hindi nya tinuloy. Eh buti nga merong ganun dito. Bagay naman sa mga anak natin yun" sabi ni Yhellie

"Kakausapin ko si Troy para dito. Nagbubuntis palang ako pinaglihihan ko na si Kelly at Renji kaya yung mukha nung anak ko ang layo samin"

"Pansin ko din." Sunod na pinuntahan namin ay sa supermarket para makapaggrocery.


"Wait maghiwa hiwalay muna tayo. Kita nalang tayo dun sa labas" sabi ni Coleen kaya tumango kami at naghiwalay. Ang dami kong kailangan. Kailangang gatas.






Bearbrand
Bearbrand adult

Ang pinakamahalaga at di dapat kinakalimutan. Sunod nun ay nagpunta na ako sa mga gulay at pangulam. Kailangan na kailangan ng asawa ko ng makakain dahil lagi syang pagod. Paglumaki na si Travis balik na ako sa pagiging secretary nya.  Hindi pwedeng iwan ko yun magisa sa office nya. Masyado kasing pogi asawa ko eh.

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now