20

2.3K 72 2
                                    

Coleen

Pagkatapos ni sweetheart maging pari, free na sya ngayon maglibot sa buong campus kaya sinamahan ko na sya. Syempre una naming pinuntahan, eh yung chocolate stall ni Nadz.

"Oy Cols! Kuya! Bili na kayo oh."

"Magkano ba?"

"250 isang box" sagot ni Renji.

"Magkano si Nadz?" Tanong ko kaya natawa si Renji.

"Ginto yan kaya hindi mo kayang bilhin. Kaya nga dapat jan iniingatan eh" haaaaa?! Anong connect? Anong pinagsasabi nito?


"Pre. Hayup banat mo dun ah. Magamit nga minsan" sabi ni Kai na may pagtapik pa at inexcuse muna si Nadz.


"Tanggalin mo nga yang shades mo. Ang baduy Nadz" sabi ko


"No! Angas nga e-- kuya naman!" Sabi niya. Bigla kasing tinanggal ni Kai yung suot nya at kitang kita yung pamamaga ng mata nya.


"Okay lang na umiyak ka Nadz. Hindi minuminuto matapang ka."

"W-Wala na kami"

"Alam namin." Sagot ni Kai kaya tinapik ko sya ng mahina. Ang shunga din minsan ng boyfriend ko.


"Wala na eh."


"Okay pa naman kayo diba? Okay pa yun. Konting away nyo lang, break agad?"


"okay kami. Sakto lang. Pero hindi kami open sa isa't isa. Masyado kaming masikreto sa isa't isa. Yung nararamdaman ko, hindi ko masabi sa kanya kaya tinatago ko. At yung nararamdaman nya..."


"Ano?"

"Sinasabi niya kay Anj. Kaya pala ganun. Kaya pala mas naging malapit sila"


"Tama yan. Sana pagnagbalikan na kayo, marunong na kayong makiramdam sa isa't isa at marunong na kayong mapagusapan kung ano yung nasa loob nyo" sabi ni Kai kaya tumango ako.


"Tama. And you know what Nadz, ang nakikita ko lang sa inyo ay hindi Love. Ang nakikita ko lang, title. Oo nga at hindi kayo yung pda sa ibang tao pero ang iniisip nila, magboyfriend girlfriend lang kayo. Napilitan lang kayo dahil nga kayo nalang naiwan, gaya ng sinabi mo. Pero sana sa susunod, ipakita nyong hindi nyo kayang wala ang isa't isa"

Niyakap nya lang kaming dalawa ni Kai at nagthank you. Hinatid na namin sya at pagdating namin, isa nalang yung chocolate na nandun.

"Naks! Napaubos mo!?" Sabi ni Nadz kay Renji At ito namang si Renji halatang pagod na pagod sa pagbebenta.

"Oh, magpahinga ka na dun ako na bahala dito sa isa" sabi ni Nadz kaya natawa lang kami at nagpunta na sa photo booth para magpapicture.

"1, 2, 3 say SWEETHEART!!!" sigaw ni Kelly saka nagclick ng picture. Mga apat na picture pinakuha namin at nagpunta na kami sa may mga games.

"Basketball tayo." Yaya ko sa kanya.

"Game!" Sabay kaming nagbayad at sinimulan na yung oras. Halos wala akong mashoot dahil sa sobrang taas. Ang daya!

"Pano ba yan, talo ka. Kiss ko?"

"Anong kiss?! Wala naman tayong napagusapan!"

"Ah walang kiss? Edi walang teddybear" sabi niya at winawagayway pa sakin yung mejo malaking teddybear.

"Waaah! Kai ikikiss na kita!" Sabi ko at niyakap ko sya sabay kiss. Tuwang tuwa ang mokong pero mas natutuwa ako.

"Mendoza?"

"Miss. Goodmorning po" sabi ko kay miss na prof namin.

"Sayo ko iiwan tong papers. Pagkasi sa president nyo, alam kong irresponsible sya eh. Kaya ikaw na bahalang magtago nito"

"Sige po miss" sabi ko at umalis na sya.

"Sino ba president nyo?"

"Si Krissa." Oo, yung may bangs. Yung laging napapagalitan ng mga prof. Yung kasali din sa Glee club. Alam ko yun dahil nagkakausap sila ni Kelly sa room. Sya yung secretary at si Kelly yung VP.

"Irresponsible?"

"Oo. Tuwing may pinapagawa kasi yung mga prof dun, di niya nagagawa ng maayos at minsan, nawawala nya pa"

"Ah kaya naman pala"

"Tara samahan mo muna ako kumain. Di pa ako kumakain"

Yaya ko sa kanya kaya sinamahan nya ako sa canteen. Bumili sya ng burger steak dalawa at dalawang brownies.

"Bilhan mo na rin sil Nadz. Baka gutom na yun. Kahit sandwich lang" sabi ko kaya bumili nga sya ng sandwich.

Tahimik lang kaming kumain. Madami dami din ang tao dito pero mas madami sa labas na nagsasaya. Habang kumakain ako, napansin ko yung nasa kabilang table na ang sama ng tingin samin ni Kai kaya kinabahan ako at binilisan kong kumain.

"Huy sweetheart. Nabubulunan ka na" sabi ni Kai at binigyan ako ng tubig. Ang weird ng titig nya. Sya din kaya yung nakatingin samin sa rooftop? Oh god... baka may balak sya saming tatlo ni Kelly at Nadz.

"Sweetheart? Okay ka lang?"

"O-Okay lang. Dalian mo kaya jan? Paubos na sakin oh" sabi ko sa kanya.

"Kinakabahan ka eh. Sino ba yung tinitingnan mo jan?" Sabi niya at lumingon din pero wala na yung lalaki.

"Ang weird mo ha. Baka mamaya may nakikita ka na palang multo. Di mo lang sinasabi. Halaaaa"

"Tumigil ka nga. Wala yun" sabi ko at tumahimik nalang.

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon