59

2K 67 0
                                    

Yhellie

(Let's give her a chance. Lol hahaha)


"Kuya ano yung ieexplain ko kila mommy?" Sabi ko kay kuya habang nginangatngat ko yung kuko ko at si kuya nagdadrive.



"Sabihin mo ang totoo na nalaman na ni Kiefer na sya nga si Kiefer. Sobrang dali eh"



"Edi papagalitan ka din nun. Sasabihin ni daddy, na bakit pinabayaan mo si Kelly kaya nagkabalikan sila. Lagot tayong dalawa"




"Mahal ko talaga si Kelly at mahal nya si Kiefer at mahal din sya ni Kiefer so extra lang tayo. May magagawa ba tayo?"



"Sabi ko nga. Pero tulungan mo ko kuya"



"Oo na oo na. Ako na bahala" kahit papano ay nawala ang kaba ko.



Paguwi namin sa bahay, nagbless and kiss ako kay mommy at daddy na nagaalmusal.


"Bakit ngayon lang kayo? Kasama nyo ba si King? Kahapon pa sya hinahanap ng magulang nya"



"A-Alam nya na po na sya si Kiefer"



"What?" Tanong ni daddy na binaba yung dyaryong hawak nya at lumapit sakin.


"N-naalala nya na po"


"AT PINABAYAAN MO?! SINABI MO?!"


"Y-Yes po. D-Dadㅡ" hindi ako pinatapos ni dad at sinampal na nya ako.


"Dad!" Sigaw ni kuya at hinila ako paalis sa tapat ni daddy


"At ikaw! Pinabayaan mo si Kelly? Pinabayaan mong magkabalikan sila? My goodness Yong. What have you done?! Maayos na eh!"



"Hon yung puso mo." Sabi ni mommy. Tumulo yung luha sa mata ko dahil sa may sakit nga si daddy at ito pa yung ginawa namin.



"Ginawa lang namin yung tama dad! Hindi tayo makakapagsinungaling habang buhay!"


"Magagawa natin yun kung nagpunta lang kami ng states kasama yung pamilya ni Kiefer! Kung hindi ka nagpumilit na magstay dito sa pilipinas, ayos na! Edi sana nakalimutan na ng pesteng Kelly na yan si Kiefer!"




"Magkikita at magkikita sila dahil magkapatid kami ni Yhellie!"



"Hindi pwede. Tatawagan ko na ang mga Gonzales ngayon din. I'm so disappointed, Yhellie. You disappointed me and your brother."




Umalis si daddy at tiningnan ako ng masama ni mommy saka sumunod kay daddy.


"Kuya.."

"Ayos lang yan. Tama lang tong ginawa natin. Umakyat kana sa kwarto mo at magpahinga"

Tumango ako kay kuya at umakyat na sa kwarto ko. Tama ba talaga yung ginawa ko? Yung mas pinili ko yung tama para sa mga kaibigan ko kesa sa mga magulang ko?





I feel like im betraying them. Betraying my parents for my own happiness.




Mga ilang oras akong nagmukmok sa kwarto kaya naisipan ko nang lumabas. Nagtago pa ako sa likod ng pinto habang hinahanda nila yung sasakyan.



"Hindi naman pwedeng hindi bayaran ng mga Gonzales yung utang nila satin. Sabihin mo pakawalan nila yung Krissa. Patahimikin na yang Kelly" bigla akong kinabahan sa sinabi ni daddy kaya napatakip ako ng bibig.






"Huy ginagawa mo jan"



"K-Kuya"





"Bakit? Bakit ka nanginginig jan? Halika nga"


Hinila ako ni kuya papuntang kitchen at binigyan ako ng tubig.

"Kuya! Baka ipapatay nila si Kelly! Pinapapatay nila si Kelly!"



"Ha? Sandali aalis muna ako. Wag kang aalis jan ah" sabi ni kuya kaya hinawakan ko sya.



"W-Wag na kuya."




"Yhellie?"






"Tinatraydor natin sila mommy, kuya. Tinatraydor natin yung mga magulang natin" sabi ko habang nakatingin sa kanya.


"Hindi ka ba nakokonsensya kuya? Magulang parin natin sila"




"Yhellie. Mas makokonsensya ka kung hahayaan mong mamatay ang kaibigan mo! Makokonsensya ako kung alam kong papatayin yung mahal ko pero hindi ko sinabi hanggang sa mamatay sya. At isa pa, kung hindi mo gagawin yun, para mo naring tinraydor yung sarili mo"





Yumuko ako dahil totoo yung sinabi niya. Tinamaan ako pero mas gusto kong sundin yung magulang ko.



"Yhellie kung iniisip mong susuwayin mo sila mommy, hindi ka ba nagsasawa? 18 years old kana at sumusunod ka pa din sa kanila. Legal kana! Dapat para sa sarili mo naman ang isipin mo at hayaan mong maging malaya ka kahit isang beses lang. Kung ayaw mo, sumama ka sakin."






Hinila ako ni kuya palabas at nagulat kami ng nakaharang yung mga guard samin. Hindi rin kami hinahayaang lumabas.



"Bakit? Magluluto kami ng cake ni Yhellie para sa anniversary nila mommy. Dyan lang kami sa mall"



"Pinagbilin ng magulang mo na hindi kayo palabasin kahit anong mangyari"



"Ahh. Okay" pumasok kami sa loob at nagisip kung paano nga naman kami makakalabas.




"Hayop. Alam ko na!"



"Ano?"


"Papuntahin mo si Kiefer ngayon na."



"Pano kung kasama nya si Kelly?"



"Oo nga. Kung kasama nya si Kiefer, mas ligtas sya. Sabihin mo nalang kay Kiefer na bantayan si Kelly"

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now