16

2.1K 79 1
                                    

Kelly

"Ang tagal naman nila Nadz" sabi ni Angeli kaya napatingin ako sa kanya. She's acting weird huh.

Kanina, matapos kaming mag "marriage booth" ni Troy, wala ng ginawa si Angeli kundi magreklamo at mairita.

"Ayan na sila oh" sabi ni bhie kaya napatingin kami sa pintuan. Dalawa lang silang magkasama at naka eyeglass si Nadz.

"Anyare bakit ka nakasalamin?" Tanong ni Kai sa kanya na kakatanggal lang ng stiffneck collar dahil magaling na daw sya

"Trip ko lang naman" sabi niya. Halata namang namamaga yung mata nya at nakita ko sya kaninang tumakbo. Hindi ko lang nahabol dahil ako ang pinagpicture

"So..."

"Ano bang paguusapan natin?" Tanong ni Angeli.

"Hindi nyo ba talaga kilala yung naglista ng mga pangalan natin? Feeling ko sinisira tayo ng taong yun" sabi ni Coleen

" oo nga. At isa pa, hindi rin natin alam kung lalaki ba o babae, madami ba sila o isa lang" dugtong ko.

Feeling ko din sinisira kami ng taong yun. Pwede namang by partner bakit niya pa kailangang ipagpartner sa kung saan may masasaktan?

"Hindi naman siguro tayo magpapasira dun. Hayaan nalang natin silang guluhin tayo basta wag tayong magpapadala" sabi ni Kai kaya tumango kami

"What's the big deal? Tapos na rin naman and besides, marriage booth lang yun. Dapat makipag go with the flow lang tayo sa kung anong trip nila. Hindi naman na dapat to pinaguusapan pa eh."

"Bakit Angeli, hindi ka ba nasaktan na makita mo yung boyfriend mo na kapartner iba? At kaibigan mo pa? Hindi ka ba nasaktan na may halikan sa pisngi yung boyfriend mo?" Tanong ni Coleen.

"That's the point! Kaibigan naman natin eh. At alam naman natin na hindi magagawa ng boyfriends natin na iwanan tayo. Kaibigan yan oh. Pagseselosan mo?!"

"Why so over confident, Angeli? Masyado kayong pakampante."

"Bakit Nadz? Ikaw ba nagselos samin ni Third? Bakit ka magseselos? Kaibigan mo ko? Boyfriend mo sya at alam mong mahal ka nya"

"Nagselos ako oo. Kaibigan kita oo. Pero hindi ikaw ang nakaranas na maghintay sa taong hindi makamove on sa isang taong may mahal na din. Hindi mo naman naranasan yun diba? Na matagal bago maging kami dahil hindi sya makamove on sayo. Tapos ano, ikaw makakapartner nya sa marriage booth?"

"Nadz ikaw yung hindi makamove on! That thing was 3 years ago! Wala kang tiwala sa boyfriend mo?!"

"Guys..." tumahimik sila ng magsalita na si Troy. Naaawa ako sa kanya. Baka isipin nya na pinagaawayan nila si Third.

"Akala ko ba hindi kayo magpapasira?
Akala ko ba hindi kayo magpapadala? Tangina eh bakit kayo nag-aaway?"

Tinapik ko nalang ang katabi kong si Nadz na nakayuko. Hindi sya umiiyak. Alam kong hindi sya iiyak.

"Guys relax." Sabi naman ni bhie.

"Magtiwala nalang tayo sa isa't isa. Yan nalang ang magagawa natin." -Kai

"Sorry. Mali ako. Sige na, ayos na tayo. *huminga sya ng malalim* okay na. Sorry Angeli. Sorry Third" sabi ni Nadz ng nakangiti. Shit. She's the best actress. She's the great pretender.

"Sorry din. Wag kang mag-alala, pag ginulo nanaman tayo at kay Third ako pinartner, hindi ako papayag. Siguro okay naman kay Kai or kay Kiefer? Pero mas maganda kung kay Troy. Pero hindi lang kay Third"

"No.. masaya si Third pag ikaw napartner sa kanya.."

Bulong nya kaya halos silipin ko na sya sa ilalim at hindi pa rin sya umiiyak. Kailangan ko na syang kausapin.

"Okay, uhm guys, we need to relax ourselves. Anong gusto nyong gawin?" Tanong ko.

"And sorry din kung nawawalan na ako ng oras sa inyo. Busy lang sa assignments ko at sana naiintindihan nyo yun." Dugtong ni Angeli.

"Naiintindihan namin yun, Angeli" sabi ni Coleen.

"Nadz, magusap muna tayo" sabi ni Angeli. Tumango si Nadz at nagpunta sila sa Garden. Si Bhie naman ay sumandal lang sa akin.

"Third.." panimula ni Kai. Malamang sya nag-aalala din dahil kapatid niya yun. Ayaw nyang nasasaktan ang kapatid niya. Lahat kaming kaibigan nya ayaw namin syang nasasaktan.

"Alam ko. Kasalanan ko naman lahat"

"Anong kasalanan mo dun? May masabi ka lang eh no" -bhie

"Kasalanan kong hindi ko naparamdam sa kanya ng maayos na mahal ko sya. Kasalanan ko din kung bakit nawala yung tiwala nya sakin"

"Kasalanan mo nga Third. Hindi na ako magtataka kung sabihin mo sa sarili mong kasalanan mong nawala sya sayo. Sa iba na sya napunta" sabi ni Coleen kaya tumahimik lang sya.


Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon