29

2K 82 3
                                    

Kelly

"Ano ba yan Kelly magiisang araw na kami dito. Don't tell me ito na bago nating tambayan?!"

"Shut up Nadz! Ikaw hindi ka ba napapagod kakadada dyan? Tingin mo maririnig nya yan? Baka nga magkausap sila ni Kiefer ngayon!"



Unti unti akong dumilat ng marinig silang nagsisigawan. Masakit ang katawan ko. Masakit pag gumalaw ako. Nang makita ako ni Third, nagsilapitan sila sakin.




"OMG KELLY!!" sabi ni Angeli na nakatakip pa sa bibig nya.

Si Troy na nakatingin lang sakin pero magang maga ang mga mata nilang lahat. Iniyakan nila ko? Duh.


"Effective!" Sigaw naman ni Nadz na ganun din ang nangyari sa pagmumukha nilang lahat.



"Tawagan mo si tita, Coleen!" Sabi ni Anj.


"Anong ginagawa natin dito? Teka.. nasan si bhie? Bakit di nyo kasama? Tska ano yung... kausap ko si bhie? Loka loka kayo di ko kayo nagets"



Nagtinginan lang silang pito at sabay tingin sakin. Napahilamos ng mukha si Third at umupo sa sofa. Ganun din yung ginawa nila Troy.


"Mga putcha, best actor kayo ha." Sabi ko. Niyakap ako ni Coleen, Anj at Nadz at sabay sabay silang nagiyakan. Hindi ko alam kung bakit nadala ako sa iyak nila.




"W-Wala na si Kiefer, Kelly. Iniwan nya na tayo" bigla ko silang tinulak dahil sa sinabi nila at inalala kung ano yung nangyari.



"Bwisit kayo. Nasan nga?" Biglang nagiba yung boses ko. Natatakot ako na baka totoo yung sinasabi nila. Bigla akong nanginig.


"Kelly, bumangga ang sasakyan nyo sa Truck, Kelly" sabi ni Third..


Nagaaway kami nun... nagsisigawan... nang bigla nya kong yakapin...



"I love you be"

"I love you too bhie" bulong ko rin saka may nagflash sa harap namin.

"Bwisit kayo idelete nyo nga yan" sabi ko.

"Wag na bhie. Remembrance natin yan sa isa't isa"

"Malamang alangan namang remembrance mo yan sa kanila eh tayo yung nanjan"

"Pwede din. Pag nawala tayo-"

"I love you be" hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa i love you nya.

"Buti nalang hindi ka ganun bhie. I love you"

"Wag ka namang ganyan be. Di ko kayang umalis sa tabi mo no!"


"Bhie, iiyak ka pagnawala ako?"

"Hindi"

"H-Ha? Bakit? Hindi mo ba ko mahal? Sabihin mo lang kung may halaga pako sayo"

"Hindi ako iiyak kasi sigurado namang ako mauuna. Iaaalay ko ang buhay ko sayo ikamatay ko man. Handa akong mawala sa mundong ito mailigtas ka lang."

"Ewan ko sayo. Wag na nga nating pagusapan. Basta i love you"

"Hindi... hindi totoo yun diba? Hindi nya naman ako niligtas diba? Guys sabihin nyo sakin yung totoo. Guys wag naman kayong magloko. Kailangan ko sya. Kailangan ko syang makita" biglang sunod sunod na tumulo ang luha ko.



"Isusumbong ko kayo kay bhie ha! Pag ako lang nakatayo dito!"



"Kelly... nandito lang kami para sayo" niyakap nila ako ulit pero tinulak ko sila. Wala akong oras makipagbiruan.



"Alam ko to! Set up to! Leche kayo! Alam ko na yang galawan ni Kiefer! Ilabas nyo sya! Hindi pa kami nagkakaayos! Hindi pa naman naaayos... bhie lumabas kana.. wag kana magtago, Kiefer... ayokong mapagkaisahan"





"Kelly.."


"Ano ba! Wala kayong proweba! Ilabas nyo ko dito! Pakita nyo sya sakin! Ano?! Di nyo magawa!!"



"Kelly... pinacrimate si Kiefer. Hindi na sya makilala dahil sa nangyari sa inyo. Kita mo, kakaunti lang ang galos mo. Pero sya.." umiiyak na sabi ni Angeli.



Nagulat ako nang may biglang pumasok sa kwarto ko at yakapin ako bigla. Bumuhos ang luha ko. Iniyak ko ng iniyak.






"Mommy... mommy sabihin nyo po yung totoo. Joke time po ba to? My please tell me the truth, please."




"Kelly, magpakatatag ka lang. Anak, magpakatatag ka para kay Kiefer"




"Mommy!!!! Mommy hindi pwede!!! Hindi pa po kami nagbabati mommy... mommy help me. Hindi ko po kayang wala sya.."




"Kayanin mo.. kayanin mo para sa kanya.."



"Kelly... nandito kami para sayo. Hindi ka nagiisa ha? Nandito pa kami" sabi ni Angeli. Niyakap nya ko at niyakap ko din sya habang patuloy na tumutulo yung luha ko.

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon