62

1.8K 69 1
                                    

Dedicated to kay AiraJeon6 meron din syang story na friendzone kaya isave nyo na sa library nyo. Yun lang! Thank you💖

Nadz

"P-po?" Tanong ni Third sa lolo nya at lahat ng tita at tito nya ay nakatingin samin. Tiningnan ko din yung Gail na halos katapat lang namin at katabi ni Claire.

"Hay nako kang bata ka. Pinangakuan mo si Gail na pagnakabalik na sya sa pilipinas ay sya ang magiging girlfriend at papakasalan mo hindi ba?"



"Lolo, naglolokohan lang po kami ni Gail nun."

"Aba hindi tama yung lokohan na yun tingnan mo, umasa si Gail. Umasa kami Third" sabi ng isa nyang tita kaya napayuko ako.



"Excuse" sabi ni Gail kaya tumayo si Third at sumunod dun.



"Kuya!" Sigaw ni Fourth kahit katabi niya yung girlfriend niya pero hindi parin natatanggal yung titig nila sakin kaya tumayo na rin ako at umalis. Kahihiyan Nadz.


Palabas na ako nang may humarang sakin

"Nadz! San ka pupunta?" Napatingin ako kay Coleen na nakasunod sila Kelly sa kanya sa likod.


"Hindi pa kami nakakapasok aalis ka agad? Nasan si Third?"



Wait.. wag ka gumawa ng eksena Nadz. Ayaw mong mag away kayo ni Third kaya wag mong palakihin yun... pero hindi ko kaya.


"Sorry. Pasok nalang kayo, kailangan kong umuwi" sabi ko at tumakbo.


"Nadz anong meron?" Tanong ni Kuya pero ngumiti lang ako at umiling. Kailangan ko lang talagang umuwi.


"Magtataxi nalang ako pauwi!" Sigaw ko at tumakbo na paalis ng subdivision nila at nagtaxi.


"Saan po tayo ma'am?"



"Sa Green Park nalang po" sabi ko kaya tumango si kuya. Tumingin lang ako sa bintana at tumulala. Wala akong oras para umiyak. Masyado akong maganda ngayon pero nawala dahil ang pangit ng nangyari sakin.


Pagdating ko dun, sumalubong sakin yung tingin kong may concert dahil maraming tao. Pero meron lang platform at may nagmamagic.

"Kailangan ko lang ng isang volunteer!!" Nanuod lang ako sa kanya kahit nakakaboring na. Natutulala pa din ako.

"Nakakaboring naman yung magic na. Tara na Nami" napalingon ako sa nagsalita at di nga ako nagkakamali. Si Nami nga yung nasa likod ko.

"ate Nadz ikaw pala yan? Di kita napansin"

"Sino kasama mo?"

"Sila mommy. Nandun sa restaurant. Lumabas lang kami ni kuya Renji"

"Ay anong meron?"


"Birthday ko kasi"


"Ay weh? Happy Birthday!!!" Sabi ko at niyakap sya.


"Thank you ate Nadz! Tara punta tayo sa restaurant" sabi niya pero pinigilan ko sya.

"Ayoko na. Sige ikaw nalang"


"Ano ka ba! Wag kana mahiya." Hindi ako nahihiya... nakakadala lang na makasama sa isang kainan ang buong pamilya.


"Sayang naman yung damit mo! Ang ganda pa naman tas dito ka lang pupunta? Please ate Nadz? Regalo mo lang sakin" sabi niya at ngumiti ng lumalabas yung dimples.

"Sige na nga." Pagkapasok namin sa savory, nandun agad yung singkit na mukha ng pamilya nila Renji. Putek na yan. Puro na sila singkit.


"Nadz? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Renji.

"Hinila ko lang sya Kuya. Hindi mo sya nakita dun sa nagmamagic? Dun ko sya nakita eh!"

"Hi Nadz, please sit" sabi ni tita kaya umupo naman ako. Buti nalang tapos na sila kumain. Kundi mabubusog talaga ako neto.

"Ate Nadz, kumain kana ba?" Tanong ni Nami kaya tumango lang ako.

"Excuse us, baka gusto nyong makapagusap" sabi ni tito at tita kaya umalis sila saglit.

"Bakit nakaganyan ka? May date?" Tanong ni Nami pero umiling ako.

"Long story"

"Then make it short" sabi naman ni Renji.

"Galing din ako sa party nila Third. Ng buong pamilya nya" sabi ko ng nakangiti pa din. Hindi naman kami nagaway.




"Oh tapos? Bakit ikaw nalang magisa?"

"Kasi tapos na yung party?" Patanong na sabi ko sa kanya. Pero parang di nya ako pinakinggan at tumingin sa cellphone nya.



"Nami nagtext sila mommy. Sama ka daw sa kanila mamimili kayo"

Umalis din si Nami at nagpaalam kaya kinabahan ako. O..kay?


"Ngayon sabihin mo na yung totoo"

"Ha? Totoo nga yun"

"Kilala mo ako, Nadz. Alam mong hindi ako titigil hanggat di ko nalalaman yung totoo at hindi pa ako sangayon sa sagot mo"



Napabuntong hininga ako bigla at di ko alam kung sasabihin ko o ano. Sana hindi lumala to.

"Umalis ako sa party."



"Bakit? Bakit di mo sya kasama?"





"May nalaman lang akong hindi maganda. Ayoko sanang palalain yun eh. Pero kasi diba?"


"Ha? Wala na akong naintindihan sa sinabi mo"





"May pinangakuan na pala si Third dati na pagbumalik yung babaeng yun, magiging sila. In short, nagmahalan din sila. Alam mo yun? Yung kilalang kilala sya ng buong pamilya nya. Yung suporta yung buong pamilya nya sa babae para kay Third at nagawa pang habulin ni Third nung nag walk out yung babae."





"Wag kang umiyak.."sabi niya sabay pahid ng luha sa mata ko.


"..malay mo, ipapaliwanag lang nya sa babae na ikaw na talaga yung mahal nya at mapapangasawa nya. Wag ka muna kasing magisip. Saka kana umiyak pag binalikan ni Third yung babaeng yun. Saka kana tumakbo sakin okay? Tatawagan ko muna si Third"

Gone (Campus Queens 2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat