68

2K 80 16
                                    

Nadz

"San kayo galing?" Tanong ko kay kuya na kararating lang at kasama si Third.

"Kila Troy. Bakit?" Sabi ni Kuya pero napairap nalang ako. Pati pa naman ikaw kuya? Akala ko si Third lang marunong magsinungaling?

"Bakit nakasimangot ka jan?" Tanong ni kuya.

"Alam mo ba na kanina ka pa hinahanap ni Coleen?"

"Nakausap ko na sya Nadz. Kaya kung hindi ka naniniwala, bahala ka jan" so sya pa may ganang magalit diba? Bwisit.



"Nadz bakit ba? Anong problema?" Tanong ni Third na sinundan ako papasok ng kwarto.

"Wala"

"Pagaawayan nanaman ba natin to?"

"H-Hindi.." ayoko. Ayokong mag-away kami.

"Maniwala ka sana sa kuya mo para hindi na kayo mag-away. Kakabati lang natin eh"


"Bakit ba kasi hindi kayo nagsasabi ng totoo? Alam mo Third sana ikaw nalang eh. Sana ikaw nalang yung nakipagkita dyan sa Gail at sa pinsan mo at hindi mo na sinama si Kuya. Hihintayin mo pa bang magaway at maghiwalay sila?"



"H-ha? Teka.."

"Hindi ko alam kung magtitiwala pa ako sayo Third. Yung pagmamahal ko parang tiwala ko sayo. Nauubos na..."



"...nagsasawa ka na sakin no? Kasi lagi ko nalang pinupunto yung mali mo? Kasi Third habang ako, naghihintay dito sayo, ikaw kasama mo yung bestfriend mo. Mas priority mo yung bestfriend mo kesa sa girlfriend mo"



"Sinasabi mo bang hindi ka na mahalaga sakin?"

"Oo" direkta kong sabi.

"Third do me i favor"

"Umalis ka na dito. Wag ka nang magpapakita sakin at.. at wag mo na akong saktan ulit"


"Nadz hindi ko kaya yun. Kung gagawin ko yun edi sasaktan ko yung sarili ko. Masasaktan ako kasi makikita nanaman kitang umiiyak"

"Madami nang nagsasawa satin, Third. Pati ako. Ayokong maging makasarili kaya hiwalayan mo na ko. Papalayain na rin kita para kahit papano, hindi kita makonsensya at hindi na magisip ng idadahilan."


Tumayo ako sa kama ko at umalis. Sumakay ako sa kotse ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta tuluyan lang tumutulo yung luha ko.


Lumiko ako kung saan saan hanggang sa makarating ako sa pinakapaborito kong lugar.


A Home for the Angels Child caring foundation inc.

Pumasok ako sa loob at hinanap agad si Karen. Nakita ko sya at nangmakita nya ako ay niyakap nya agad ako.


"Ang laki mo na!"

"Mommy Nadz! Bakit may tumutulo sa mata mo? Luha ba yan?"

"Syempre! Namiss kasi kita ng sobra eh. Kaya nga nagpunta ako." Si Karen, ang laki na. 8 years old na sya at malaki na rin ang pinagbago.



"Edi lagi ka nang iiyak?"


"Ha? Bakit?"



"May kukuha na kasi sakin na bagong mommy. Mabait sila Mommy."

Niyakap ko sya nang mahigpit dahil sa sinabi niya.

"Ganun ba? Edi hindi na tayo magkikita?"

"Magkikita tayo. Pagmalaki na ako, lagi akong pupunta sa inyo. Para hindi na ikaw ang pupunta sakin. Ako naman ang pupunta sa inyo. Sayang, hindi mo kasama si daddy. Nasaan na po sya?"




"Nasa kanila. Ate Nadz nalang at Kuya Third ang itawag mo samin. Hindi pa naman kami mommy at daddy"

"Pero magiging ganun din po kayo diba?" Ngumiti ako sa kanya at umiling.


"Hindi ko alam. Baka pagbumisita ka samin, mommy na ako pero iba na ang daddy. Pwede rin namang daddy na sya, pero iba ang mommy"




"Alam nyo po pag kinikwentuhan ako ni daddy ay! Kuya Third, lagi niyang sinasabi na ang prinsesa, ay para sa prinsipe. Pagnagkita na kayo,kahit ano pang away nyo, kayo pa din dahil prinsesa at prinsipe kayo"




"Sa buhay kasi, lahat ng babae, prinsesa. Lahat ng lalaki, prinsipe. Lahat ng makikilala mo, prinsipe kaya walang kasiguraduhan kung sino magiging hari mo"




"Ganun po ba yun?"

"Oㅡo. Natulog ka na ba? Matulog kana para tumangkad ka okay? May gagawin pa pala ako.


"Okay po ate Nadz." Humalik ako sa noo nya at umalis na din pagkapikit nya nang mata.


Umalis na ako at wala na akong ibang mapuntahan kaya dun nalang ako sa office nila mommy at daddy.



"Ern!!!" Sigaw ko pagpasok sa office kaya nagtinginan sakin yung mga workers ni daddy. Dali daling tumakbo si Ern papunta sakin kaya niyakap ko sya.

Isa talaga ang mga bata sa stress reliever ko. Yakapin ko lang sila mawawala na lungkot ko.


"Oh, Nadz bakit nabisita ka?"

"Hi mommy. Hindi na tayo nakakaalis alis eh."

"Pasensya na ha. Busy lang kasi talaga. Tingnan mo, si daddy mo may meeting. Sige, sa christmas, pupunta nalang tayong macau"




"Macau mommy?!"


"Yeah. Dun tayo magpapasko"



×××

Guys, baka idelete ko nalang itong story at maglagay nalang ng ilang parts na pinakaending ng love story nila. Hindi na kasi maganda yung takbo ng story (for me). Kailangan ko ng suggestion nyo. Mas maganda yun diba?

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon