32

2K 72 0
                                    

Nadz

"Ayos na ba lahat ng gamit mo Kelly?" Tanong ni tita kay Kelly.

"Opo. Mommy magpahinga ka nalang dun. Pagod ka na nga sa trabaho aalalahanin mo pa ko" sabi ni Kelly na tumatawa.

Well, she's not a best actress. Magang maga yung mata nya kaya pag tumatawa sya, eyebags nya ang nangingibabaw.


"Syempre naman no! Pero nandito na rin naman mga kaibigan mo. Magiingat kayo dun ha?" Tumango kami sa sinabi ni tita at dinala na ng boys yung gamit ni Kelly sa kotse ni tita para iuwi samantalang magkakasama kaming girls na pumunta sa isang kotse.




"Ang tagal naman nila. Gusto ko nang magpunta sa bahay nila bhie!!" Sabi niya at sumandal sa upuan nya. Hiniram nya yung earphone ni Angeli at kinuha yung phone ko. Nasira na kasi yung phone nya. Nabasag at memory at simcard nalang yung natira.




"Daan muna kaya tayong mall? Bili pala ako bagong cellphone. Nasayo memory card ko Nadz diba?" Tanong nya sakin at tumango ako. Good thing na dinelete ko yung mga senti nyang kanta at fi-navorite ko yung mga joyful para hindi sya ma-over think.




"Sige daan nalang tayo sa mall para maiba yung atmosphere ni Kelly" sabi ni Troy nang sabihin ni Angeli na gusto ni Kelly na dumaan sa mall.


Pagdating namin dun, mejo naghiwahiwalay kami para bumili ng gusto namin. Pumunta rin kami sa samsung na store para pumili ng cellphone.


"Ito nalang" sabi niya at tinuro yung katulad sa dati nyang cellphone.

"Seryoso ka?"

Hindi na sya tumango at nagpa-assist na agad para mabili nya yung cellphone. Sana lang hindi nya maisip at maalala si Kiefer.

Hindi naman sa pinapalimot na namin si Kiefer sa kanya. Ang samin lang, tuwing naaalala nya yung nangyari sa kanila ni Kie, hindi na sya tumitigil sa pagiyak hanggang sa makatulog na sya.





"Tara na, magpunta na tayo sa parking lot" sumunod lang kami sa kanya at sumakay na papunta kala Kie. Nakatitig lang sya sa cellphone nyang bago.


"Oh, Memories.. i mean, memory card mo" sabi ko.

"Ito, sim card mo" sabi naman ni Kai. Binalik nya na lahat dun at ginawang wallpaper yung mukha nya.

"Nakakatakot yan, Kelly. Infairness" joke ko at natawa lang sya saka tumingin sa bintana.


××

"Pabayaan na muna natin sya. Tara magusap usap tayo sa labas" sabi ni tito at iniwan na namin si Kelly na nakaharap sa picture at abo ni Kiefer.


"Nakakalungkot isipin, pero pupunta na kami ng states nextweek. Kailangan naming dalhin yung abo ni Kiefer. Ayaw sana naming gawin pero kailangan para matanggap namin ang pagkawala ni Kiefer" sabi ni tito. Gulat pa din kami dahil sa desisyon nilang biglaan. Pano na si Kelly?





"Eh ano pang mabibisita nya dito?" Sabi ni Troy at tinutukoy si Kelly


"Wala na"


"Hindi naman ho pwede yun. Kailangan nya din pong maramdaman na nanjan lang si Kiefer. Yang abo na nga lang ang alaala ni Kiefer aalisin nyo pa sa kanya?!" Galit na sabi ni Troy.


"Troy ano ba. Gumalang ka nga" naiiritang sabi ni Angeli sa boyfriend niya.


"Nakakainis na kasi."

"Bakit ba apektado kang sobra?!" Bulungan nila kaya nakaharap lang sa kanya sila tito.



"Isa pa, si Kelly ang dahilan ng aksidente nila. Kundi dahil kay Kelly, buhay pa sana si Kiefer. Si Kelly ang dahilan kaya napilitang umalis si Kiefer sa pamamahay na to."



"Kelly..." napatingin kami kay Kelly na naluluha dahil sa sinabi ni tito. Pinilit pahintuin ni tita si tito pero halatang naiinis na din ito.


"Ano pong ibig sabihin nyo?"


"Lumayas si Kiefer ng araw na yun dahil sayo. Eh kung hindi sya lumayas, kung hindi ka nya nasundo, hindi sana kayo mababangga. Tandaan mo yan Kelly"




"KASALANAN NYO DIN YUN KUNG BAKIT SYA LUMAYAS! WALA KAYONG KARAPATANG SABIHIN YAN KAY KELLY! NAGMAMAHALAN LANG SILA!" sigaw ni Troy kaya napilitan kaming lumabas na at hilain si Troy.




"Troy ano ba! Wala kang galang! Tinuring tayong anak ni tito at tita! Ikaw! Matagal na kayong magkakaibigan pero yung magulang ni Kiefer hindi mo manlang ginalang!" Sigaw ni Angeli.



"Ano ba, wag na kayong mag-away jan" sabi ni Third. Hindi pinansin ni Troy yung sinabi ni Angeli at pumasok na sa kotse. Nakita namin lumabas na si Kelly pero hindi sya umiiyak. Or more like, pinipigilan nya.




"Tara na, ihatid na natin sya sa bahay nila" sabi ni kuya at pumasok na din kami sa kotse.

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon