70

2K 63 1
                                    

Angeli


"Tangina nung babaeng yun. Humanda sya sakin. Aalamin ko talaga yung past nila bwisit sya. Ang landi! Bumalik lang ng pilipinas! Ganun ba talaga yung pamilya nila Third? Jusko jusko jusko" sabi ni Coleen kaya inabutan ko ng iced tea.






"Natatakot na tuloy ako. Baka mamaya si Troy din may past sa ibang babae. Wag naman sanang mangyari yun"




"Kilala mo si Troy ng sobra, Angeli. Kung may past man sila, ikaw pa din ang pipiliin like Kiefer did. Mahal nila tayo kaya wag tayong magpakanega okay? We should relax ourselves" -Kelly


"Right. Paspa kaya tayo?"



"Wala ako sa mood" -Nadz


"Ako din" -Coleen.



"Nadz may tinatago ka ba samin?" Tanong ni Kelly kaya napatingin ako kay Nadz na nakatingin lang sa labas. Umiiwas sa tingin namin.



"Nadz?" Tanong ko pero yumuko na sya.




"Napakacommon na kasi kung sasabihin ko pa. Paulit ulit nalang ako. Paulit ulit yung nangyayari samin eh. Sawang sawa na kayo for sure." Sabi niya na nakayuko pa din pero nakangiti.





"You broke up with him again?" Tanong ko.



"Yes, again. And this is the last. Ayoko na. Sawa na ako. Kung ako nga sawa na pano pa kayo? I lost my patience. Tama nga si Coleen. Kung magtatanga tangahan nalang ako, sino ba lugi? Ako. Ang sakit na. Sobrang sakit na" sabi niya at tuluyan ng bumagsak yung mga luha kaya lumapit kami at niyakap sya.






"Hindi ko na kaya. Hindi ko alam kung mahal ko pa sya o namimiss ko lang yung samahan namin. Hindi ko alam na isa lang ako sa priority nya but im not his first priority. Pupunta lang sya kung namimiss nya ako o kung nahahalata nyang nagtatampo ako pero hindi nya nagawang gawing samahan ako buong araw para hindi nya ako mamiss. Nakakapagod maghintay at ang pasalubong nya sayo eh puro kasinungalingan."






"Nadz, final na ba yang decision mo? Baka someday you'll regret it" sabi ni Coleen.



"Kung pagsisihan ko man, wala na akong magagawa. I already made a decision at yun ay palayain sya. Atleast, hindi nya na pinoproblema yung mga pagaaway namin"





"Wag kang mag-alala Nadz, kakausapin ko sya at lilinawin ko lahat. Kumapit ka lang okay? Wag ka munang bibitaw. Kumbaga kung nasa bundok kayo at mahuhulog ka na, hawak ka lang nya at ayaw ka nyang bitawan nang hindi ka mahulog sa iba" sabi ko at ngumiti.




"Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kumapit ka sa akin
Hindi kita.. bibitawan~"

Halos matawa kami sa naging background music ng restaurant na to at ngumiti yung cashier samin. Napakabastos. Hahahahaha.






"Tara na nga. Baka mapagkamalan akong baliw dito sa restaurant na to" sabi ni Nadz at nagpunta na para magpa spa.





"Ay wait lang puta" sabi ni Coleen at sinagot yung tawag.



"Hello? pwede bang wag ka nang tumawag? Oo! Busyng busy ako! Eh hindi ko nga alam pangalan mo eh! Yves? Wala akong pake kahit Berto pa pangalan mo! H-Ha? Joke lang ito naman ang hilig mong mang blackmail ina ka. Busy ako. Wag ka nang mangulit dahil kasama ko boyfriend ko" sabi niya at tuluyang in-off yung tawag.





"Sino yun?" Tanong ko.



"Yves daw"


"Oo narinig namin. Bakit tumawag sayo?" Sabi ni Kelly.


"Yung kwento, mamaya na habang nagpapaspa." Sabi niya at binuksan yung pinto ng spa.





"Facial nalang muna tayo. Tumatanda na si Nadz oh" sabi ko kaya natawa sya. Wow, natawa sya.



"Ano na Cols, kwento mo na"



"Naalala mo Kelly at Nadz nung araw na hinahanap ko si Kai?" Sabi ni Coleen kaya tumango sila. Ako kasi nasa bahay lang kasama si Troy nung araw na yun.




"May nagtext sakin na hindi ko alam yung number. Nagbigay sya ng address kaya pumunta ako dun at isang bahay yun na mukhang walang tao kaya pumasok ako kasi.. sorry Nadz ha kasi akala ko niloloko na ako ng kuya mo sa loob ng bahay na yun if you know what i mean.. tapos may tumakip sa bibig ko at pinaupo ako. Nagulat ako nang may lumabas na may hawak na baril at hinahanap yung pumasok tapos nung lumabas na kami,sinabi niya na hide out daw yun ng mga mamamatay tao kaya kinuha nya yung number ko at pag di ko binigay, isusumbong nya ko sa mga yu at pagdi ako nagreply, isusumbong din ako"






"Hala grabe Coleen. Sinabi mo ba pangalan mo? Mas maganda siguro kung magpalit ka na ng number. Itapon mo yun" sabi ni Kelly at tumango ako.





"Hindi ko pa naman sinasabi kaya lang hindi ganun kadaling magpalit ng number kasi mahahalaga yung mga nasa contacts ko. Ay wait, tumatawag si Kai" sabi niya at sinagot yung tawag kaya nakatingin lang kami sa kanya habang may mask sa mukha.






"Sweetheart? Oo magkakasama kami. Ah ganon? Okay. " sabi niya at binaba.


"Hindi ka manlang galit sa kanya?" Tanong ni Nadz.


"Aalamin ko muna yung past nya. Magagalit lang ako pagnalaman kong pinili nya yung Claire na yun. Oo nga pala, patay na daw yung nangidnap satin. Nakalimutan ko pangalan"




"Ano ka,lola? Kakasabi lang di mo ma agad alam?"


"Wala eh. Basta patay na daw. Nagsuicide sa kulungan"



Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now