67

1.9K 62 0
                                    

Coleen

"Nadz! Nadz!"

"Oh bakit Cols?"

"San kuya mo?" Tanong ko sa kanya sa baba at sya nakasilip sa taas. Tinatamad na akong umakyat ng kwarto nya eh.

"Wala pa dito. Kasama si Third!" Sabi niya din

"Bakit?"

"Hanggang ngayon hindi ako tinitext Nadz!"

"Ehhh! Araw nang magbabarkada yun! Yaan mo na" sabi niya lang kaya napakamot ako ng ulo at lumabas. Ako nalang ang maghahanap sa kanila!



Tinry ko ulit tumawag sa kanila at goodthing sinagot ni Third.

"Hoy Third! Nasaan si Kai? Kanina pa di sumasagot!" Sabi ko sa kanya pero tahimik lang sya sa kabilang linya.

"Third!"


"Wala si Third at Kai dito, nagbanyo saglit" nanlaki ang mata ko nang babae ang magsalita. Pakshet sino to?! Sino yung kasama nila Kai?!

"Teka sino ka?! Nasaan kayo? Bakit kilala mo sila Third? Sino sino kayo aba girlfriend to ni Kai!"

"Coleen ano ba ang inㅡ" tumalikod ako at sinenyasan ko si Nadz na tumahimik.

"Gail ang pangalan ko. Wala akong pake kung girlfriend ka nya. Hoy Claire girlfriend daw ni Kai oh."


"Gail? Claire? Nasaan kayo? Aba nanlalandi pa kayo? For your information, may mga girlfriend na yan kaya tigilan nyo ang pangaahas nyo"



"Coleen wag! Itigil mo na yan!" Sabi ni Nadz na kinukuha yung cellphone ko at pinatay.

"Ano ba Nadz!"

"Ano din ba Coleen! Bakit mo sila sinabihan ng ganun?!"


"Nadz kasama nila yung boyfriend mo at kuya mo!"

"Oh ano naman? Sa sinabi mo maaapektuhan kami ni Third! Magsusumbong yan kay lolo!"

"Ay ganun? Bakit? Hindi ka ba kayang ipaglaban ni Third? Natatakot ka na masisira kayo ni Third kahit nasasaktan kana? Kailan mo pa nalaman na lagi silang magkasama?"


"Cols, magbestfriend lang sila. Inexplain na sakin yun. Naintindihan naman ni Gail yun at tinanggap nya na ako na yung girlfriend ni Third"




"Nadz mali! Tahimik kang nasasaktan sa ginagawa mo eh. Hindi mo dapat ginagawang malaya yung boyfriend mo lalo na kung alam mong may aahas at ano? Bestfriend? Tangina aahasin nya yung boyfriend mo!"



"...sige na. Ikaw na bahala jan. Hanapin mo si kuya kung gusto mo pero wag mo nalang akong pagsabihan. Mas okay na kasing maayos lang kami at nagkakaintindihan kesa nagseselos ako at magaaway kami"





"Nadz iniintindi mo sya pero hindi ka nya naiintindihan."


Umalis na ako at sumakay sa sasakyan ko saka naghanap. Buti nalang nakita ko si Kelly na nakamotor kasama si Kiefer kaya hininto ko sila.



"Coleen? Saan punta mo?"

"Hahanapin ko si Kai at Third. Nakipagdouble date sa iba" sabi ko.


"Ay masaya yan. Sali kami" sabi ni Kiefer kaya tumango ako at humiwalay na sila ng way sakin.


"Argh! Sa susunod nga lalagyan ko na ng tracker si Kai. Bwisit"

Hindi ako naghihigpit. Ginagawa ko lang yung tungkulin ko bilang girlfriend. Okay lang sana kung sila nga lang dalawa eh kaso may babae at yung Claire pa.



Tiningnan ko lahat ng pwede nilang pagtambayan ng mga yun nang makatanggap ako ng text sa unknown number at nagbigay ng address kaya tinext ko din kay Kie.





Pumunta ako dun nang makita kong abandonado yung bahay. Teka.. nandito sila?




"Kai? Third?" Tawag ko sa kanila pero walang sumasagot kaya binuksan ko yung bahay. Baka naman... baka naman gumagawa ng milagro yun!!





"Kai! Third!"



Nagulat ako nang may humila sakin at tinakpan yung bibig ko. At inupo sa pinakadulo.



"Hmmmmp!"



"Shhh" senyas nya kaya yung gilid ng mata ko ay napunta sa isang lalaki na may baril at nagiikot kung may tao kaya natakot ako.




Pagalis nung lalaki at pagkarinig ng mga yapak nya paakyat, hinila ako nung lalaki palabas ng bahay.




"Alam mo bang delikado dun! Pasok ka nang pasok!" Sigaw nya kaya napaatras ako.



"Eh bakit ka ba kasi nangengelam! Tapos maninigaw ka jan!"



"Pasalamat ka nga at niligtas pa kita! Kung hindi baka narape kana, napatay ka pa!" Sabi niya kaya nagilabot ako bigla.



"Buti at nakita kita jang parang buang na salita ng salita"



"Oh edi thank you!" Sigaw ko sa kaniya pabalik.


"Anong thank you? May kapalit yan. Akin na number mo"


"Ano ka, chiks? Salamat nalang" sabi niya at ready na akong umalis pero pinigilan nya ako.



"MANONG!!! ITONG BABAENG TO YUNG PUMAㅡ"



"Oo na oo na! Ito na number ko!"



"Wait imimissed call ko kung tama" sabi niya kaya tinawagan nya yun at nagring naman.


"Oh tama pala eh."



"Wag kang magtetext. Hindi ako nagloload at isa pa, may boyfriend ako kaya wag kang eepal."



"Paghindi ka magrereply, ibibigay ko sa mga manong yang number mo para mahuli ka nila. Atsaka, hindi ko naman kailangan sirain kayo eh. Makikipagkaibigan lang ako"

Gone (Campus Queens 2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt