21

2.1K 73 2
                                    

Third

"Bilin nyo na tong isa! Para sa girlfriend nyo!!" Natatawa akong pinagmamasdan sya sa malayo. Pareho pa kaming nakashades. Soulmate talaga kami.


"Sabi ko na ngang ako na bibili Nadz!" Sabi ni Renji na nasa tabi niya pero hindi nagpapatinag si Nadz.


"Gagastos ka pa? Wag na!"


"Okay lang! Edi sayo ko nalang ibibigay!"


"Ha? Sige sige!" Kahit kelan talaga.. basta pagkain okay lang sa kanya. Ibang klase talaga.


Pero hindi ako papayag na maging sweet sila sa isa't isa.


"Pre, hindi mo marerealize hangga't di ka lumalayo. Wag mo muna syang lapitan. Dun mo marerealize kung napipilitan ka lang ba talaga o mahal mo talaga sya"


Napilitan akong huminto dahil sa naalala kong sinabi ni Kie. Tama naman sya.


"Thank you Renji!"

"Ikaw pa ba? Pampawala yan ng depression"

"Pinagpapawisan ka?" Sabi ni Nadz saka pinagmasdan si Renji. Unti unting may kumirot sa puso ko.


"Torturing yourself huh?"

"Oh, Anj"

"Pwede mo kong sisihin"


"Bakit kita sisisihin? Kasalanan ko to."

"Ang tanong, kaya mo ba syang makita na sila na nung lalaking yan? Kaya mo ba syang ipaubaya sa iba?"

"Hindi.. tangina hindi ko kaya"



"Yun! Wag mong hayaang maagaw sya. Kahit na wala na kayo, kahit na iniiwasan mo sya, gumawa ka ng paraan. Hindi yung para kang timang jan. Kausapin mo si Renji. Para mas malinaw"


"Salamat, Angeli"

Binalik ko ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nakaakay sa kanya si Renji na parang hinang hina.


"Hindi mo sinabing nilalagnat ka! Agh! Sisisihin mo pa ako eh!" Sigaw nya. Ang ingay nya talaga kahit kelan.



Kinuha ko yung chocolate na naiwan sa stall nila. At hinawakan lang yun. Dahan dahan ko din silang sinundan sa clinic at habang kinakausap si Nadz ng nurse, humiga ako sa isang kama at sinara ang kurtina para walang makakita.



"Ayan na Renji. Ikaw kasi eh. Nakakainis ka"

"W-Wala lang naman to"

"Ang taas na ng lagnat mo tapos wala lang naman to?! Don't tell me dahil to sa pagod kagagawa ng chocolates?"


"Hindi. Puyat lang siguro ako"



Hindi na ako nakarinig ng kung ano sa kanila. Nangigigil ako. Gusto kong magwala. Gusto ko syang sapakin. Gusto kong pumatay. Gusto kong mamatay.



"Teka ha.." sabi ni Nadz sa kabila.


"Anio, Kajima..." ano daw?!?! Ano bang sinasabi nito?!



"Ang init ng kamay mo, Renji. Nakakapaso. Matulog ka lang jan. Di naman ako aalis eh. Dito lang ako sa kabila" nataranta ako sa narinig ko kaya tinanggal ko yung shades ko at nagkunwariang tulog.




Ano yun? Hinawakan nya ba yung kamay ng Nadz ko?! Hinawakan nya?! Aaah!!! Nababaliw na ko!

"Third?"


"Third ikaw ba yan? Anong ginagawa mo dito?" Sabi niya at pilit na pinaharap sa kanya.


"May sakit ako. Bakit?"


"Bakit di mo sinabi? Naistorbo pa kita" sabi niya at sinara yung kurtina. Hayup! Wala manlang pag sabi ng "aalagaan nalang kita" wala manlang ganun?! Bwisit! Pag sa Renji na yan alalang alala sya ha.

Tanga ko. Hindi na nga pala kami. Ang tanga ko talaga. Umasa pa ako. Yung maalaga at mapag arugang si Nadz, hiniwalayan ko.


"Oy Third. Oh gamot. Alam kong hindi ka pa umiinom kasi pangit lasa haha!" Sabi niya.


Parang natuwa bigla yung puso ko. Gusto kong ngumiti na ewan.


"Salamat. Sige makakaalis kana" wag, Nadz. Dito ka lang.

"Talaga namang aalis ako eh haha! Si Renji naman binabantayan ko eh. Hindi ikaw"


"Psh" hindi ko na sya narinig at siguro nagpunta na sya sa Renji na yun. Siguro naman hindi nya mahal yun diba? Siguro naman hindi sila nun? Sana hindi. Hindi pa ako huli.



Tumayo ako saglit para sumilip sa kanila. Nakatalikod sya sakin at nakaupo tapos yun ulo nya nakasandal sa gilid ni Renji. Samantalang si Renji nakatingin lang kay Nadz.


Hanggang anong oras ko sila papanuorin? Hanggang ikamatay ko ba?

"Renji.. wag" sabi ko habang nakatingin sya sakin. Ngumiti lang sya sakin at hindi ko alam anong ibig sabihin ng ngiting yun.


"Wag kang mag-alala, babantayan ko sya habang wala ka. Ako na bahala" sabi niya kaya umalis na ako dun. Bigla nalang may tumulo sa mata ko. Ngayon lang nangyari sakin to. Dahil kay Angeli, hindi ako umiyak.

Sa kanya lang talaga.

"Namimiss mo ba yung kaingayan nya?"


"Oo pre. Tangina"

"Ayan, magdusa ka muna. Mawawala din yan. Isang oras nalang pwede na tayong umuwi. Bibisita pa tayo kay Troy" sabi ni Kai kaya tumango ako.


Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now