84

2.5K 74 3
                                    

[Play the multimedia. -themesong ni Third and Nadz]

Nadz

"Wow! So gorgeous!" Sabi ko kay Yhellie pagpasok nya sa gate namin kasama si Renji. Sinamahan ko sila papunta sa may pool area kung saan nandoon sila Kelly.

Oo nga pala, nagset ng event si daddy para saming magkakaibigan. Party like graduation party pero kami kami lang para mas masaya.


"Nandyan na si Third oh. Tangina pogi!" Sabi ni Kiefer kaya nagtawanan kami.

"Hoy explain nyo nga yung nangyari kahapon! May pa holding hands holding hands pa kayo na parang walang nangyari!" Sabi ni Angeli kaya nakatingin sakin si kuya. Err naman eh.



"Matagal na kaming nagkabalikan. Bago pa magbakasyon nung 2nd year" tuloy tuloy na sabi ni Third kaya gulat na gulat silang lahat.


"What?"
"Weh?"
"How?"
"Loko moko"
"Leche"
"Di nga?"

"Oo totoo yun. Pinaliwanag nya sakin yung nangyari kaya naging sikreto ang relasyon namin simula noon. Hanggang text lang kami"


"Kaya naman pala lagi kang tutok sa cellphone mo! At humihindi ka pag aalis tayo!" Sabi ni Yhellie na hahampasin pa sana ako.

"Adik ka."

"Tara pre, inom tayo" sabi ni kuya at pinapunta si Third sa isang table kaya nagtinginan kaming mga babae. Naghiwalay yung mga lalaki samin dahil uminom sila.



"Kayo Coleen, kayo na ulit?"

"Yeah. Nakakabigla na nakakatuwa. Hindi ko maimagine eh. Sobrang saya ko nalang bigla"

"Hays. Ang dami pa nating arte. Mauuwi din pala sa balikan" -Kelly

"Kailangan nyo lang talaga ng time sa isa't isa." -Yhellie

"Oy sila Kaya ba yung papasok?" Sabi ni Coleen kaya napatingin kami at tinawag namin sila. Si Kaya ay napunta samin at si Hans ang sumama sa mga lalaki. Syempre.



"Oh, issue nyo kahapon ah" sabi niya at inabutan ni Angeli ng pagkain.

"Wala eh."  Sabi ko at napatingin kay Third na nakatingin din sakin. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti. Kakainis.


"Welcome to the new world with the queens" sabi ni Kelly at nagtaas ng kamay na may wine.

"Cheers!" Sabi namin kasama si Yhellie at Kaya

"Hindi na pala tayo walo. Dose na tayo!" Sabi ni Anj kaya nagtawanan kami. Totoo naman. Dose na talaga kami.



"Saan mo balak magtrabaho Nadz?"

"Ofcourse sa company namin! Maghahanap pa ba ako ng iba? Ikaw?" Sabi ko.

"Magaapply ako sa inyo Nadz eh!" Sabi niya.

"Hahahaha aba kung ikaw lang din ipepwesto kita sa ibang bansa bilang manager!" Sabi ko.

"Ako sa company nalang din namin. Sorry Nadz ha, pero balak namin ni Kai sa isang company nyo na pagsamahin sa company namin. Ayos yun diba?"

"Oo naman! Pagiisahin din namin ni Third yung isang ibibigay samin eh. Alam mo na, gusto ni Daddy at Mommy na madaming nakakonekta sa company"


"Ikaw Kels?"

"Hoy Coleen anong company?! Sabi mo magaapply tayo sa airline?"

"Wag na! Mag tour nalang tayong anim habang nasa isang company para chillax!"

"Aba ewan ko sa inyo!tatambay nalang ako samin" sabi niya.

"Ako? Ako lang din magmamana sa company nila mommy at daddy. Pagahahatian namin yun ni kuya Yong."

"Oo nga pala"

"Ako sa cruiseline kasama yung seaman kong boyfriend. Hindi nyo talaga kami mapaghihiwalay" sabi ni Kaya.

"Oo. Kayo pa ba? Solid magmahal si Hans ha." -Coleen

"Pero joke ko lang yung kanina Nadz. Kasi magtatrabaho ako sa company nila Troy. Kahit na secretary lang okay na"


"Wow, secretary. Ayaw din mahiwalay kahit na mababa ang posisyon"

"Mababa man ang posisyon, ako naman ang nasa pinakatuktok ng priority nya" sabi niya kaya pinagpapalo namin yung lamesa para magingay.



"Wooooooh"
"Weeeeeeeeeh"
"Shataaaaaahp"
"Lecheee"

Ingay namin kaya nagtinginan samin yung mga lalaki at nginitian nalang namin. Minsan kami seryoso at sila nag iingay pero ngayon, kami ang magiingay.



"Ate Coleen, tawag ka ni daddy sa loob" sabi ni Ern na lumabas para tawagin si Coleen.

"Wait sige sama na tayo"

"Kayo din daw ate Nadz. Sama daw kayo, nandun sila sa Garden"

Tumango ako at pumasok na kami sa loob pero nagulat ako ng lagyan ng panyo yung mata ko.

"Hoy sino ka?!" Sabi ko pero nagingay na din sila Kelly.

"Alisin nyo to!" Biglang tinali yung mga kamay ko sa at nilagay sa likod. Oh my god anong nangyayari?

Wala na akong naririnig sa kanila. Hala, nasaan na sila?

Tinulak ako nang naghahawak sakin at pinaupo sa upuan. Wala akong ibang makita pero nagiba nang tanggalin yung tali sa mata ko. Nakapabilog nanaman kaming lahat at magkakatalikod kaming anim.



"Anong nangyayari Nadz?" Tanong ni Yhellie na natatakot na.


"A hundred and five is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to do

And you know one of these days when I get my money right
Buy you everything and show you all the finer things in life
We'll forever be in love, so there ain't no need to rush
But one day I won't be able to ask you loud enough

I'll say, "Will you marry me?"
I swear that I will mean it
I'll say, "Will you marry me?"

halos maiyak iyak ako nang lumabas si Third at sila Kuya, Kiefer, Troy, Hans at Renji na kumakanta. Lumuhod sila sabay sabay sa harap namin na may dala dalang singsing at tinanong,



"Will you marry me?"

Para kaming nagrehearse. Sabay sabay kaming tumango at nag-oo. Tinanggal nila yung tali saka ko niyakap si Third.



"I love you Mahal."

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now