14

2.3K 78 2
                                    

Nadz

"NAAAADZ!" halos mapatalon ako sa gulat sa sigaw nitong si Kiefer na nasa harap ko pa.

"Magkano tong chocolate? Wag kang maingay bibigay ko kay Kelly" sabi niya kaya ngumiti akong pabiro sa kanya.

"250 Kie isang box."

"Psh. Wala bang tawad?"

"260 pwede na" sabi ni Renji kaya natawa ako.

"Oh eto 250. Baka mamaya 270 na eh. Sulatan mo naman"

Ayun, kumuha ako ng ballpen at sinulat ko sa card na,

/i love you so much Kelly Yeun from poging Kiefer/

Tapos nagokay sign sya sakin at umalis na. Busy pala kaming lahat dahil sa foundation day na to.

"Upo ka muna, Nadz. Ako nalang mag-aalok. nan dangsini pigon haji anheu"

"Ha?"

"Sabi ko, baka nangangawit ka na jan. Kaya umupo kana" sabi niya kaya umupo din ako at nagalok alok na sya sa mga magjowa na dumadaan samin.

Pagnakikita ko talaga tong si Renji, naaalala ko yung away namin ni Third. Pero hindi ko na iisipin pa yun. Ang mahalaga okay na kami. Nafeel ko na din yung pagseselos nya dahil sinabi niya na sakin yun.

"Renji punta muna ako sa mga kaibigan ko ha?"

"Okeh, take your time" sabi niya ng nakangiti kaya nginitian ko din sya at umalis na saka pumunta sa photobooth nila Coleen.

"Magkano isang film?" Sabi ko.

"150 lang Nadz" -Kelly

"Hmm... sige picturan nyo ko" sabi ko unang pose palang, sumali na sila kaya wala akong nakuhang solo pic. Kaloka to, naka apat na film ako pero puro kami tatlo.

"Saan si Anj?"

"Nan....dun! Sa may hula hula chuchu. Nagpahula ata pero yung pwesto nya katabi lang kala Kai. Yung may mga lobo"

"Sige sige" pumunta ako dun sa may hula hula daw para sunduin si Angeli pero wrong move dahil wala pala sya dun at nahila ako papasok.

"Ohh... ikaw si Nadine Cabs?" Sabi ng misteryosong mukha nito. Mukha naman syang hmm.... probinsyano? Kaya bagay sa kanya.


"Opo"


"Sa picture na hawak mo, isa sa inyo ang mawawala" bigla kong tiningnan yung picture at kinabahan ako.

"Psh. Bakit nga ba ako maniniwala sayo?"

"Alam mo naman ang kasabihan na... bawal ang tatlo sa picture kundi.. sa gitna ay mamamatay"


"Ha? Iba iba kaming nasa picture eh."



"Kaya nga.. isa sa inyo"

"Pamahiin lang yan eh. Kaloka ka naman po kuya"

Hindi ko na sya pinatapos at lumabas na pero kinakabahan pa din ako. Pakshet, asan na ba kasi si Angeli?

"Nadz!"


"Oh, Yhellie! Saan na yung partner mo?"



"Andun, nagbebenta pa din ng accessories. Yung sayo?"


"Andun din, nagbebenta ng chocolates. Haha!"



"Tara, samahan mo ko dun sa may marriage booth." Sabi niya.


"Bakit? Magpapakasal ka?"


"Hindi. Ipapakasal kita" lumayo ako sa kanya at tiningnan sya nang nakakunot ang noo.



"Kanino?"


"E diba sabi mo hindi mo nakikitang nagseselos boyfriend mo? Kaya paselosin natin! Kay Renji!" Lumayo na ako ng tuluyan sa kanya at kumalas sa kapit nya.



"Baliw! Nag-away na kami nung isang araw dahil kay Renji! Kung alam mo lang!"



"Ay ganon?!?!? Hindi na kasi tayo nakakapagkwentuhan eh. Kwento mo naman!"



"Ayun, habang gumagawa ng chocolates... pinatikman ko kay Renji yung chocolate..."



"Sinubuan mo sya?"


"...oo, wag ka munang sumingit. Eh hindi ko naman alam na masama na ang tingin samin ni Third. Tapos bigla syang "ang sweet nyo naman, parang wala ako dito" tapos bigla syang umalis kaya sinundan ko sya. Sinabi ko, "nagseselos ka ba?!" Sabi niya naman "hindi ba halata?!" Sabi ko "wow! Nagseselos ka pala?! Akala ko wala kang pake sakin!" Ayun, nagwalk out tapos nabadtrip na ako nun. Tapos nung naglabas ako ng sama ng loob sa mga kaibigan ko, dumating sya na may flowers at nagsorry sakin"



"Waaaah! Ang sweet!!!! Waaaaahhhh!!! Gusto ko kayong makita ng boyfriend mong makasal!!!" Sabi niya habang pinapalo pa ako at hinila sa marriage booth.


Kaso pagdating namin, iba yung naabutan ko. Si Anj at Third na kinakasal. Shit.



Sinenyasan ako ni Troy na uminahon at lumapit sakin. Partida si kuya pa na may stiffneck collar ang nagpari-parian sa kanila.



"Chilaks ka lang okay? Hindi namin kilala kung sino ang nagsulat ng pangalan nila dito. Kahit si Coleen nga, nakasulat dito pero sa kay Kie. At sinulat din yung pangalan ko kay Kelly"

"Eh ako? Kay kuya?!"


"Buang. Hindi pwede dahil pari sya. Sinulat ka...
.
.
.
.
.
.
Doon kay Renji"


"HA?!?!?!?!?!?!"


"Okay, uulitin ko, hindi namin kilala yan. Yang papel, inikot ng kaklase namin sa mga tao dito. Kaya hindi namin kilala kung sino yang nagsulat"


"Bakit hindi kayo tumutol?!"


"Rules is rules Nadz. Magagalit yung mga kaklase namin"


"Yhellie..." hindi naman pwedeng si Renji ang nagsulat nyan. Kasama ko sya kanina pa.



"Hindi ko alam yan Nadz. Promise hindi pa ako nakakasulat jan sa papel. Kakaalis ko lang sa stall namin" hindi na ako nagreact sa sinabi niya. Ang gusto ko lang gawin, eh umiyak dahil sa sila ang kinakasal. Sila ang may past. Siya ang... gusto ni Third dati.

------------

[A/N: nan dangsini pigon haji anheu - i don't want you to get tired]

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now