42

2K 63 0
                                    

Coleen

"Nasaan nanaman si Kelly? Aba, araw araw na syang ganito ah. Kai ikaw na nga lang sumundo sa kanya sa bar!" Sabi ni Third.

Okay, let me explain. This past few days, Kelly is always going to that Ms bar. I don't know why. Ayaw nya kaming isama. Bigla bigla nalang syang mawawala at ipapasundo sa mga lalaki ng lasing.


"Tsk tsk. Sweetheart sasama ka ba?" Tanong ni Kai sakin at tumango ako. Isang linggo na ang nakakalipas. Nagbago na si Kelly. Party here, party there


Tahimik kaming nagpunta sa bar at hinanap na agad yung nagpaikli ng buhok na si Kelly at di nga ako nagkakamali, sya yung sumasayaw nang may kasamang lalaki. May hawak pa syang beer eh lasing na lasing na sya.


"Kelly halika na" yaya ko sa kanya pero nagpumiglas sya.


"Ano ba! Nagsasaya yung tao ehhh!" Napairap nalang ako sa hangin sa sinabi niya. Wtf, nagsasaya? Mukha ba syang masaya sa ginagawa nya?

"Pre ano ba. Bastos ka naman kung kukunin mo sya eh sumasayaw kami."


"Kelly halika na"

"Pre ayaw nga sumama sa inyo oh! Sino ba kayo?!" Unti unting nagiba yung expression ng mukha ni Kai. Alam kong badtrip na sya.

"Ikaw gago ka sino ka ba?! Nakilala ka lang naman nya dito ah! Hindi niyo nga kilala ang isa't isa! Kaya wag kang mangengelam ha"

Nagulat ako nang biglang suntukin nung lalaki si Kai. At ganun din ang ginawa ni Kai.

"Ano ba! Tumigil- tumigil kayo!!! Ano ba itigil nyo yan!" Hindi ko alam kung titigil nga ba sila. Ni hindi ko nga alam kung naririnig nila ako.

Dumating yung ibang tao at inawat sila. Sa inis ni Kai, binuhat nya na parang sako si Kelly at dinala sa kotse.

"Paguwi natin gamutin natin yang sugat mo"

Tiningnan ko si Kelly sa likod at pinuntahan para punasan. Mukha nanaman syang kawawa lalo na pag natutulog sya. Para syang bata na nakita lang sa kalsada.

"Kelly, hindi mo na ata alam yung ginagawa mo."

"Bhie.. dito ka lang. Wag mo kong iwan bhie. Kailangan kita dito"

Unti unting may tumulong luha sa mata nya kaya hindi ko mapigilang maiyak din. Kelly you don't deserve this.

"Shh.. nandito lang kami"

Hindi ko alam kung bakit nangyari samin to. Nangyari samin na  para bang may malaki kaming kasalanan. Kasalanan sa tao na hindi kayang bayaran ng pera. Kailangan pang bayaran ng buhay.

××

"Coleen what the hell is your problem? Anong oras na papapuntahin mo kami na sasabihin mong may emergency tapos wala naman palang nangyari?! Look Coleen, im doing my projects!"

Nakatingin lang ako kay Nadz na pinagpatuloy yung paggagamot sa sugat ng kuya nya. Halos lahat kami nandito na.

"Look, may sasabihin lang akong importante. I know we're all busy Angeli. Pero hindi ito 'lokohan' na iniisip mo."

Nanatili pa ding nakaupo si Kelly sa upuan katabi ko.

"Bilang pinakamatanda sa ating girls, i just want you to be matured! Lahat tayo! Please alam kong hindi lang ako nakakapansin ng mga ugali nyo ngayon. Like you, Angeli. Kung busy ka, o kung ayaw mo kaming makasama, feel free to tell us! Hindi yung iiwas ka, iirap ka, maiirita ka tuwing magkakasama tayo. Maiintindihan naman namin. And you, Nadz. Stop being childish. You're 19 years old woman. Napapansin ko din na iba ang kasama mo at hindi si Third. Yeah, i know kaibigan mo si Renji but alam mo naman na nag-hiwalay kayo ni Third dahil din sa Renji na yun. Do you understand me? If you love Third, you'll respect him. Wag mong isipin na hindi naman magseselos si Third. Ilang beses na kitang sinabihan but you are'nt listening. Set your limitation with Renji. No touching kasi alam kong nakamasid lang si Third sayo. And you, Kelly. Hindi mo na ba mababalik yang buhay mo? I know dahil to sa pagkawala ni Kiefer but nandito pa kami. Wag mong sirain buhay mo!"

Tahimik sila pagtapos ko silang pagsabihan. Masakit? Oo masakit. Lahat kami hindi na nagkakaayos. Wala na kami sa saktong edad ng paguugali namin. I'm the oldest sa girls kaya ngayon siguro yung oras para magpaka ate ako sa kanila.

"Tandaan nyo, nagpapakaate lang ako sa inyo. We're old enough to act like a child so please, grow up!"

"Yeah, Coleen? Is that all?" Sabi ni Angeli.

Gone (Campus Queens 2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin