79

2K 63 1
                                    

Nadz


"Ang tagal mo Nadz. Mukhang di na tayo makakaalis" sabi ni Yhellie na nagkakamot na dahil ang tagal ko sa cr.


"Eh natatae nga ako eh! Kayo nalang kasi!" Sigaw ko sa kanya sa labas. Actually hindi ako tumatae. Tumatambay lang ako para makapagtext. Pano naman kasi, lagi nilang napapansin pagtetext ko.





"Sigurado kang hindi ka sasama?"


"Oo! Date nyo yan eh dali na"



"Okay. Babye Nadz ingat ka sa paguwi mo!" Hindi na ako sumagot sa kanila a maya maya ay lumabas na din ako. Sakto paglabas ko, nakita ko si Third at Gail.






Nahuli ko pang nakatingin silang dalawa sakin pero di ko nalang pinansin at naglakad saka humarap sa cellphone. Hindi na sya nagreply. Bwisit.





Nagikot nalang ako sa campus at naabutan pa si Kelly at Kiefer na magkasama. Edi sila na. Sila na talaga.



"Oy Nadz may ipapakita kami sayo" sabi ni Kelly na tumayo at si Kiefer na inakbayan pa ako saka may pinakita na picture galing sa facebook.



"Teka, si Kuya at Coleen ba yan?" Tanong ko kaya tumingin sila sakin at tumango.

"Hala Kelly how? Explain it to me!"


"Easy peasy. Sa susunod kayo naman ni Third" sabi ni Kiefer kaya humiwalay ako sa kanila.


"Gutom lang yan. Uwi na kayo."


"Ikaw bakit nagiikot ka pa? Kanina pa uwian nyo ha?"


"Sikret. Sige una na ako. Mamamasyal pa ako" sabi ko sa kanila at tumango naman sila. Nagpunta ako sa likod ng engineering building at di nga ako nagkakamali. Nandun na agad sya.





"Tagal mo" reklamo nya na nakacrossed arms. Di pa din talaga nawawala yung kagwapuhan nya. Lumabo man yung mata nya o hindi, sya ay sya pa din.






"Hindi ka mga nagreply jan eh"


"Sorry na."



"Oh, pano ka nakatakas?" Tanong ko sa kanya na ako naman ang nagcrossed arms.


"Sinamahan nya pinsan ko sa office. Sya nalang magisa dun eh"

"Ahh"


"Nagtatampo ka ba? Alam mo namangㅡ"

"Oo na hindi ako nagtatampo ano ka ba. Masaya lang ako."


"Ako din"




"Ingat ingatan nyo naman mga sarili nyo. Sana magbago na kayo Kai at Nadine. Wag nyo nang ipahamak mga sarili ninyo dahil malalaki na kayo"




"opo, dad" umalis si daddy at mommy para matulog na. Kalalabas lang ni kuya sa hospital.



"Ikaw Nadz, ayoko nang makipagbalikan ka pa kay Third ha. Lahat na pwede mong maging boyfriend wag lang si Third. Ilang beses ka na nyang pinaiyak. Oo kaibigan ko sya pero wag na wag na kayong magbalikan. Iba nalang Nadz. Dun ka sa di ka papaiyakin"



Tumango ako sa sinabi ni kuya at umakyat na sa kwarto. Talagang hindi na. Tama na yun. Last na yun.




Naglalakad ako sa hallway. Masyado pala akong napaaga. Sayang wala na yung laging early bird na si Yhellie dahil nasa states na.




Nagulat ako nang may humablot sakin at binangga ako sa pader.

"Aray tengene" sabi ko dahil sa sakit ng pagkakabangga ko sa pader. Masakit likod ko!




"Sorry, sorry" napatingin ako sa humablot sakin at biglang nagsorry kaya napangiwi ako.



"Sorry saan? Sorry dahil sa pagkakahila mo at nasaktan ako o sorry dahil mas pinili mo sya kesa sakin?"




"Makinig ka Nadz, mahal kita. Mahal na mahal kita at ikaw lang. Hintayin mo lang ako. Babalik ako sayo. Babalik tayo sa dati. Bigyan mo lang ako ng panahon"





"Hihintayin naman talaga kita kahit di mo sabihin."


"Talaga?"



"Oo."



"Kaso... kami pa ni Gail" nasampal ko sya ng wala sa oras dahil sa sinab niya. Aba siraulo pala talaga sya.



"Ako ba pinaglololoko mo? Tama nga sinabi ni kuya. Wag na akong bumalik sayo. Ano ako, reserba? Na pag nagbreak kayo meron ka kagad? Lul Third. Di ka pa ba naaawa?"






"Hindi mo ko naiintindihan Nadz. Si Lolo at Gail, nagusap tungkol sayo. Paghindi tayo naghiwalay, sisirain nila ang kumpanya ng mga magulang mo. Iniisip lang kita Nadz!"



"H-ha? Seryoso ka?"



"Oo. Dahil sa kagustuhan yun ni lolo kaya naging kami ni Gail. Nadz, madaming may ayaw satin pero tayo gusto nating magsama. Pwede nating isekreto to!"





Pumayag ako sa desisyon nya. Simula nun, lagi kaming nagkikita pero patago. Madalas sa text, call tuwing gabi na walang nakakaalam. Mas masaya nga. Mas naging matatag kami. Walang nanggugulo, tahimik lang pero nagmamahalan.





"Tulala lang?"


"Iniisip ko lang kung hanggang saan tong pagtatago natin. Lalo na't hindi pa umuuwi sa canada yang lolo mo at ang pamilya mo hanggang ngayon"




"Gusto mo na ba Nadz? Ipaglalaban kita kung gusto mo na. Kung ayaw nila, edi lalayas ako. Mas gusto kitang makasama sa kanila kasi mahal kita"




"Mahal din kita Third pero tama ka, wag muna. May panahon ang lahat. Ipapaalam natin pag handa na tayong dalawa at yung nasa paligid natin. Ay alam mo ba, hahanapan dapat ako ng boyfriend nila Yhellie ngayon" sabi ko na natatawa pa.





"Oh pano ka nakatakas? Buti at hindi ka sumama"




"Syempre naman. Ikaw lang ang gusto kong boyfriend eh. I love you so much Third. Kahit ganito pala tayo, masasabi kong mahal mo nga talaga ako"





"Happy 2nd anniversary ng secret relationship natin mahal"



"Mahal... mahal hahaha! 4 years na tayo no. Hindi naman tayo nagbreak eh. Happy anniversary din, mahal"






Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now