33

2K 73 0
                                    

Troy

"Bakit ba alalang alala ka kay Kelly ha?! Anong meron?!"

"Kaibigan natin sya Angeli! Wag mong bigyan ng lintik na malisya yun!" Napahawak nalang ako ng mahigpit sa manibela para pigilan yung inis ko.


Hindi na sya sumagot sakin at nakatingin lang sya sa bintana at nakahalukipkip.

Pagdating namin sa bahay nya, nagpaalam na sya sakin.


"Sorry, Angeli. Hindi ko lang talaga napigilan" sabi ko sa kanya.


"Okay lang. Naiintindihan kita. Umuwi kana, magpahinga kana" sabi niya. Humalik ako sa noo nya at pumasok na ulit sa kotse. Umuwi muna ako sa bahay namin para kumain at nagpaalam ulit.


"Ate, punta muna ako kila Kelly."tumango lang si ate sa sinabi ko at lumabas na. Kailangang malaman ni Kelly ang totoo.


Hindi ko matanggap na magagawang sabihin yun ni tito sa harap ni Kelly kahit sila naman ang may kasalanan. Hindi deserve ni Kelly ang mapagbintangan.



Alam kong nakikita ako ni Kiefer ngayon at kailangan kong bantayan si Kelly dahil ako ang nakakaalam ng sikreto nya.




"Tita? Si Kelly po?"

"Ayun, nasa taas" sabi ni tita. Umakyat lang ako sa kwarto nya at nakita syang nakahiga.


"Kelly?" Humarap sya saking umiiyak sabay tumalikod ulit.

"May kailangan kang malaman.. tungkol sa problema ni Kiefer nung gabing yun" napilitan syang humarap sakin at pinunasan yung luha nya.


"Ikaw ang may alam? Sabihin mo naman sakin, Troy. Gulong gulo nako."

"Nung araw na yun, na-arrange marriage si Kiefer sa hindi nya kilalang babae."

Nanlaki yung mata nya sa narinig at hindi makapaniwala.

"Pinilit sya ni tito at dahil ayaw nya, lumayas sya sa bahay nila at nakipagkita sakin sa bar. Sinabi niya yung nangyari. Galit na galit sya kaya hanggang pagsundo nya sayo, galit pa din sya. Hindi sayo, kundi sa magulang nya"




"T-troy..."

"Pasensya na, ngayon ko lang sinabi. Pinangako ko kasi sa kanya na sikreto lang yun at sya na bahalang magexplain sayo."


"Thank you... naiintindihan ko na.. salamat troy, nandito ka para pagaanin ang loob ko. Kahit alam kong wala na sya, nagawa mo pa ring iparamdam sakin yung ginagawa ni Kie. Troy hindi ko na alam"


Pinabayaan ko lang syang ilabas lahat ng gusto nyang ilabas. Hindi nya kailangan ng opinyon ko. Kailangan nya eh yung sarili nyang kakayahan na patahanin sarili niya.



"Miss na miss na miss na miss ko na bhie ko. Namimiss ko na lahat sa kanya. Yung mukha nya.. yung pag-aaway namin.. lahat.. Kiefer..."


tumitig sya sakin ng matagal at bigla ko nalang naramdaman na magkadikit na yung labi namin.




Hindi ko alam kung bakit pinabayaan ko sya kahit mali. Hindi ako si Kiefer. Ako si Troy. Pero bakit parang ako si Kiefer? Bakit.. bakit parang nasa katawan ko si Kiefer?


Pinabayaan ko nalang sya dahil alam kong namimiss nya na si Kiefer. Pero mali to. Si Angeli ang mahal ko. Mali to.


"T-Troy?" Natulak ko ng mahina si Kelly para humiwalay sakin at lumingon ng makita si Angeli na nakahawak sa bibig nya.


"Baby wait.. baby magpapaliwanag ako" tumakbo ako para habulin si Angeli.




"Baby!"


"Ano pang ieexplain mo, Troy? Tell me. Kaya ba wala ka nang time sa kin? Kaya ba mas pinili mong alagaan nalang si Kelly kaysa kausapin ako? Tell me Troy!"

"Hindi ako nawalan ng oras sayo, Angeli. Ikaw ang nawalan ng oras sakin. Ikaw ang nawalan ng oras samin! Hindi mo ko naiintindihan!"


"Then make me understand! Mahal mo si Kelly no? Ha! Hinintay mo lang na mamatay si Kiefer para may oras kana kay Kelly no! Ang galing ko. Ang talino ko talaga! Pero ang galing mo ha, napaniwala mo kong kaibigan lang natin si Angeli kaya ka sobrang concern sa kanya. Mas concern ka pa nga samin eh! Kaibigan hayop!!"



"Fuck troy! Tatayo ka lang jan? Tama ba ako? Fuck you! Damn you! I hate you! Let's end this shit!" Tumakbo na sya papalayo sa akin at napahawak nalang ako sa buhok ko.



"Nakakapagod na din. Mahal kita.. pero sa sobrang talino mo.. pinaniwalaan mo sarili mong hindi.. sa sobrang talino mo, akala mo.. tama ka."

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now