77

2.1K 68 0
                                    

Angeli

Tama nga sabi nila, time flies so fast. Sobrang bilis to the point na nauna na sila samin o di kaya, nauna na kami sa kanila. Kaming apat nalang nila Kelly ang laging magkakasama. Why? I don't know. Hindi na kami nagkakaabutan ng oras nila Nadz, Kai, Third at Coleen. Si Coleen ay halatang umiiwas pero minsan napipilit ni Kelly. Ewan ko nga. Mga wala namang patutunguhan pagiiwasan nilang apat. Nagiiwasan nga ba, o sobrang busy na? Ganito talaga pag graduating student. Thesis here, thesis there. Again and again.



(Sorry guys, time flies so fast kaya yun chapters and happenings mabilis din. Hahaha!)





"Uy ano na? Tapos ka na ba magtake down notes?" Tanong ni Yassi sa harap ko na nakapameywang pa.



"Excuse me, sino ka ba para madaliin ako? This is my notes so don't tell me to hurry. Bago ka lang dito so shut up"



"Wow, big word, shut up. Gusto mong makick out agad agad? Akin na yang notes mo. Akin yan!" Sabi niya sabay hila sa notes ko.




"O edi sayo na!" Sabi ko at binigay sa kanya. Hindi ako talunan. Hindi ako nabubully. Ganyan lang talaga sya na masyadong bossy. Hindi ako nagpapatalo.





"Bitch you fucking kidding me?! Wala ka namang sinulat!"



"Ay! Sorry ha, mabagal ako magsulat eh. Sayo nalang yang yellowpad at ikaw magsulat. Keri ko namang bumili ng bago" sabi ko sabay ngiti. Hindi ko kailangan ng notes sa yellowpad kung meron na ako sa notebook kanina pa.





Lumabas na ako ng room para magpunta ng library ng makasalubong ko si Nadz.



"Huy genius!"

"Hi Genius!" Sabi ko naman sa kanya na kumaway pa. Nakakabilib lang kay Nadz, dahil sa break up nila ni Third ay nag aral sya nang mabuti. Look, candidate din sya ng cumlaude sa business finance and marketing. Sosyal diba? Doble pa ang nakuha nya.





"San punta mo?" Tanong ko.

"Sa... sa.... sa music room!"


"Weh? Sinong kasama mo dun? Sama nalang ako! Wala naman na akong gagawin"



"Ha? Sure!" Sabi niya na parang nagaalangan pa. Pero sabi nga ni Kelly, kahit na ilang taon pang magiwasan, gagawin ang lahat para mabuo ulit.





Pagpasok namin sa music room, nakita ko si Renji at Yhellie na magkahawak ang kamay na nakaupo habang may mga pagkain sa lapag.




"Woah! Dito pala kayo nagfofoodtrip kaya di kayo nagcacanteen!"


"Wag ka maingay Anj!" Sigaw nya kaya tumango nalang ako at kumuha ng fries.





Si Yhellie? Ayun, kababalik lang para magfourthyear dito pa din sa university. Alam nyo bakit bumalik? Dahil kay Renji. Mga buang tong mga to at naging usapan pa sa buong campus.





"Uy Nadz sinong katext mo? Kanina ka pa di ka pa kumakain" sabi ni Renji kaya pinatay muna ni Nadz yung phone nya at kumuha ng pizza.




"Oo nga. Simula bumalik ako puro ka na text. Babe nung pag-alis ko ba puro din text yan? Dati pang music and selfie lang yan" sabi naman ni Yhellie kaya natawa ako sa kanila. Di ko inexpect, really.





"Oo. Siguro mga pagkathird year natin ayun, puro na sya text"




"Grabe Nadz. Share naman jan" sabi ko.



"Wala hindi ako nagtetext no. Puro facebook lang"



"So, hindi na talaga kayo mababalik ni Third? Lalo na't lumipat pala dito yung asongail? Tapos nung isang araw magkaholding hands" -Yhellie




"Ha? Ah, oo. Ay hindi ay ewan! Ginugulo nyo utak ko. Hayaan nyo nalang yang asongail na sinasabi nyo" sabi niya.




"Bakit si Gail lang? Hindi kasama si Third?"



"Naloloka na ako sa inyo. Sana bakasyon nalang ulit" sabi niya kaya nagtawanan kami. Di malaman dito kay Nadz kung ano na.





"Si Coleen nga pala? Si Kai nalang an nakikita ko eh" sabi ni Renji na outdated na samin.




"Laging busy. Alam nyo namang laging kinukuhang model ng campus natin yun diba? Model na ambassador pa. Kaso wala na sila ni Kai matagal na"





"Eh si Kelly? Sa susunod nga sasama kami sa inyo" -Yhellie




"Masaya yan! Para magkaron ng dahilan si Nadz para sumama samin. Si Kelly? Patour tour nalang yung gagang yun. Kinukuha din para maging tourist ng campus para sa mga gustong pumasok."





"Iba iba na pala narating nyo no? Im so proud of you guys" sabi ni Yhellie at nagabot naman si Renji ng softdrinks.





"May klase ka pa ba Anj? Gusto mong sumama samin?"



"Bakit saan punta nyo?"



"Hahanapan namin ng boyfriend si Nadz. Baka tumandang dalaga eh hahahah" sabi ni Renji kaya hinagisan sya ni Nadz ng pineapple.




"Ay ganun. Pass muna. May gagawin pa ko sa student council office eh. Bukas nalang ha? Sa canteen tayo kakain" sabi ko kaya tumango lang sila. Mapasama si Nadz, check.






mga ilang minuto lang ay lumabas na sila at lumabas na din ako para magpunta sa office nang makita si Coleen kasama yung partner nya lagi sa photoshoot ng school.






"Hi Anj!" Sabi niya at kumaway sakin kaya kumaway din ako sa kanya. Coleen, busy.

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now