46

2K 59 2
                                    

Third

"Bwisit naman kasi pre. Mahal na mahal ko sya. Parang mamamatay ako pag hindi ko sya nakikita"

"Gago ka ba? Eh nakipagbreak ka eh" sabi ni Kai sa kanya at sinuntok ng mahina si Troy.


"Ikaw Third.. makikipagbreak ka ba kay Nadz?"

"Ha? Eh kakabreak lang namin eh" sabi ko sa kanya kaya ako naman yung sinuntok pero malakas. Ang hayop nitong Kai na to.


"Ano may Schedule?!"

"Anong gusto mo, makipagbreak ako?!"

"Subukan mo. Bugbog ka sakin."


"Mga pre.. speaking of bugbog. Gusto kong mambugbog. Gusto kong pumatay. Parang gusto kong.."

Sabi ni Troy kaya nasa kanya lang yung atensyon naming dalawa.

"Gusto kong makipagbugbugan ulit"

"Pre ano ba. Goodboys na tayo." Sabi ni Kai na ikinatango ko.

"Edi ako nalang. Kayo goodboys"

"Tumigil ka nga Troy. Papatayin mo lang sarili mo. Tska isa pa, hindi na tayo kumpleto. Hindi na masaya" sabi ko.



Sometimes.. kung sino yung inaakala mong hindi nila magagawa yun, nagawa na pala nila. Hindi lang halata samin pero oo, ginagawa namin yun.





"Hindi nyo ko naiintindihan. Siguro pagnagbreak kayo ni Nadz or ni Coleen, gagawin nyo yan."

"Tsk. Oo ako nung nagbreak kami ni Nadz gusto kong sapakin si Renji pero yung.. hay nako"


"Itigil nyo na nga tong pinaguusapan natin. Umuwi na tayo" sabi ni Kai. Nakita ko naman si Nadz na papalapit sakin kaya inakbayan ko sya.




"Samahan mo ko! Wala ba kayong assignment?"


"Saan? Wala, kanina pa namin ginawa"

"Yeeey! Sa mall! 3 days sale ngayon Third!!!" Sabi niya sakin kaya tumango ako. Sayang din yun baka mga 3 sapatos pa mabili ko.




Pagdating namin dun, sobrang daming tao kaya hinawakan kong mabuti si Nadz. Baka kasi mawala.



"Ayun! Ayun yung gusto kong rubber Third!" Turo nya sakin habang hawak yung vans.

"Dali maghakot ka lang. Kaya mo namang bilhin lahat yan"


"Dali couple tayo ha? Bayaran mo din yung sayo! Hahahaha" sabi niya kaya napagtinginan kami. Wala na akong magagawa dun kaya ko nga sya minahal eh.




Napakapa ako sa bulsa ng pantalon ko nang magvibrate kaya tiningnan ko.

Angeli calling...

Sinagot ko yung tawag nya kahit madaming tao. Busy din naman si Nadz sa pagpili ng sapatos.


"Hello?"

"Third.. kailangan kita ngayon baka hindi ko kayanin na to." ito na nga ba sinasabi ko. Sana hindi magalit si Nadz. Bwisit ka kasi Troy. Paspace space ka pa.


"Saan ka?"

"Nandito ako sa rooftop ng school.. Third"



"Hoy wag ka magpapakamatay. Wait lang" natawa sya sa kabilang linya kaya binalik ko na sa bulsa ko yung cellphone.




"Bakit Third, may lakad ka?"

Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba yung totoo? Masasaktan sya pagsinabi ko yung totoo.


"Nadz may groupings pala kami. Nakalimutan ko eh. Tara magbayad na tayo" sabi ko at hinawakan sya pero pinigilan nya ko.



"Wag na, Third. Una ka na ako na magbabayad nito. Nakakahiya naman eh no hahahah" sabi niya.


"Sige. Iiwan ko nalang sayo yung kotse ko. Magcocommute ako"


"Wag na! Malelate ka pa sa groupings nyo eh. Ako na bahala papasundo nalang ako" sabi niya at namili ulit. Para hindi nya isiping nagloloko ako, hinalikan ko nalang yung noo nya at ngumiti.



"Sige na. Hindi naman ako magtatampo" umalis na ako dun at naiwan sya magisa. Dali dali akong nagpunta ng school at sa rooftop. Nakita ko syang nakaupo dun sa railings.


"Sabi ko wag kang tatalon eh"


"Akala ko hindi ka pupunta"



"Tsk. Nag-alala lang ako. Baka kasi tumalon ka jan. Hindi naman dapat ako pupunta eh. Kasama ko kasi si Nadz joke" nagulat ako ng bigla syang umiyak at may nakatakip sa mukha nya.




"Joke lang"


"Okay lang Third. Sana hindi ka nalang pumunta. Ikaw na nga lang meron ako eh. Ikaw nalang kaibigan ko. Masama ang tingin nila sakin"



"Angeli.."


"Third alam mong walang wala na ako. Wala na akong kaibigan. Wala na si Troy. Alam kong busy kayo ni Nadz. Alam ko ring galit sakin si Nadz kaya hindi nya ko pupuntahan dito"




"Hindi galit sayo si Nadz, Angeli. Wala syang galit sa inyo tandaan mo yan"



"No, Third. Galit na silang lahat sakin."



"Kung tatalon kaya ako dito, may iiyak din? Gusto kong iyak? Yung katulad ng mawala si Kiefer. Yung mararamdaman mong may nagmamahal talaga sa kanya"




"Ano bang iniisip mo Angeli?! Lahat kami nagmamahal sayo! Lahat tayo magkakaibigan! Try to talk to them kasi. Wag nyong pairalin yung pride nyo okay? At isa pa, nandito lang ako para sayo"




"Buti nanjan ka. Buti may boybestfriend ako kahit papano"


"Naniniwala akong babalik tayong lahat sa dati, Anj. Wag kang mawalan ng tiwala sa grupo natin"



"Pano babalik kung nawalan na tayo ng isa?"



"That's not the point, Anj. Babalik ang lahat sa dati. Yung masaya. At nasa alaala pa din natin na kumpleto tayo. Wag lang natin syang kalimutan"




"Ano ba ugali ko dati, Third? Mabait ba ako dati?"



"Mabait ka, hanggang ngayon. Malaki nga lang ang pinagbago mo because you focused on your studies. Bakit di mo ko gayahin? I balanced all. Lovelife, social life, friends and studies. You know kung ano pinagbago mo? Lagi kang highblood. And i think dahil yan sa pressure. Pressure sa pag-aaral. Sometimes kailangan mo din ng friends na magpapasaya sa araw mo. Hindi puro studies. Kailangan mo din ng saya kasama kami"






"Mababalik ko pa kaya yung ganun, Third? Ako pa kaya makakapagayos sa grupo?"


"Of course, you are. Syempre kasama kami. Tayong lahat. At.. hindi mo kailangang ibalik. Kailangan mong baguhin lahat. Sometimes, you need bad things to happen to inspire you to change and grow."




"Thanks, Third. Hindi ko na alam gagawin ko ngayon kung hindi ko hiningi advice mo"


Ngumiti ako sa kanya at niyakap sya. Goodthing may nagagawa yung words of wisdom ko na maganda.

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now