55

1.9K 65 0
                                    

Coleen

"Nakakainis na kayo ha! Nabibitter na ako sa inyong dalawa. Kaya dito ka nga" sabi ko kaya iniwan nya si Hans at pinagitna ako sa kanilang dalawa habang tumatawa.



"Bakit ba kasi di mo sinama si Kai? Para di ka naiinggit jan"


"Sorry naman ha. Sana hindi nyo na ko niyaya. Tska, busy yun" sabi ko at naglakad.


"Wait Hans pahawak nitong paperbag magsisintas lang ako. Natanggal eh" sabi ko at pinahawak yung dala ko.


"Hans!" Napatingin ako kay Hans na nakalumpasay na sa lapag at nakahawak sa bibig.


"Han-mpphh!!"

"Kaya!" Hinabol ko si Kaya at yung may hawak sa kanyang malaking mama na nilagyan sya ng panyo sa ilong.

"Shit Kaya!!!!" Pinagpapalo ko din yung lalaki habang hawak ang walang malay na si Kaya at nilagyan din ako ng panyo ng isa nya pang kasama.



"Coleen! Kaya!"


××

"Yo Ladieees~" dahan dahan akong napadilat nang narinig ko yung boses ng isang babae. Dun ko lang napansin na nakapabilog yung upuan naming magkakaharap at nakatali tapos nasa gitna yung dalawang naka mask.


"Hello~ i missed you guys" sabi nung babae habang nakatingin sakin. Pinagmasdan ko si Kelly na namumula ang mata sa sobrang galit at si Nadz na masama ang tingin sa dalawa. Nandito din si Angeli na may pasa sa bibig at si Kaya na nadamay.




"T*ngina mo wag ka na mag mask dahil kilala na kitang hayop ka! Ikaw lang pala tong nagbabanta sa buhay namin?! Leche napaka babaw mo!" Sigaw ni Kelly na pilit tumatayo.




"Shhh... shut up Kelly. You don't even know what's the story. So shut up. Gusto mo bang malaman... Coleen?" Teka.. yung boses nya. Alam kong sya yun eh.




"Once upon a time, may babaeng pinili ng lahat. Pero kahit na pinili na ako ng lahat, ikaw pa din ang tama, Coleen diba? Well, atleast im not a teacher's pet. Mababaw na kung mababaw. Ang mahalaga, wala nang mabubuhay pa sa inyo. Alam ko naman na magkakagalit kayo ngayon eh. Kaya, hindi na kayo magtutulungan pa"

Biglang umiyak si Angeli ay yumuko.





"F*ck you." Sabi ni Kelly kaya nakatanggap sya ng sampal sa isang kasama nya. Unti unting namuo yung luha sa mata ko.




"Hinila mo ko pababa, Coleen. Ginagawa mo kong masama at ikaw Kelly! Ako dapat ang pangalawang presidente. Masyado kang pabida. Hindi ka magaling tandaan mo yan ha? Isa ka pang agaw atensyon eh. Mga agaw atensyon!"





"Leche! Ikaw ang agaw atensyon! Ang panget mo kasi kaya lagi kang nasa huli! Leche ka Krissa!" Sa pangalawang pagkakataon, nasampal nanaman sya ng malakas kaya naluha na sya sa sakit.





"Tulong!!!!! Waaaaah tulong!!!!!!" Sigaw ni Kaya na takot na takot kaya tiningnan ko at nagsorry. Hinila ni Krissa yung buhok nya at pinandilatan ng mata kaya tumahimik si Kaya.




"Hahahahahah! Mga leche kayo. Kaya nga hindi tinakpan bibig nyo eh. Kasi walang makakarinig sa inyo. Sigurado ako na hindi ka matutuwa sa sasabihin ko, Kelly Yeun.."





"...sinabihan ko din si Kiefer na may nangyari sa inyo ni Yong sa CR kaya nagalit sya sayo. HAHAHAHAHAHAHA" lalong nagalit yung ekspresyon ni Kelly kaya pinipilit nya yung sarili nyang umalis sa pagkakatali.





"Ako naman?" Tanong ng isang boses lalaki at tumango si Krissa.



"Hi Nadz" tinanggal nung lalaki yung mask nya at humarap kay Nadz.





"Ang malas mo. Alam mo yun?"



"Mas malas ka. Mukha ka kasing pagong" sabi ni Nadz kaya nasampal sya nung lalaki.




"HOY SUMUSOBRA KANA! PAGNAKAALIS AKO DITO SASAMPALIN DIN KITA!" sigaw ni Angeli.




"Ang malas mo Nadz. Kasi, boyfriend at kapatid ka ng paggagantihan ko. Siguradong pag ikaw ang tinarget ko, pareho silang magwawala sa galit."






"Edi wow" sagot ni Nadz kaya nasampal sya ulit pero mas malakas kaya napaluha nalang ako. Tinulak nung lalaki yung upuan ni Nadz hanggang sa tumumba ito at lumapit sakin.





"At ikaw, sinisigurado kong, hindi ka na makakalabas ng buhay. Malaki ang kasalanan sakin ng mga boyfriend nyo sakin kaya sa inyo ako gaganti para memorable" titig nya sakin.



"Bakla amputa" bulong ni Kelly pero dinig na dinig.

Lord help us.


"Gusto mo pa ng surprise, Nadz?" Tanong ni Krizza habang tinatayo ulit si Nadz.



"Here's the surprise" napatingin kaming lahat sa pumasok na babae at may kasamang mga lalaki na may baseball bat. Pare parehong nanlaki yung mata namin ng makita namin sya.





"Hi Nadz.."




"What the f*ck." -Kelly

"B-bakit?" -Nadz


"Hayop ka." -Angeli




"B-bakit ganun.." habang narerealize ko lahat, sumasakit din lahat. Kung sino pa yung di namin inexpect, sya pa din yung may gagawing masama samin.





"Hoy ano ba? Bakit ka nagvivideo? Mamaya may makakita nyan at mahuli pa tayo"


"Di yan, remembrance yan. Siguradong makukumpleto ko yung araw ko pag papanuorin ko to"

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now