12

2.3K 82 0
                                    

Dedicated to Chinta4 thank you for waiting!!!

Kai

"Shit!!!!! Shit ka!!!"


"Bulshit!!!! Hindi pa man din ako nakaseatbelt!!!! Argh!!!"


Bumaba ako ng sasakyan ko at napahawak sa leeg. Bwisit! Bwisit tong nagmamaneho na to!




"Hoy! Mag ingat ka nga sa dinadaanan mo! Bulshit ka! Bumaba ka jan!" Halos masira ko na yung kotse ng siraulong to bago sya bumaba.

"Ano bang problema mo pare?"

"Hindi ka nagiingat ng dinadaanan mo. Ang bilis mo pa magpatakbo. Gago ka ba?"



"Ako pa gago pre? Ikaw din hindi ka nagiingat eh"




"Baliw ka ba?! Sa susunod ayusin mo yang pagmamaneho mo kundi ipapakulong kitang gago ka. Makakapatay ka pa ng tao!"



"Kung ikaw lang din, ayos na" halos lahat ng dugo ko eh umakyat sa sinabi niya kaya kinwelyuhan ko sya at sinuntok.



"Gago ka?! Bago mo ko mapatay mapapatay na kitang hayop ka"



"Psh.. bitawan mo ako bago kita mabaril sa utak" hindi ko sya binitawan pero tinulak nya ako at sumakay na sa kotse nya.




"Wala ka pala eh" pagalis niya, sinipa sipa ko yung lupa sa sibrang inis. Hayup!




Pagsakay ko ng sasakyan ko, hindi ko muna pinaandar at sumandal lang para mawala yung inis ko.



Psh.. bitawan mo ako bago kita mabaril sa utak



Pano kaya kung namatay ako ngayon? Pano kung nagkabanggaan talaga kami? Pano kung nabaril nga talaga ako ng lokong yun? Hindi ako papayag. Hindi pa ako pwedeng mamatay. Hindi pa kami nagpapakasal ni Coleen. Hindi pwedeng hindi kami magpakasal. Hindi ako pwedeng mamatay.


××

"Sweetheart, gising na" dinilat ko ang mga mata ko ng gisingin ako ni Coleen.

"Kinuha mo pa pala gamit ko sa bahay. Thank you sweetheart.."

"You're welcome.. hindi ako makakapasok ngayon sweetheart masakit leeg ko" sabi ko kaya nagbago expression ng mukha niya.

"Bakit, anong nangyari sayo?" Tanong niya.

"Wala to. Baka ngawit lang" sabi ko.

"Edi hindi din ako papasok. Hindi naman pwedeng walang magbantay sayo"

"Okay lang ako sweetheart. Pumasok kana please? Yung assignment mo pano mo maipapasa? Okay lang ako dito"

"Hindi sweetheart. Ipapapasa ko nalang kay Kelly. Sige jan ka lang"

Lumabas si Coleen sa kwarto ko at bumalik din.

"Ayan na, sya na daw magpapasa. Sasabihin niya lang na masama pakiramdam ko" dito rin pala natulog si Kelly.

"Sandali lang ha, gigisingin ko lang si Nadz para makapagayos na tapos magluluto ako"

Ngumiti lang ako dahil hindi ako makatango. Para na syang asawa ko na may dalawang anak para gisingin at ipagluto.

"Eto kels oh, pakipasa nalang ha?" Sabi ni Coleen ng pumasok si Kelly sa kwarto.

"Oo Cols. Sasabihin ko nalang na masama pakiramdam mo. Get well Kai. Una na kami"

"Oy kuya magpagaling ka ha! Sabihin mo lang kung dapat ko nang ipatawag yung personal doctor natin"

"Sige lang Nadz. Pumasok na kayo" sabi ko at umalis na sila.

"Eto na yung pagkain oh. Subuan nalang kita. Sandal ka nalang dito sa mga unan" sabi niya kaya pinilit kong sumandal kahit sobrang sakit.

"Teka.. ako na tatawag sa personal doctor nyo. Sa mukha mo palang parang iiyak kana eh" sinenyasan ko sya ng 'sige' at tumawag na sya saka ako sinubuan ng pagkain.

"Sabihin mo nga, ano bang nangyari talaga? Kagabi?"

"Kagabi? Wala ah. Kinuha ko lang damit mo tapos walang nangyari promise" sabi ko at tumango naman sya. Tinext ni Coleen sila Kiefer kung bakit hindi ako makakapasok.

Maya maya ay dumating yung personal doctor namin saka ako tinanong ng tinanong. Syempre hindi ko sinabi ang totoo. Sinabi kong ngawit lang to.

Tiningnan ko yung personal doctor namin ng may kahulugan. At mukhang naintindihan niya naman kaya tumango tango sya at naglabas ng stiff neck collar saka nilagyan ako. Bwisit. Nawala pagkapogi ko.


"Kung ako sayo, miss Coleen. Bukas ay pumasok ka na. Kasi matagal matanggal ang isang stiff neck. Pero kaya nya nang tumayo basta meron sya nyan"


"Sige po doc. Thank you po"

"Magiingat sa susunod, Kai ha. Mauuna na ako" sabi ni doc at umalis.

"Hays. Ayokong pumasok bukas kung may ganyan ka pa. Hindi ako sigurado"

"Okay lang ako sweetheart. Tara movie marathon nalang tayo" sabi ko kaya tumango sya ag nagbukas ng dvd.

"Ano papanuorin?"

"Kahit ano nalang. Yung magugustuhan mo"

"Alam ko na! Suicide squad gusto mo" sabi niya kaya tumango ako.

Bumaba sya sa kitchen para kumuha ng pagkain at nanuod na kami.

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon