27

2K 67 0
                                    

Kiefer

Hinatid ko na si bhie sa restaurant nila at umuwi muna dahil sa urgent call ni daddy at mommy. Tungkol nanaman to sa business, for sure.

Paguwi ko, nasa sala na sila at may mga juice sa table. Nandun din si mommy at daddy.

"Bakit po?"

"Maupo ka muna, Kiefer. May sasabihin kami sa'yo" sabi ni daddy. Kaya tumango lang ako. Nagulat ako ng may pumasok din sa bahay na hindi ko kilala at may kasunod na babae.

"Goodafternoon, Mr and Mrs De Guzman, this is my son, Kiefer" sabi ni mommy. Ngumiti sakin yung matandang babae at lalaki kasama yung anak niya.

Anong ibig sabihin nito?!

"Kiefer, meet your fiancè, Yhellie De Guzman" sabi ni mom kaya nanlaki ang mata ko at pinanlakihan ko nang mata yung babae. Put*ngina anong kagaguhan to?!

"Mommy. Alam mo nama--"

"Wait, mr and mrs De Guzman, i will talk to my son for a minute" sinenyasan ako ni daddy na sumunod sa kanya hanggang sa kitchen.

"Dad alam mo namang si Kelly lang ang pakakasalan ko. Anong fiancè fiancè yan!?"

"Kiefer manahimik ka. Mahiya ka naman sa tao na nasa labas. Malaki na ang utang ng company natin sa kanila! Ito lang ang pwedeng maging kabayaran nun"

"Dad hindi ako papayag. Si Kelly lang ang pakakasalan ko. Mamamatay muna ako bago nyo ko ipakasal sa iba"

Umalis ako sa kitchen at dinaanan lang sila daddy.

"Kiefer bumalik ka!" Nang makita kong hinahabol ako ni daddy, tumakbo na ako at sumakay sa kotse saka pinaandar. Nagpunta ako sa bar at pinapunta si Troy dahil sya lang ang hindi busy ngayon.

Napatingin ako sa kanya ng pumasok sya sa bar. Umupo sya at nakiinom sakin.

"T*NGINA PRE."

"Bakit pre?"

"TANGINA PRE. IPAPAKASAL AKO SA HINDI KO KILALA"

"ANO?! T*NGINA MAKALUMA NA YAN AH!" sigaw nya din.

"T*NGINA PRE GUSTO KONG MANUNTOK T*NGINA TALAGA!" Sa sobrang inis ko, nahagis ko yung baso sa malayo kaya maraming napatingin sakin.


"Pre, chill. Sunduin mo na si Kelly dun para makapagrelax ka. Ako na bahala sa nabasag mo. Wag mong pagbubuntungan ng galit si Kelly ha!"

"Pare, wala kang ibang pagsasabihan nito ha? Satin nalang muna to. Kahit anong mangyari.. aayusin ko muna to."

Tumingin ako sa relos ko at nakita kong 8 na kaya umalis agad ako. Lahat nang madadanaan ko binubusinahan ko sa sobrang inis.



Dumaan ako sa restaurant kung saan ko sya hinatid kanina at mukhang hindi pa sya tapos. Saglit akong huminto sa harap at nakita kong nagkakasiyahan sila sa loob.


T*NGINA BAKIT NIYAKAP NYA SI KELLY?! BAKIT NAKAHAWAK ASDFGJKL HAYUP. NAPAGKAKAISAHAN SYA... oo, napagkakaisahan lang sya. Napilitan lang sya ng t*nginang grupong yan.

Tumingin pa din ako sa kanila hanggang sa maglabasan na yung iba at si Kelly pumasok pa.

"Si Kelly ba hanap mo? Ayun, nasa cr. Kasama ni Yong" sabi nila na nagtawanan pa kaya napahawak ako sa manibela. Umalis ako dun at kung saan saan na nagpupupunta. Hindi ko alam ang pwede kong magawa sa Yong na yun. T*ngina.. ayokong makapatay ng tao.


Umikot ako pabalik sa restaurant at nakita ko na syang nandun pa sa labas. Hinahawakan pa ng bisayang yan ang buhok ni Kelly kaya nung nakita ako, sumakay agad si Kelly. Mahigpit pa din ang hawak ko sa manibela para iwasang malabas ang galit ko sa kanya.

"Huy, masira naman yang manibela mo. Mababali na oh"

"Kayo ba nun?"

"Ha? Anong sinasabi mo jan?"

"T*ngina Kelly. Pumayag ako na makisama ka dun. Pero sana wag mong sirain yung tiwala ko. Sinabi kong may tiwala ako sayo pero parang nawala sa isang iglap."


"Puta Kiefer ano bang problema mo?! Wala naman kaming ginagawang masama! Binibigdeal mo yung nakita mong hinawakan nya yung buhok ko?!"


"Una nagduet kayo. Pumayag kang makaduet mo sya tapos t*ngina lang Kelly. Sana hindi mo na sya pinasama pa sa banyo at pinahawak sa bewang mo!! Putcha naman! At anong problema ko? Madami na! Wag ka naman nang dumagdag!"



"Ah dagdag ako sa problema mo? Ganon? Ihinto mo to. Bababa na ako. Sa susunod, wag mo na akong susunduin kung pagbubuntungan mo lang ako ng galit mo! Bwisit ka!"



Hininto ko yung kotse dahil binuksan nya na bigla. Pero isang malaking pagkakamali na hininto ko yung kotse dahil sa paparating na truck kaya niyakap ko sya ng mahigpit at malaking liwanag na lang ang nakita ng mga mata ko.

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now