3

3.6K 121 4
                                    

Kelly's POV

At ayun nga ang storya, para silang boys over flowers. Nasa unahan si Kai. Makapal mukha eh hahah joke. Tapos si Bhie na ang pogi pogi ngayon sa paningin ko. Nagtataas na sya ng buhok kaya ang hot. Tapos si Third, na may hawak pang notebook. Tapos si Troy na nakaearphone at tahimik. As usual, ganyan talaga sila.

"Hi Be"


"Bakit ka nagpapagwapo? Tigilan mo nga yan" reklamo ko sa kanya.

"Bakit, nangagwapuhan ka ba sakin?"

"Hindi. Yung ibang tao nagagwapuhan sayo. Maaagaw ka sakin" napangiti sya sa sinabi ko pero ngumiti din ako. Si bhie pa ba?


"Sweetheart bakit galing si Hans dito?" Tanong ni Kai kay Coleen.


"Nakikain lang naman. Pero umalis din agad" sabi nya.


"Wala pa si Angeli?" Tanong ko.


"
pa. Papunta palang pero mamaya ko susunduin paguwian nya na" sagot ni Troy.

"Eh si Nadz?"


"Mamaya pa vacant nya, 12" oo nga pala, 3 kasi ang uwi namin sabay sabay kami pero iba yung mga break.

"Anong nangyari jan be?" Tanong ni bhie sa damit ko. Baka sumagot yung damit ko no?

"Natapunan nung lalaki"


"Hinawakan ka ba nya?!" React nya kaya nagulat kaming lahat. Yung ibang tao din tumingin sa amin.


"Hindi. Pinaalis ko na nga eh."

"Buti naman"


Biglang nagbell kaya tumayo na kami ni Coleen.

"Una na kami, may klase pa eh" sabi ni Coleen.


"Aral mabuti ha. Wag titingin sa iba" paalala ni Kai kaya natawa kami. Ang OA naman nito.


"Ikaw din be ha. Aral ka mabuti para sa kinabukasan natin hahaha!"


"Ikaw din leche. Wag kang loloko loko" sabi ko saka nagkiss kay bhie. Sanay na kaming lahat na kinikiss ko si bhie sa cheeks samantalang pagprivate kinikiss nya ko bigla sa lips. Bakit ba? -///-


"Pda talaga kayo"


"Gaga. Kailangan sa buhay yun. Hindi puro away" sagot ko kay Coleen. Dumeretso na kami sa room namin saka umupo.


Pagkatapos ng 3 hours ulit para sa nihonggo class, naghintay na kami sa baba para magsabay sabay na kami.


"NADZ!!" napatingin samin si Nadz na halatang hinahanap din kami.


"Sige Yhellie. una kana kasabay ko mga kaibigan ko eh" paalam nya sa kaklase nya. Well, maganda sya, mukha namang mabait at baby face din. Magaling talagang pumili tong si Nadz.

"Sino yun?"

"Si Yhellie. Nakipagkilala sakin kanina tapos kasama ko sa pa sa canteen. Ang bait nya!!" Natutuwa nyang sabi kaya tinapik ko nalang sya.

"Ayun na si Anj oh." Sabi ko na papalapit na samin.

"Oh, anyare?"

"Grabe. Pagpasok na pagpasok palang sa klase, pinagtinginan na ako kesyo swerte daw nila kasi naging kaklase nila ko. At ako na lagi ang pambato nila"

"Ayaw mo pa nun?" Tanong ni Coleen.


"Hindi naman sa ayaw. Pero kasi... alam mo yun, buong klase ko hindi ako tinantanan? Dinaldal ako ng dinaldal kahit sinabi ko na gusto kong makinig" sabi niya kaya natawa nalang kami.


Pagkita kita naming walo, nagsama sama na kami at nagpasyang kumain ng meryenda sa labas at yun, nauwi kami sa S9 cafe. Puno na kasi yung 3 Angel's cafe.


Nang pansinin ko silang magkakasama, parang hindi nila nakita yung isa't isa sa loob ng sampung taon. Mga bwisit to. Si Kai nakaakbay kay Coleen. Si Third dikit na dikit kay Nadz at si Troy at Angeli naman mahigpit ang hawak sa kamay!

"Bitter naman ng mukha mo" bulong ni bhie sabay ikot ng kamay sa bewang ko. Hindi na rin ako pumigil pero kinikilig ako.

"I love you be"

"I love you too bhie" bulong ko rin saka may nagflash sa harap namin.

"Bwisit kayo idelete nyo nga yan" sabi ko.

"Wag na bhie. Remembrance natin yan sa isa't isa"



"Malamang alangan namang remembrance mo yan sa kanila eh tayo yung nanjan"


"Pwede din. Pag nawala tayo-" hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita dahil pinaghahampas ko na sya.


"Hashtagangsweetnilaoh" sarcastic na sabi ni Nadz. Tumigil na ako sa paghampas ko at ininom nalang yung frappe.

"Bhie alam mo, may nagpuntang babae sakin kanina.."


"OH TAPOS?! ANONG PAKE KO SAYO?! ANO KINAUSAP MO?! NILANDI MO?!"



"Hahahahahahaha!!!!" Yung buong cafe nabalot na ng tawanan nila at hindi ko alam kung bakit


"Di ko nga alam bakit lumapit eh. Grabe bhie tapos ang talino nya pa"

"Wag mo kong kausapin bwisit ka."


"Joke lang bhie. Niloloko ka lang." Hinawakan nya ko sa balikat saka pinapaharap sa kanya.hindi na ako natutuwa sa kanya. Kung may babaeng lumapit, edi lumapit! Leche sya.

"Tulungan nyo ko pre. Alam nyong walang lumalapit sakin kanina pa" bulong ni bhie kay Troy na naririnig ko naman.

"Bahala ka jan. Panindigan mo." Sagot naman ni Troy kaya natawa ako sa kaloob looban ko.


"Yari ka Kiefer. Nambababae ka pa ha. Totoo yun, Kelly." Tumingin ako kay Kai saka sya nginisian. Bahala syang suyuin ako.

Gone (Campus Queens 2)Место, где живут истории. Откройте их для себя